Chapter 6: Coincidence

1431 Words
Medyo malaki na ang naibayad ko sa ospital ngayon. Hindi man nito mabayaran ang lahat ng gastusin, kahit papaano ay nabawasan ang iniisip ko. Isa-isa kong inaayos ang mga bayarin para hindi kami tuluyang malubog sa utang. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ni Jeremy. Ang sarap ng tulog ng kapatid ko, mukhang nagiging maayos na rin ang pakiramdam niya. Nakatayo lang ako sa tabi ng kama niya habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog. Payat na siya kumpara noon. Mas maputla. Pero nakangiti pa rin siya kahit natutulog. Napangiti rin ako. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Lahat ng pagod, puyat, at sakripisyo. Para sa kapatid kong hindi pa sumusuko at hindi rin ako susuko para sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang paniniwala kong gagaling si Jeremy. Matatag siya. Mas matatag pa nga minsan kaysa sa akin. “Anak.” Napalingon ako kay Tita Rissa. “Kakatulog lang niya bago ka dumating.” Ngumiti siya habang tinitingnan si Jeremy. “Napagod kakakwento sa akin.” Napatawa ako nang mahina. “Ganoon pa rin pala siya.” Sabi ko dahil ganoon siya dati pa. “Oo. Ang dami pa ring kwento.” Lumapit ako sa lamesa at inilapag ang dala kong mga pagkain. “Tita, kumain muna po kayo.” Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman ng mga supot. “Naku, anak. Ang dami nito.” Hindi makapaniwalang sabi ni Tita Rissa. “Okay lang po.” Napabuntong-hininga siya. Alam kong nahihiya siya pero wala ‘yon dahil isa rin siya na nagsasakripisyo para kay Jeremy. “Kamusta naman ang trabaho mo?” tanong niya. “Okay naman po.” Agad kong sagot. “Pinapahirapan ka ba nila?” umiling ako. “Hindi naman po. Mababait naman sila.” At totoo naman iyon. Kahit paano, naging magaan ang pakikitungo nila sa akin. Lalo na sina Manang Nancy. “Buti naman.” Napangiti si Tita. Pagkatapos ay parang may naalala siya. “Oo nga pala.” Napatingin ako sa kanya. “Naningil na naman si Mang Cardo.” Agad akong napahawak sa batok. Oo nga pala! Nakalimutan ko na naman. Matagal na rin pala akong hindi nakakapaghulog para sa bahay. “Tinawagan niya ako kanina.” Napabuntong-hininga ako. “Hinahanap ka raw.” Sabi ni Tita. Buti na lang dahil may naiwan pang pera sa akin. Ilang buwan na rin akong hindi nakakahulog sa bahay. “Sige po.” Tumango ako. “Pagkatapos ko po dito, pupuntahan ko siya.” Sabi ko kay Tita. “Anak.” Napatingin ako kay Tita. “Napakasipag mo.” Napangiti ako. “Tita naman.” Nahihiya kong sabi. “Hindi. Totoo.” Nangingilid ang luha niya. “Sigurado akong proud na proud sa’yo sina Ate at Kuya.” Parang may kumurot sa puso ko. Matagal ko nang hindi naririnig ang mga salitang iyon. Bigla kong naalala sina Mama at Papa. Kung gaano nila ako kamahal at kung paano nila ako protektahan noon. Minsan naiisip ko, mas madali siguro ang lahat kung nandito pa sila. “Salamat po.” Mahina kong sagot. Tumayo na ako pagkatapos non. “Saglit lang po akong aalis.” Tumango siya. “Bumalik ka agad.” Sabi ni Tita at tumango ako. “Opo.” Bago ako tuluyang makalabas ay muli kong sinulyapan si Jeremy. Ngumiti ako. “Magpahinga ka muna, bunso.” Paglabas ko ng ospital ay agad kong inilabas ang cellphone ko. Ngunit bago pa ako makapag-isip kung saan pupunta, bigla itong tumunog. Si Rose. Napakunot agad ang noo ko. “Hello?” “Hoy, gaga!” napaatras ako sa lakas ng boses niya. “Ano?” nakakunot noo kong tanong. “Anong araw ngayon?” napaisip agad ako. Tahimik lang ako. Doon ko narinig ang nakakatakot niyang tawa. “Best friend ba talaga kita?” nanlaki ang mga mata ko. Shit. Birthday niya pala. “Happy Birthday, Bes!” sigaw ko agad. “Wow ha.” Narinig ko ang pang-aasar sa boses niya. “Nakalimutan mo.” Agad niyang sabi. “Hindi ah.” Depensa ko. “Sinungaling.” Napatawa na lang ako. “Sorry na.” Natatawang sagot ko. “Nasaan ka ngayon?” mukhang may binabalak na naman ‘to. “Nasa ospital.” Sagot ko. “Okay.” Biglang bumait ang boses niya. “Dito ako kina Sean.” Natigilan ako. “May konting handaan.” Agad niyang aabi. “Rose—” “Huwag kang tumanggi.” Napabuntong-hininga ako. “Bes—” hindi niya ako pinagsalita. “Magtatampo ako.” “Rose—” Tawag ko pero hindi pa rin natuloy. “At hindi kita papansinin ng isang linggo.” Agad akong natahimik. Alam kong kaya niya talaga iyong gawin. “Sige na nga.” Sabi ko at no choice ako. “Good.” Tumawa siya. “Hihintayin kita.” Pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag. Napailing na lang ako. Bastos talaga pero mahal ko pa rin ang bruha na iyon. Malapit lang naman ang bahay nila Mang Cardo. Kailangan ko talaga muna unahin ‘to. “Mang Cardo!” tawag ko sa may gate nila at agad naman siyang lumabas. “Ay, buti naman nakaalala ka Lisa! Salamat naman!” sabi niya at alam kong seryoso siya. “Pasensya na po, ngayon lang ako makakapagbayad.” Sabi ko at inilabas na ang wallet ko. “Twelve thousand lahat.” Agad niyang sabi at inilabas na ang pera. “Buti naman naalala mo akong bayaran.” Muli niyang sabi. Kaya naman binigay ko agad ‘yon at ang sarap tuloy ng ngiti niya. “O siya! Salamat, Lisandra.” Sabi niya at pumasok na sa gate nila. “Salamat rin po.” Habol kong sabi at ngumiti. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay may tumawag sa pangalan ko. “Lisa!” napalingon ako. At nakita ko si Red at papalapit siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. “Ikaw?” napangiti siya. “Ako.” Napatawa ako. “Sinusundan mo ba ako?” agad siyang umiling. “Hindi ah.” Depensa niya. “Talaga?” tanong ko ulit. “Totoo.” Natawa kami pareho. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. “Kakaalis ko lang sa pinsan ko.” Tumango ako. “Ikaw?” tanong rin niya. “Birthday ng best friend ko.” Napakunot ang noo niya. “Birthday?” parang question and answer portion ‘tong ginagawa namin! “Oo.” Sagot niya. “Anong pangalan?” tanong ulit niya. “Rose.”Napakamot siya sa batok. “Rose?” Tumango ako at bigla siyang natahimik. “Rose… Rivera?” nanlalo ang mga mata ko. “Oo!” napatawa siya. “Bakit?” kunot noo kong tanong. “Kasama rin ako doon.” Napakurap ako. “Birthday ng girlfriend ng pinsan ko.” Muli akong napaisip. Sean. Rose. Bigla akong napahawak sa noo. “Hoy!” tumatawa siya. “Tama ka.” Sabi niya. “Tanga ka pala.” Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. “Tara na nga.” Sabi ko. “Magkasama tayo?” ang kulit rin niya. “Oo naman.” Napailing siya habang nakangiti. “Tadhana nga naman.” Napatigil ako. “Ano?” irap kong tanong. “Wala.” Pero kitang-kita ko ang ngiti sa labi niya. Biglang may tumigil na sasakyan sa harap namin. Itim ‘yon at parang pamilyar ang kotse na ‘yon. Napalunok ako dahil pagbukas ng bintana nakita ko si Christopher! “Get in.” Nagkatinginan kami ni Red. “Sir day off ko po ngayon.” Agad kong sabi. “I said, get in. May ipapagawa ako.” Naalala ko, kung hindi dahil sa kanya? Baka hindi pa ako nakakabayad ng bills sa ospital at sa bahay namin. “Red, sabihin mo na lang kay Rose susunod ako.” Sabi ko at hindi ko na hinintay makapagsalita si Red. Sumakay na agad ako. “Sir, saan tayo pupunta?” tanong ko agad at hindi siya nagsalita. Kaya hindi na lang din ako nagsalita. Hinayaan ko siya mag drive. Pero kinakabahan talaga ako ngayon. Pumasok kami sa isang malaking motel. Mas lalo akong napalunok. Hanggang sa nakapasok na kami sa isang malaking parking space at biglang nagsara ang gate. “Get inside.” Utos niya nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Pagpasok namin bigla niya akong sinalubong ng halik niya. Hinayaan ko lang dahil namiss ko ‘to. Hanggang sa binuhat niya ako habang naghahalikan kami. “I don’t want you hanging out with that guy.” Seryoso niyang sabi sabay halik sa leeg ko. Napalunok ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD