bc

HEART OF SUNSHINE (Tagalog/Filipino story)

book_age18+
412
FOLLOW
2.6K
READ
revenge
family
second chance
drama
bxg
mystery
office/work place
betrayal
first love
cruel
like
intro-logo
Blurb

Another chance of heartbeats.

Another chance to live.

And another chance of love.

Second chances are sweet.....not if there's a secret to be kept for that

Heart of Sunshine.

(Anonymous)

But, if love becomes a lie... is it time to say goodbye?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
"Mommy won't be happy, but I want this. We maybe young, but... I don't know, it just felt right. " Madamdaming anang binata habang hawak ang kaliwang kamay ng kasintahan. Nang mag-angat ito ng mukha upang makita ang reaksyon ng dalaga ay sumilay ang ngiti sa labi nito nang magkahalong pag-luha at pagtawa ang nasilayan. Unti-unti ay lumuhod siya na animo isang kabalyero sa harap ng isang prinsesa. Dinukot ang singsing sa bulsa ng suot na pantalon at tiningala ang dalaga na bagaman alam na ang kasunod ng mga pangyayari ay hindi pa rin maiwasan ang sunud-sunod na luhang namamaybay sa mga pisngi nito habang tutop ng kanang kamay ang bibig upang huwag umalpas ang hagulgol doon. "I love you. Mahal na mahal kita, will you marry me?" Magkakasunod na tango ang naging sagot nito sa kanya, bagay na tila nagpalobo nang husto sa noon ay nagwawala na niyang puso sa loob ng kanyang dibdib. Kulang ang salitang masaya para ilarawan ang nararamdaman niya. He's too happy it hurts his chest and makes his eyes swell with tears. Hindi pa man niya lubusang naisusuot ang singsing sa daliri nito ay pagbagsak na itong yumakap sa kanya nang mahigpit. Napa-upo siya sa simentadong sahig hanggang sa tuluyang mapahiga. Ngunit walang ibang mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon kundi ang babaing mahigpit na naka-kapit sa kanya. "I love you too, I really do. " Tugon ng dalaga nang bahagyang humiwalay sa kanya upang mamasdan ang kanyang mukha. Ang matinis na ingay ng alarm clock ang bumulahaw sa tahimik at madilim na silid. "I'm awake.." Bulong sa hangin na ani Dreckz habang naka takip ang mga braso sa mga mata. Bago pa man tumunog ang alarm clock ay gising na gising na siya. He feels so light, or maybe empty? Or numb from the sleepless nights that he have, these last couple of weeks. The dreams he had kept on repeating the past few weeks and it brought a dull ache on his chest. He lazily get up, plops on his bedroom floor and starts his daily push ups and sit ups. Matapos niyon ay dumiretso na siya sa banyo upang maligo at alisin ang tila hapdi ng kanyang mga mata at pagkaliyo. Matapos niyon ay sinimulan na niyang paghandaan ang araw niya. Iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng pad na inookupa habang inaayos ang suot na necktie. Bagaman maluwang naman ay animo isang tambakan ng basura lang ang nagmimistula niyang tahanan. Wala sa ayos ang mga gamit, bahagya ding madilim dahil sa makapal na kurtina. Ang mga paintings na regalo sa kanya ay basta na lamang nakasabit sa pader. Nagkalat ang mga libro, at take out boxes mula sa mga fast food restaurants. Maging ang ilang bagahe at kahon ng mga gamit niya ay nananatili pa din sa isang sulok ng sala at hindi pa naisasaayos sa mga dapat nitong pag-lagyan. Nagkakamot sa ulo'ng binuksan niya ang isa sa mga kitchen drawers at naglabas ng pakete ng instant coffee at dalawang protein bar. Bitbit ang on the go coffee mug ay nilisan na niya ang magulo niyang pugad. "Good morning, sir." Halos mangalay ang ulo ni Dreckz habang tinutugon ng tango ang bawat bati ng mga empleyadong nadaraanan. Bago pa man niya marating ang private lift ay sinalubong na siya ni Ardione. Ang business partner/best buddy niya. "Yow!" Nakangisi kaagad na bati nito at saka siya siniko-siko sa braso. Kababata niya si Ardione. Actually, naka-diapers pa lang yata ay buddy-buddy na sila. Their parents are friends, close friends to be exact. Ninang niya ang mummy nito, at Ninong naman nito ang daddy niya. They've been inseparable from almost everything. Isa lang ang hindi, pamba-babae. Ardione is literally a walking dickhead, a womanizer. Naiiling na pinindot niya ang buton patungong top floor kung saan naroon pareho ang opisina nila. "What makes you so hype up this morning?" Tanong niya sa kaibigan matapos nilang makapasok sa loob ng lift. "Tinatanong pa ba iyon?" Hindi mapigtas ang ngising anito. Bahagya niyang nilingon si Ardione. "You finally get your hands to the girl you're after with?" Sa halip na sagutin siya ay malakas na tawa ang naging tugon nito. Humarap pa sa kanya at saka sumuntok-suntok sa ere. "Damn, man. She bangs like a porn star. Sulit ang ilang araw na pagtitiis ko sa pagpapakipot niya." "You're such a dick." Nakangiwing aniya. Nang bumukas ang sinasakyan ay kaagad na siyang naglakad palayo. Hindi na niya pinakinggan ang mga sinabi nito dahil tiyak niyang lumang tugtugin lang rin naman iyon. "Get a life Z, you are missing a lot of fun." Pahabol pa nito pumasok sa sarili nitong opisina. "Thank for reminding me freak!" Ganting sigaw niya. Naiwan sa pasilyo ang mataginting na halakhak nito. "Good morning Mr. De Avila." Bungad ng sekretarya niyang si Malou. Inilahad nito ang kamay, walang salitang inilagak niya sa palad nito ang bitbit na mug na wala ng laman. Malou is almost the same age as his mum, pero ayaw pa nitong mag-retiro. Wala namang problema sa kanya dahil efficient pa din naman ito sa trabaho. "Refill please." Aniya na mabilis na sinunod nito. Napahinga siya nang maluwag nang mailapat ang likod sa back rest ng upuan. "Tumawag ang mummy mo kani-kanina lang." Imporma ni Malou nang mailapag ang mug niya sa desk. Sinilip niya si Malou mula sa binabasang papeles at saka ito tinaasan ng kilay. Nakangiting nagkibit balikat ito. "Cannot be reach daw ang line mo. She's asking if you settled down properly in your new place." "Really... Ilang buwan na ako sa nilipatan ko, and she's still asking that?" "Hmn, baka naman kase tama ang mummy mo." May bahid ng panunukso na anito. "Nah," Balewalang aniya at saka ibinaling ang atensyon sa binabasa. "Ibinilin rin niyang doon ka sa kanila mag-hapunan." "No, I-" "I won't take no as an answer." "Pardon?" Kunot noong muli niyang nilingon ang sekretarya niya. "Iyan ang sabi ng mummy mo. Inulit ko lang." Taas noo na anito bago siya tinalikuran. Alam na niya kung bakit obligado siyang mag-dinner sa bahay nila at sigurado siyang may ipapareha na naman o ilalakad ang mummy niya sa kanya para sa isang date. Hindi pa man lubusang nagsisimula ang araw niya ay tila ba ubos na ang lakas niya para sa araw na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
498.2K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
445.4K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.2K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook