Adelina's Point of View ISANG linggo na ang nakalipas mula nang dumalaw si Boss Maximo sa mansyon ni Amadeo. At sa loob din ng isang linggo ay kahit papaano'y gumagaling na ang sugat sa tagiliran ko. "Careful..." puno ng pag-aalalang sabi ni Amadeo habang inaalalayan niya akong maglakad. Nakasanayan na namin na maglakad tuwing umaga bago sumikat ang araw. Therapy ko raw kahit na hindi naman injured ang mga paa ko. Pero dahil wala rin namang mawawala sa akin ay pumayag na ako. Liban kasi sa 'therapy' ay nabibigyan ko rin siya ng oras. Nitong mga nagdaang araw ay walang ibang ginawa si Amadeo kundi ang arugain at alagaan ako. Siya mismo ang nagpapainom ng gamot sa akin, nagpapakain, at sinisigurado siyang tulog na ako bago siya lumabas. Sa loob ng ng araw na 'yon ay wala akong ibang

