Nagising ako nang maramdaman kong may nakahawak sa aking kamay. Kay higpit ng hawak nito, na para bang hindi na niya ako gustong bitawan pa. Sa pagmulat ng aking mga mata ay nagulat ako nang makita ko si Dada. Nang tingnan ko ang kamay ko ay lumiit ito. Bumalik ako sa pagkabata. Pero hindi 'yon ang nakapukaw ng atensyon ko kundi ang magkahawak naming kamay. At sa kanya-kanya naming palapulsuhan ay ang bracelet na binili namin noon—magkabiyak na puso na nakasabit sa itim na tali. "Adi..." puno ng pag-aalala niyang sabi habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. "Kumusta ka?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit siya nangangamusta; ano bang nangyari sa akin? At tila ba may bumulong sa likod ko at naalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Agad akong napabangon at tumi

