Nakangiting pinagmasdan ni Dominador ang sasakyan ni Amadeo habang papalayo ito nang papalayo sa mansyon. Hindi niya maitago ang tuwang nararamdaman dahil sa pagkukusa nitong puntahan siya at sabayan siya sa hapunan. Hindi man niya totoong anak ang lalaki ay mas naging anak pa ito kumpara kina Maximo at Martin. Masaya siya sa nagiging takbo ng buhay nito; na sa wakas ay nakatagpo ito ng taong papakaingatan nito. Hindi niya maipaliwanag ang tuwang nararamdaman nang ipakilala ni Amadeo si Adelina sa kanya. He felt so proud as a father. So proud and happy that Amadeo was able to be brave enough to introduce a woman in the family. Pero kaakibat ng tuwang 'yon ay ang pangamba niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa oras na malaman ni Amadeo na ang babaeng mahal nito ay padala para

