Chapter 3

841 Words
“Heto na pala ang cake ninyo,” sabi ni Eleonor at lumabas ng porch na dala ang tray na may lamang cake at juice. Umigtad sila palayo ni Liam sa isa’t isa na parang tinamaan sila ng kidlat. Bigla siyang tumalikod at hinamig ang sarili. Habol niya ang hininga niya. Saka niya natuklasang kanina pa pala niya pinipigilan ang paghinga niya. Kung hindi siguro dumating si Eleonor ay baka ano nang nangyari sa kanila ni Liam. And she could feel her control slipping any moment. Narinig niya ang paglapit ni Liam kay Eleonor at kinuha ang tray dito. “Ma, sana po tinawag ninyo ako para hindi na kayo nagbitbit.” “Hoy, Liam! Hindi pa ako matanda. Saka gusto kong pagsilbihan si Cattleya,” wika ni Eleonor. Napapitlag siya nang hawakan nito ang balikat niya. “Halika na. Maupo ka na at kumain. Mag-isa ka lang ba dito?” “Mag-isa lang po ako,” wika niya at iniwas ang tingin nang umupo sa tapat ni Liam. Matiim ang anyo nito at nakatuon ang tingin sa slice ng cake na nakahain dito. “Ma, bakit konti lang ang akin?” angal ni Liam. Mabuti na lang sa cake nakatuon ang atensiyon nito at hindi sa kanya. “Dahil hindi ka pwede sa masyadong matatamis. Kailangan mo ng mas matinding disiplina lalo na’t pupunta ka na sa Pilipinas,” nanlalaki ang matang sabi ni Eleonor at saka bumaling sa kanya. “Ikaw na ang bahalang magbantay sa anak ko. Minsan kasi nasosobrahan siya sa matamis at minsan din matigas ang ulo sa pitch. Walang pakialam kahit ma-injured siya. Bisyo lang naman niya kape.” Ngumiti siya kay Eleonor habang nagbibilin ito. Tango lang siya ng tango. Magaan ang loob niya sa nanay ni Liam. Naaalala kasi niya ang nanay niya na maalalahanin din. “Ma, I don’t want to promise you anything. Wala akong planong umalis ng Germany,” magkasalubong ang kilay na wika ni Liam. Nahigit ni Eleonor ng hininga. “Pero nandito na ang pagkakataon mo. Alam mo naman na noon ko pa gustong bumalik sa Pilipinas.” Napipilan siya. Di niya inaasahang tahasang sasabihin iyon ni Liam sa harap ng nanay nito. She thought they would at least discuss things in private. Pero mukhang gustong ipakita ni Liam na hindi talaga ito interesado. “I am sorry, Ma,” wika ni Liam at iniwas ang tingin. “Pero si Miss Bautista…Sayang naman ang ipinunta niya dito.” “Hindi sa lahat ng pagkakataon ay matutupad ang lahat ng gusto niya. I am sure she understands that.” At binigyan siya ng nagbababalang-tingin na huwag itong kontrahin. Pagdating sa isyu tungkol kay Liam at sa nanay nito ay di siya maaring makialam. Ibinalik na lang ni Eleonor ang usapan tungkol sa kanya. Nakiusap din ito na sumama siya sa paghahatid dito sa train station para magkakwentuhan sila. Pakiramdam niya ay nakatagpo siya ng nanay dito. Kung marami sana siyang oras, mas gusto niyang makasama ito kaysa naman makasama si Liam. Ginagap nito ang kamay niya nang papasok na ito sa train station. “Sayang naman, hija. Hindi tayo nagkakwentuhang mabuti. Kailangan kong bumalik sa Berlin kasama si Agnesa at ang mga bata. Dinalaw lang talaga namin si Liam. Kung uuwi lang sana si Liam sa Pilipinas…” “Kung nasa Pilipinas po kayo titiyakin ko pong magkikita tayo.” Nalulungkot siya para dito. Alam kasi niyang sa loob nito ay nasasaktan ito lalo na’t hindi pa mapagbigyan ang hiling nito na bumalik si Liam sa Pilipinas. Lumipad ang tingin nito kay Liam. “Liam, ipasyal mo si Cattleya. Maraming magagandang lugar dito sa Hamburg. Gusto ko na mag-enjoy siya habang nandito siya.” “Mama!” tutol agad ni Liam. “Hindi na po kailangan, Tita. Ayoko na pong mang-abala pa,” maagap niyang sabi. Kaya naman niyang ipasyal ang sarili sa Hamburg. “Hindi. Ipapasyal ka ni Liam kung ayaw niyang magalit ako sa kanya. That is the least he can do. Kung magtatagal pa sana ako, ako mismo ang magpapasyal sa iyo. And who knows? Baka makumbinsi mo siya na pumirna na sa El Mundo,” wika ni Eleoor at kumindat. “Mama!” angal ni Liam. Pinanlakihan nito ng mata ni Liam. “Ipapasyal mo siya. Narinig mo?” Bumagsak ang balikat ni Liam. “Yes, Ma.” Wala na itong nagawa kundi sumang-ayon. Kung tutuusin ay tagumpay niya ito. May pagkakataon siyang isingit ang proposal kay Liam. Kailangan lang niyang tatagan ang loob niya. Ang ideya na silang dalawa lang ni Liam ang magkasama ay nakakapagpakaba sa kanya. Ihinatid niya ng tanaw si Eleonor kasama ang manugang at apo nito hanggang makapasok sa train station. “Let’s go,’ wika ni Liam sa wakas. “Di mo ako kailangang samahan kung napipilitan ka lang,” aniya nang sundan ito. “Nangako ako sa nanay ko na sasamahan kitang mamasyal. Kaysa naman nagmumukmok ka lang sa hotel room mo, ipapasyal na kita. Maikot mo man lang ang Hamburg bago ka man lang bumalik ng Pilipinas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD