Lisandra's POV a month's ago.. Alas tres ng madaling araw nagising ako, hindi ko alam kung bakit. Bigla kong naramdaman ang tiyan ko. Sobrang sakit at bigat na. Medyo iba na din ang sakit ng aking katawan. Ang due date ko next week pa. Ginising ko ang asawa ko at agad naman siyang nagising. "Bakit baby???" tanong ni Chris sa akin dahil di na mawari ang aking mukha. "M-manganganak na yata ako." pagkasabi ko bigla niya akong inalalayang tumayo. "Tita Rissa!" napaka lakas na tawag niya kay Tita. "Just a second gigisingin ko lang si Tita sa baba." bago niya ako iwan ay hinalikan niya muna ako sa noo. Ang sakit ng tiyan ko, yung parang tumitigas na ewan. "Manganganak kana ba anak?" tanong ni Tita at hinaplos ang aking tiyan. "Anak kunin mo na ang mga gamit." agad namang kinuha ni Chris

