Adelina's Point of View Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin ng boutique kung saan ako dinala ni Amadeo. May dalawang babae sa magkabilang gilid ko na inaayusan ako. Ang isa ay abala sa pagmi-make up sa akin habang ang isa naman ay inaayos ang aking buhok. Ang usapan namin ni Amadeo ay simpleng ayos lang, pero para naman yata akong magde-debut sa ayos ko ngayon. Nakita ko pa ang pinili niyang dress para sa akin kanina. Kulay pula at may slit sa gilid kung saan kitang-kita ang hita ko. Mabuti na lang at 'di gaanong mataas ang takong na isusuot ko dahil baka bumuka pa ang tahi ko. "Ma'am, boyfriend n'yo po ba 'yong kasama n'yo kanina?" tanong ng babae sa akin habang nakangiti ito na para bang nagpipigil ng kilig. "Oo nga po, ma'am, ang pogi," segunda naman ng isa. "Hindi pa," sagot

