KABANATA 10: MUNTIKANG PAGKIKITA

1757 Words
ALAS otso nang gabi nang narating ni Luna ang kanilang bahay. Ang buong akala niya ay nakauwi na si Sheena galing eskuwela. “Sheena! Lumabas ka muna riyan sa kuwarto mo, may dala akong ulam. Sabay na rin tayong maghapunan,” malakas na boses na sambit ni Luna. Mayamaya ay rinig niya ang malakas na halakhak ni Sheena at iba pa nitong barkada na nasa labas ng kanilang pintuan. Kaya agad niyang pinuntahan ang kapatid. “Sheena? Bakit ngayon ka lang, ha?! At saka gabi na, ah!” bulyaw ni Luna. “At kayo! Bakit hindi pa kayo umuuwi, tiyak hinahanap na rin kayo ng mga magulang ninyo!” sambit ni Luna sa mga barkada ni Sheena. Agad nagsi-alisan ang mga barkada ni Sheena nang marinig ang nagagalit na boses ni Luna, habang si Sheena naman ay walang kibo nang pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. “Sheena! Buksan mo nga itong pinto! Sheena! Huwag na huwag mo akong galitin, buksan mo itong pinto!” Patuloy na sigaw ni Luna habang walang tigil na pinupukpok ng kamay ang pinto ng kuwarto ng kapatid. Dahil sa katigasan ng ulo ni Sheena, sa halip na pagbuksan niya ng pinto si Luna ay tinakpan niya ng unan ang kaniyang ulo at nilagyan ng headset ang magkabila niyang tainga. Walang nagawa si Luna kung ‘di ang bumalik sa mesa at ipagpatuloy ang hapunan. Habang kumakain ng mag-isa si Luna ay hindi niya mapigilan ang maluha sa kadahilanang nami-miss niya na muling makasama ang dati niyang mapagmahal na mga kapatid. Habang nililigpit ni Luna ang kan’yang pinagkainan ay siya namang pagdating ni Fino. “Fino? Puwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?” seryosong wika ni Luna. “Huwag na muna ngayon, busy ako!” padabog na tugon ni Fino. Hindi na napigilan ni Luna ang kan’yang sarili, kaya sinigawan niyang muli si Fino. “Fino! Upo!” malakas na bulyaw ni Luna. “Ano ba itong ginagawa ninyo sa akin? Ha? Ginagawa ko ang lahat mapabuti lang kayo, pero, ano?! Alam niyo bang nahihirapan na akong mag-adjust sa inyo? Ha?! Sabihin ninyo kung ano ang dapat kong gawin para maibalik ko sa dati ang masayang samahan natin! Hindi ‘yong pinapahirapan ninyo ako ng ganito!” hagulgol na sambit ni Luna. “Gusto mong malaman? Ha?! Gusto mong ibalik sa dati ang masaya nating samahan? Ibalik mo ang perang iniwan ni nanay sa atin! Ang pera na sinayang mo!” malakas na bulyaw ni Fino. “Ibalik mo ang tsekeng pinunit mo! Syempre hindi mo kaya iyon ‘di ba? Hindi mo kayang magkaroon ng ganoon kalaking pera dahil hanggang sa pagtitinda lang sa palengke ang kaya mong gawin, dahil wala kang pinag-aralan!” panlalait ni Fino kay Luna. Limang magkasunod-sunod at lumalagapak na sampal ang dumapo sa mukha ni Fino mula sa nanginginig sa galit na si Luna. “Tanggap ko ang pang-iinsulto ng ibang tao sa akin, Fino! Alam mo ba kung ano ang mas masakit? Ha?! Sampung balik ang sakit dito sa akin kung sa inyo ko mismo, na sariling pamilya ko nanggagaling ang panlalait sa pagkatao ko!” bulyaw ni Luna sa kapatid sabay turo sa kaniyang dibdib. Hindi kumikibo si Fino sa sinabi ng kan’yang kapatid. Agad siyang nagtungo sa kan’yang silid at iniwan si Luna na nakaupo sa sahig habang umiiyak. “Ahhh!!” impit na daing ni Luna dahil sa kirot na nararamdaman ng kan’yang dibdib, habang yakap-yakap niya ang kan’yang sarili. Kinabukasan, maagang nagising si Luna dahil unang araw niya bilang cook at servant sa mansion ng Del Rio. Maingat na pumasok si Luna sa loob ng mansion ng Del Rio dahil sa takot na muling magkasalubong ang kanilang landas ni Arthur Del Rio. At nang makapasok na siya sa loob ay tahimik siyang dumiretso sa kusina ng mansion upang maghanda ng agahan para sa kan’yang dalawang amo. Ilang minuto lang ang lumipas, natapos din si Luna sa pagluluto at agad na inayos ang hapag kainan. Pagkatapos niyang inihanda ang agahan ng mag-lolang Señora Guada at Arthur ay maingat niyang inakyat ang hagdan ng mansion papunta sa kuwarto ng matanda. “Bakit ba kasi ang taas ng hagdan ng mansion na ito, haisstt..!” wika ni Luna sa sarili. At nang marating na ni Luna ang dulo ng hagdan ng mansion, laking gulat niya nang makita ang kabuoan nito. Mula sa itaas ay tanaw niya ang malawak na spacio ng buong masion na tila malulula kang talaga dahil sa sobrang lawak nito. Inumpisahang hinanap ni Luna ang kuwarto ni Señora Guada, dahil sa dami ng pinto na kan’yang nakikita mula sa kan’yang kinaroroonan ay hindi niya alam kung nasaan ang kuwarto ni Señora Guada. “Saan ba kasi ang kuwarto mo rito, Señora Guada” mahinang boses na bigkas ni Luna habang kagat-kagat nito ang kan’yang daliri. Limang hakbang ni Luna mula sa bungaran ng hagdanan ay napansin niya ang isang kumikinang na pintuan. “Iyan na siguro ang kuwarto ni Señora Guada, imposible naman yata kung sa apo niya iyan,” bulong ni Luna sa kaniyang sarili. “Imposible talaga sa isang manyak na katulad niya ang magkaroon ng ganiyang pinto, huh!” singhal na sambit ni Luna, na ang tinutukoy ay si Arthur. Hindi na nag-atubili si Luna at agad nang lumapit sa kumikinang na pintuan. At nang sinubukang buksan ni Luna ang pinto, sakto naman na hindi ito naka-lock sa loob. “Bakit kaya nakabukas ito? Nandito pa kaya si Señora sa loob?” nagtatakang wika ni Luna sa sarili. Upang matiyak ni Luna, agad siyang pumasok sa loob at maingat na sinarado ang pinto. At nang isara ni Luna ang pinto, laking gulat niya nang bigla itong nag-lock ng kusa at hindi na niya ulit mabuksan. “Hala! Ano iyon! Bakit kusang nagla-lock? Pasintabi po sa inyo, wala po akong balak na gambalain kayo. At saka hindi po ako naligaw rito, tatawagin ko lang po ang amo ko para mag-almusal,” nanginginig na sambit ni Luna. “Señora nasaan po ba kayo, bakit ba kasi ang laki nitong kuwarto ninyo. Kasyang-kasya ang buong bahay namin dito sa kuwarto ninyo, eh!” takot na boses na sambit ni Luna, sa pag-aakalang minumulto na siya. Dahan-dahang naglakad si Luna papalapit sa kama, maya-maya ay rinig niya ang isang boses ng lalaki na tila may kausap sa telepono. Hindi alam ni Luna kung ano ang gagawin, nang makita niya ang isang dress cabinet ay dali-dali niya itong nilapitan at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob nito. “Ano?! Nasaan ba ang Manager ng departamentong iyan, ha?” “Sabihan mo si Mildred na maghanap ng bagong manager, ngayon din!” Mga salitang naririnig ni Luna na nagmumula sa isang galit na boses ng lalaki na nasa loob ng kuwartong kaniyang pinasukan. At sa pag-angat ng ulo ni Luna, laking gulat niya nang makita ang underwear ng lalaki na nakasabit sa loob ng cabinet na pinagtataguan niya. “Luna! Ano ba itong napasukan mo! Hindi naman pala kuwarto ito ni Señora Guada!” wika ni Luna sa sarili habang nakatakip ang mga kamay sa