"Finally!"
Nalukot ang mukha ni Dreckz nang eksaheradong salubungin siya ng ina, hindi pa man siya lubusang nakakapasok sa loob ng bahay.
"How are you too, mum."
Aniya bago humalik sa pisngi nito.
"You know that I'm very well and healthy."
Tugon nito matapos ay pasadahan siya ng tingin nang nakataas ang isang kilay.
Naiiling na inakbayan niya ang ina at saka ito iginiya patungo sa sala kung saan naghihintay ang kanyang ama. Tumayo ito at lumapit, tinapik siya sa balikat bilang pagbati.
"Mabuti naman at pinagbigyan mo ang mummy mo..."
"I don't think I have a choice this time to say no."
Aniya bago nilingon ang ginang sa kanyang tabi.
"You made the right decision."
Tatawa-tawang pagsang-ayon nito bago inabot ang kamay ng kanyang ina at magpatiuna patungo sa dining room.
Minasdan niya ang mga magulang na magkahawak-kamay at tila ba mga teenager na naghaharutan. Napangiti siya sa tanawin na iyon. Ruelle and Paola de Avila, even though they're his parents he can't help that pang of jealousy on his chest. They grow old together... And definitely until their last days they'll be together, something that he wished he'll be able to experience too, but that's just a wishful thinking now...
He can never be like his parents..
"What are spacing out there, son?"
Tawag pansin ni Ruelle sa kanya. Mabilis siyang humakbang papalapit sa mga ito bago ngumiti.
"Nothing. So what's for dinner?"
***
"So, how's your business going?"
Ani Ruelle habang nasa hapag-kainan.
"Doing good,"
Tugon ni Dreckz matapos malunok ang nginunguyang pagkain.
"I heard your company won the bidding for the biggest project in Cebu."
"Who told you- uh, never mind."
Bawi niya dahil batid naman niyang si Ardione ang nag-imporma dito.
"That freak can't hold his tounge huh?"
"Masaya lang iyong bata."
Tumatawang ani Ruelle.
"Who wouldn't? Nagsisimula pa lamang kayo pero kabilang na ang kumpanya niyo sa lima sa pinaka in demand locally. D&A Home of Builders is surely making a name in industrial world."
Napangiti siya sa tinuran nito. Hindi maikakaila ang tuwa ng kanyang ama, at aaminin niya ang pagiging proud nito ay isang malaking tulong upang lumakas lalo ang loob niya at huwag mangilag sa mas malalaking kumpanya.
"What are you talking about, dad. Kung hindi dahil sa mga koneksyon mo at ni ninong baka nangangapa pa din kami ni Ardione."
"Nonsense. Hindi magtatagumpay ang isang negosyo sa koneksyon lang. Hardwork and proof of credibility should always be there. So far, lahat ng project na kinabilangan ninyo ay magaganda ang feedbacks."
"Can we stop talking about business in front of the food?"
Angil ni Paola sa mag-ama.
"Hindi ako maka-relate."
"Sorry, honey. We didn't mean to make you feel like an outcast."
Hinging paumanhin ni Ruelle.
"Kapag hindi ako kumibo, buong gabi kayong mag-uusap ng tungkol sa graba, flywood, bakal, pintura at kung anu-ano pa.."
Eksaheradong kumpas nito ng kutsara.
"Mum, we build homes, buildings, bridge... Of course we'll need to talk about materials too-"
"Don't get smart on me, boy!"
Putol nito sa kanya. Wala silang nagawa ng ama kung hindi ang magkatinginan na lang at itikom ang bibig.
Alanganin, pasimple niyang nilingon ang ama na pilit na ngumiti at tila ba binibigyan na siya ng paalala sa susunod na mangyayari.
Just go with the flow.
Is what he's trying to say.
Subalit lumipas na ang ilang minuto ay hindi naman na nagsalita pa ang ginang. Sa halip ay nakatuon lamang ang buong atensyon nito sa sariling pinggan bagay na ipinagtaka nilang pareho ng ama.
"Aren't you going to say something, honey?"
Ungkat ni Ruelle. Salubong ang mga kilay na nag-angat ng mukha si Paola.
"What?"
"I mean, I thought you have something to say that's why you stop me and your son...you know, talking? "
"Can't we have a quite dinner?"
"That's strange, mum. You usually pester - I mean,"
Tumikhim siya nang samaan siya nito ng tingin.
"You usually wanna talk about the girls you wanted me to date."
"What's the point when you're just ditching them and leave me with the humiliation afterwards, or even if you dated one or two of them it'll just ended on that same day."
Sapo ang noo ay tila biglang sumakit ang ulo nito sa usaping iyon.
"It didn't work out that's all."
He shruggs.
"Don't stress your self with Dreckz's love life, honey. He will date the woman of his choosing if he's ready."
Ani Ruelle habang hinihimas ang braso ng esposa.
"When?! It's been-anyhow, I won't force you with that dating charade any longer."
"Really?"
Tila nakahinga nang maluwag na aniya kahit na ba diskumpyado pa din siya doon.
"Oo na nga. Don't look at me, like as if I'm plotting something."
Duro nito sa mag-ama.
"I hired an interior designer for your place."
Is what she said instead.
"A what?"
"Huwag mo nang ipa-ulit sa akin dahil narinig mo naman."
Ingos ni Paola sa anak.
"Your place is a mess. Parang bodega at hindi isang tirahan. Paano ka nakakatulog sa walang kaayusan na pamamahay?"
"Hun,"
Ruelle sigh.
"What?!"
"Your food is getting cold."
Nakangiti bagaman pilit na turo nito sa pagkain.
"Kaya ko naman ayusin ang sarili kong bahay."
Dahilan ni Dreckz. Nangingiting pinanood ang ama na abalahin ang sarili sa pagkain huwag lamang masalubong ang matalim na tingin dito ni Paola.
"When? Kapag pinamahayan na ng mga daga ang mga boxes mo doon?"
"There's a regular cleaner for my place, mum."
"Well, news flash Dreckzter Paolo! That cleaner refuses to clean your stinking place. Sa madaling salita, inayawan ka na naman!"
Inayawan ka na naman...
Napangiwi siya doon.
Yes, pang ilan na ba ang nagreklamong taga-linis sa kanya? Kahit na pribado at personal na pinili para sa kanya.
" Um-oo ka na lang, hijo. Or we can't eat in peace. "
Pabulong na ani Ruelle subalit narinig din naman ni Paola kung kaya mabilis nitong itinikom ang bibig.
"Darating ang interior designer sa condo mo ngayong darating na Lunes."
Imporma ni Paola sa kanya.
"Lunes? But I have work at that time."
"Precisely. Para hindi mo isipin na gimik ko na naman ito."
Tikwas ang kilay, animo nababasa ang nilalaman ng kanyang isipan na punto nito sa kanya.
"It's purely business this time."
"Sure, mum."
Tanging nasabi na lamang niya upang huwag nang humaba pa ang hapunan na iyon.
"And please, for once. Make your place presentable."
Habilin pa ng kanyang ina na tinanguan lang ulit niya.
Subalit lumipas ang Sabado at ang Linggo ay nawaglit lamang ang usapang iyon sa isipan ni Dreckz.