Chapter 5 : Knowing

1306 Words
Gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya nandito ako ngayon sa garden ng mansion, tahimik na nakaupo sa isang bakal na upuan habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa paligid. Gusto ko lang muna solohin ang gabing ‘to. Malamig ang hangin, pero hindi nito mapatahimik ang isip ko. Napabuntong-hininga ako. Tama ba ang ginagawa ko? Mula nang pumasok ako rito sa mansion, pakiramdam ko ay lalo lamang gumugulo ang buhay ko. May trabaho ako at may perang naiuuwi. May naipapadala ako para kay Jeremy. Pero bakit parang may mali? Bakit parang habang tumatagal, lalo akong nalulunod sa mga problemang hindi ko naman dapat pinapasok? “Lisa.” Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Paglingon ko ay si Red pala. Kakagaling lang yata niya sa paliligo. Amoy na amoy ko ang mabango niyang perfume. “Grabe ka naman. Ginulat mo ako.” Napangiti siya. “Sorry.” Umupo siya sa tabi ko. “Bakit gising ka pa?” Napakibit-balikat ako. “Hindi pa ako inaantok.” Sagot ko. “Sakto.” Sabi niya. “Bakit?” tanong ko naman. “Hindi rin ako inaantok.” Napatawa ako. “Tayo pala pareho.” Tumawa rin siya. At sa totoo lang, magaan siyang kausap. Parang kahit simpleng usapan lang ay nawawala ang pagod ko. “Day off ka bukas?” tanong niya. “Oo. Pupunta kasi ako sa hospital.” Napansin kong agad siyang naging seryoso. “May sakit kasi ang kapatid ko.” Nanahimik siya. Hindi iyong klase ng katahimikan na nakakailang. Kundi iyong katahimikang nakikinig. “Matagal na ba? Ano sakit niya?” tumango ako. “Leukemia.” Sagot ko. “Kamusta naman siya?” napangiti ako nang bahagya. “Matapang.” Sagot ko pero hindi ko mapigilan malungkot. “Mana siguro sa ate.” Napailing ako. “Bolero.” Napatawa siya. “Totoo naman.”Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang dali niyang kausapin. Parang matagal ko na siyang kakilala. “Kailan ka babalik?” tanong ulit niya. “Monday.” Napangisi siya. “Tagal pa.” Mahinang sagot niya pero sapat na marinig ko ‘yon. “Bakit?” Nagkibit-balikat siya. “Wala.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Wala talaga?” Napangiti siya. “Mamimiss kita.” Agad kong inihampas ang kamay ko sa braso niya. “Red!” tumawa siya nang malakas. “Ang kulit mo.” Sabi ko habang natatawa. “Pero totoo.” Napailing na lamang ako. Minsan hindi ko malaman kung seryoso ba siya o nang-aasar lang. “May boyfriend ka ba?” tanong niya bigla. Napatingin ako sa kanya. “Wala.” Parang lumiwanag ang mukha niya. “Pwede bang mag-apply?” Mas malakas ko siyang napalo. “Ano ka ba!” Lalo siyang tumawa. “Sige na. Hindi na kita aasarin.” Tumayo na ako. “Matutulog na ako.” Tumango siya. “Goodnight, Lisa.” Malambing niyang sabi. “Goodnight.” Akala ko tapos na. Ngunit bago ako tuluyang makalayo ay humabol siya. “Goodnight, Gandara.” Napahinto ako. Muli ko siyang nilingon at muli ko siyang pinandilatan. Tumatawa lang siya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Napailing na lamang ako. Baliw talaga. Ngunit hindi ko maitago ang ngiting namuo sa labi ko habang naglalakad papasok ng mansion. Bigla naman akong natigilan. Nasa may balkonahe si Christopher. Tahimik siya. Nakatayo lang habang nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon. Hindi ko rin alam kung bakit parang galit ang tingin niya. Para bang may nakita siyang hindi niya nagustuhan. Pero wala naman kaming ginagawa ni Red. Nag-uusap lang naman kami. Napailing ako. Bahala siya. At tuluyan na akong pumasok. — Maaga akong nagising. Ngayon ang araw na makikita ko ulit si Jeremy. Excited akong naghanda. Parang mas magaan ang pakiramdam ko ngayon. Sa wakas, may dala na akong pera para sa gastusin niya sa ospital. Nakapagpaalam na rin ako kina Ma’am Jenny at Sir Fernando. Pumayag naman sila. At ibinigay pa nila ang sahod ko nang mas maaga. Lalong lumawak ang ngiti ko! Bago ako umalis, naisipan kong magpaalam din kay Christopher. Kumatok ako sa pinto ng kanyang kwarto. Ilang segundo bago ito bumukas at mukhang kagigising lang niya. “Sir, aalis na po ako.” Tahimik siyang nakatingin sa akin. “Kailan ka babalik?” Napakurap ako. Hindi ko inaasahang iyon agad ang itatanong niya. “Sa lunes po.” Tumango siya. At ilang segundo lamang akong tinitigan. Parang may gusto siyang sabihin. Parang may gusto siyang pigilan. Pero sa huli ay ngumiti lang siya nang bahagya. “Take care.” Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa simpleng dalawang salitang iyon ay parang may kakaibang init akong naramdaman. “Salamat po.” Tumango siya. At lumabas na rin ako ng kwarto. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Aira. “Ate!” Yumakap agad siya sa akin. “Ano ba.” Natawa naman ako. “Bumalik ka agad ha?” sabi ni Aira. “Siyempre.” Nakanguso siyang tumingin sa akin. “Promise?” tanong niya at naalala ko tuloy sa kanya si Jeremy. “Promise.” Masaya siyang ngumiti. “Laging may drama,” natatawang sabi ni Manang Nancy. Tumawa rin kami. “Sige anak, mag-ingat ka.” Sabi nila Manang Nancy. “Opo.” Magalang kong sagot. “At sakto, pupunta rin ng mall si Red.” Agad akong napalingon. Kasabay noon ay ang paglabas ni Red mula sa loob ng bahay. Nakaayos na siya at handa nang umalis. Bigla akong siniko ni Aira. “Bagay kayo, ate.” Mahinang sabi ni Aira. “Aira!” Tumawa lang siya. Habang si Red naman ay halatang pinipigilan ang ngiti. “So, sasabay ka ba?” tanong niya. “Sige.” Tumango ako. “Tara na.” Nagpaalam muna ako kina Manang Nancy bago kami nagtungo sa garahe. Pagpasok namin sa sasakyan ay napansin kong muli na namang nakatingin si Christopher mula sa bintana ng kanyang kwarto. Nakasandal siya roon at parang pinagmamasdan ang pag-alis namin. Hindi ko maintindihan ang lalaking iyon. Minsan pakiramdam ko wala siyang pakialam. Minsan naman parang sobra. “Lisa.” Naputol ang pag-iisip ko. “Saan kita ihahatid?” tanong niya. “Sa mall muna.” Sagot ko. “Bibili ka ng gamit?” tanong niya. “Prutas para kay Jeremy.” Ngumiti ako habang sinasabi iyon. “Masaya siguro siya kapag dumating ka.” Sabi niya na may ngiti sa labi. “Sana nga.” Tahimik kaming nag-usap habang bumibiyahe. Hanggang sa mapatingin ako sa manibela. Napangiti ako. Matagal-tagal na rin simula nang huli akong mag-drive. “Automatic ba ’to?” napalingon siya sa akin. “Oo.”Napangisi ako. “Ako magda-drive.” Bigla siyang natawa. “Sigurado ka?” Tumango ako. “Oo.” Ilang minuto pa ay nagpalit kami ng upuan. Pagkaupo ko sa driver’s seat, bigla kong naalala si Papa. Siya ang nagturo sa akin noon. At hanggang ngayon, dala ko pa rin ang mga bilin niya. Agad kong isinuot ang seatbelt. Napansin iyon ni Red. “Good girl.” Napailing ako. “Arte.” Tumawa siya. Pagkatapos ay pinaandar ko ang sasakyan. At hindi ko namalayang napadiin pala ako sa silinyador. “Lisa!” Napatawa ako. “Relax.” Kalmado kong sabi sa kanya. “Relax?!” halos napahawak siya sa dibdib niya. “Ayaw ko pang mamatay!” Lalo akong natawa. Nang makarating kami sa mall ay para siyang bagong nakaligtas sa sakuna. Pagkababa niya ng sasakyan ay agad siyang napahawak sa dibdib. “Grabe ka! Pinakaba mo ako.” Tumawa kami pareho. Bago pa kami maghiwalay ng landas, muli siyang ngumiti. “Mag-ingat ka.” Tumango ako. “Ikaw rin.” Pagkatapos noon ay naglakad na ako papasok ng mall. Mas magaan ang pakiramdam ko. Dahil sa wakas… Makikita ko na ulit si Jeremy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD