Lisandra's POV Pagkatapos ng kasal agad kaming umuwi sa bahay. Di ko alam kay Chris bigla siyang nag ayang umuwi agad pagkatapos sa reception. Pagkatingin ko sa kanya nasa sofa siya nakahiga. Maybe he's tired? Kaya siya naka higa? Linapitan ko siya at unti unti kong tinanggal yung suit niya. Pinagpapawisan siya at nakalimutan niya ng magtanggal ng suot niya. "Anong gagawin mo sa akin?" nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita nang nakapikit siya. "Sobrang init kaya." pabalik kong sabi, natanggal ko na yung suit niya tanging sando lang ang natira. Buti na lang at natanggal ko na yung suot kong wedding dress ko. "Pag lumabas na si baby saka ulit tayo gumawa." pinalo ko agad siya, ayaw kong sundan agad. Mahirap ang manganak sabi nila. Tsaka dapat nasa five years old na ang panganay bago

