~LUNA ~ NAPAUPO ako sa tapat ng kama ni Señora Guada habang iniisip kung sino ang tinutukoy ni Arthur sa kan'yang panaginip. Kung bakit ganoon na lang siya ka-apektado habang nagsisisigaw. “Of course,Luna! Wala kang pakialam kung ikamamatay man niya habang binabangungot siya! Alalahanin mo ang ginawa niyang ka-cheap-an sa 'yo, girl! Haist!” Napangiwi na lang ako habang iniisip ang mga bangungot na unti-unti ko na sanang nakalilimutan. Gayunpaman, sa mga kaganapang ito ngayon sa aking buhay, marahil imposible na yata na makakalimutan ko pa ang lahat ng iyon, dahil ang taong pilit kong tinatakasan ay kaharap ko na at kasama ko pa sa iisang bubong. "Hayy--" napabuntong-hininga na lang si Luna habang iniisip ang kan'yang mga nakaraan. Maingat na lumabas si Luna sa silid ni Señora Guada

