Adelina's Point of View Halos bumigay ang mga tuhod ko sa labis na kaba. Kung ano-ano na lang ang naiisip ko. Samu't saring scenario na mangyayari sa oras na pumasok ako sa silid ng godfather. Pati mga sasabihin niya, mga gagawin niya—lahat. Hindi ko lang masyadong ipinapahalata kay Amadeo dahil ayoko siyang mag-alala. Nakakapanghina. Kung hindi ako nakahawak sa braso ni Amadeo ay baka kanina pa ako natumba. Kahit papaano ay nakakakuha ako ng lakas ng loob dahil kasama ko siya. "You're trembling," aniya habang umaakyat kami ng hagdan. "Are you okay?" puno ng pag-aalala niyang sambit. Saglit kaming huminto at tiningnan niya ang aking mukha. "Are you scared of him?" Hindi ako nakaimik. "Adelina, my father may look strict and intimidating, but he's rather a good and warm person once y