sariling bibig. Maya-maya lang ay nakatayo na sa harapan ng cabinet ang lalaki. Gulat na gulat si Luna nang makitang muli ang mukha ng lalaking mahigit dalawang taon na niyang pinagtataguan. Si Arthur Del Rio, the man who first obtained of Luna's virginity. (Ang unang lalaking nagbukas ng b****a ni Luna.) “Ibig sabihin sa kan’ya ang kuwartong ito?” nanginginig na sambit ni Luna sa sarili. Habang palihim na tinititigan ni Luna ang mukha ni Arthur, ay biglang nan'laki ang kan’yang mga mata nang makitang unti-unting hinuhubad ni Arthur ang suot nitong mga damit. Ang walang malay namang si Arthur ay komportableng-komportable habang hinuhubad ang kan’yang suot na mga damit, ang hindi niya alam ay mayroon pa lang mga matang nakatingin sa kan’ya. Hanggang sa--- pati suot nitong underwear ay kan’ya nang hinubad. Agad tinakpan ni Luna ang kan’yang mga mata gamit ang mga kamay niya. Ngunit, ang nakahubad na si Arthur ay mas lalo pang lumapit mula sa pinatataguan ni Luna. Dahil sa takot ni Luna na baka makasigaw siya, bigla niyang tinakpan ng kan’yang dalawang kamay ang bibig niya. At mas lalo pa niyang ikinagulat nang tumambad sa harapan niya ang mahaba, malaki at matigas na baston ni Arthur. Cabinet door lang ang pagitan sa mukha ni Luna at sa baston ni Arthur, kung kaya ay kitang-kita ng dalawang mata ni Luna ang malalaking ugat nito na tila ay mayroong sariling buhay dahil sa kusa itong gumagalaw at wari winawaksi-waksi ang mga hita ni Arthur. “Napaka bastos talaga ng taong ito! Kung mayroon lang akong hawak na kutsilyo rito, puputulin ko talaga iyang alaga mong hinayupak ka!” pagmumura ni Luna. “Kahit na kuwarto pa niya ito, sana man lang ay nagtira siya ng kahit kunting konsiderasyon! Paano na lang kung si Señora Guada ang pumasok sa kuwarto niya? Eww…! Pati balahibo ko tumatayo sa kabastusan mo, hayop ka!” gigil na sambit niya sa sarili, na tila nandidiri sa ginawang paghubad ni Arthur. “Apo! Arthur! Bumaba ka na pagkatapos mong magbihis at nang sabay na tayong kumain!” malakas na boses na sambit ni Señora Guada. “Coming, Señora!” sagot naman ni Arthur. “Coming mo iyang pagmumukha mo, huh! Unahin mo kayang magsuot ng brief!” ani Luna sa sarili. “Teka! Speaking of ‘brief’! Naku, Luna! Lagot ka talaga ngayon, alalahanin mo nasa loob ng cabinet na ‘to ang mga brief niya!” pag-aalalang sambti ni Luna sa sarili. Lubos ang pagkabahala ni Luna sa kan’yang sarili. Kung kaya ay niyakap na lang niya ang sarili at nagbabakasakali na hindi siya mahagilap ni Arthur. At sa pagkakataong ito ay tila nasa panig nanaman ni Luna ang tadhana, dahil muli nanaman siyang nakatakas mula sa paningin ni Arthur. Paglabas ni Arthur sa kan'yang silid, nagmamadali na ring lumabas si Luna sa cabinet kung saan siya nagtatago. At nang papalabas na sana si Luna ay pansin niya ang isang kulay gold na box na nakapatong sa ibabaw ng maliit na table na nasa tabi ng kama ni Arthur. “Huh! Malamang wedding ring ang laman niyan, nakaaawa talaga ang babaeng pagbigyan niya ng singsing na ‘yan!” wika ni Luna sa sarili. Ang hindi alam ni Luna ay isang mascara ang laman ng gold box na nasa loob ng kuwarto ni Arthur. Ang mascarang ginamit ni Luna noong araw na mayroong nangyari sa kanila. Ang mascara na tanging alaala ni Luna kay Arthur mula sa una nilang pagkikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD