TAHIMIK at maingat na binabaybay ni Luna ang hagdan patungo sa sala ng mansion. Habang sina Arthur at Señora Guada naman ay aliw na aliw sa mga ulam na inihanda ni Luna para sa kanila. “Siya nga pala, lola. Kailan mo ba ako ipakilala sa bagong cook natin dito, ha? At nang makapagpasalamat naman ako sa kan’ya. Ang sarap kasi ng mga niluluto niya, hindi pangkaraniwang cook ang ini-hire mo, ha! Siguro kung single ‘yang cook mo, ma-e-in love ako sa kan’ya,” nakangiting wika ni Arthur. Tila nabuhayan ng dugo si Luna nang marinig mula kay Arthur ang magagandang puna tungkol sa kaniyang nilulutong ulam. Maliban lang sa huli nitong binigkas. “Ayos na sana ang pagkakasabi, dinagdagan pa ng ‘ma-e-in love ako sa kaniya’. Tsehh! Napaka manyak mo talaga kahit kailan!” gigil na sambit ni Luna sa sari

