KABANATA 3

1302 Words
"This is a great opportunity." Nakangiting ani Reah matapos ilapag ang calling card sa mesita sa harapan ni Sunshine. Habang hindi naman mapagsidlan ang tuwa ni Sunshine nang mapasa-kamay ang maliit na papel na para bang isa iyong uri ng kayamanan. Marahil nga ay maituturing niya iyong kayamanan, o Milestone sa buhay. Iyon kase ang magsisilbing katibayan na kaya na niyang mamuhay ng mag-isa. Hindi katulad ng ini-insist ng mummy niya na mas mabuting nasa bahay na lamang siya. "Thanks, Reah. I'll make sure na successful ang unang project na ito." Assurance niya sa kaibigan na sinagot lang nito nang iling. "You are a gifted interior designer, Shine. I know that first hand." Kumpyansa at buong pagmamalaki na ani Reah. Reah knew that Sunshine is an outstanding person, not because she's her best friend, but because she saw her capabilities. She has the "it" to become a renowned interior designer. Katunayan niyon, ito ang nag design sa interior ng townhouse niya. And everyone who saw her house have never missed the chance to compliment it. It was Sunshine's first debut. And now, she's officially doing a job that she loves the most. Maaga pa lamang ay nakahanda na si Sunshine. Siniguro niya na ang mga gamit ay maayos at kumpleto. Isang oras bago ang alas nueve ay tinahak na niya ang daan patungong San Juan kung saan naroon ang Condo unit ng kanyang unang kliyente. Nang makarating sa destinasyon ay hindi pa muna siya bumaba ng sasakyan. Inilabas niya ang pocket mirror sa shoulder bag at sinipat ang mukha sa salamin. Inayos-ayos ang mahaba at kulot na buhok, at saka nag-pahid ng lipbalm sa labi. Nang makuntento ay saka niya sinubukang ngumiti nang paulit-ulit. "It's going to be your day! Claim it." Mahinang usal niya bago umibis ng sasakyan. "Good morning, ma'am." Malawak ang ngiti na bati ng guard ng makapasok siya sa main lobby ng gusali. Ginantihan niya ng matamis na ngiti ang guard na bahagya pa'ng natigilan sa pagkatitig sa kanya. "Good morning din po, kuyang guard. Have a nice day." Aniya na sinamahan pa nang pag-kaway nang makatalikod dito at tunguhin ang elevator. Kahit lunurin ang sarili sa alak, pakiramdam ni dreckz ay hindi pa din iyon sapat upang magkaroon siya ng maayos na tulog. Sinadya niyang magpakalasing sa isang bar, umaasa na kapag nakauwi siya at nakahiga sa sariling kama ay gugupuin siya ng hilo sa dami ng nainom, subalit nanatili siyang mulat at naging mailap ang tulog sa kanya kagaya ng mga nakaraang gabi. Kung gaano katagal bago siya dinalaw ng antok ay hindi niya alam, sa katunayan, hindi niya alam kung nakatulog ba talaga siya. Namalayan na lamang niya ang sarili na nakikipag-titigan sa kisame ng kanyang silid at nang lingunin ang oras sa maliit na alarm clock sa bedside table niya ay ilang minuto na lamang bago mag-alas nueve. May isang oras pa siya bago maghanda at pumasok sa trabaho. Inut-inot siyang bumangon at sinubukang ibsan ang pagkahilo na tila isang alon na umatake sa kanya nang makaupo sa gilid ng kama. Napaungol siya nang unti-unting maramdaman ang epekto ng ininom ng nagdaang gabi at ang kawalan ng tulog. He's having a hang over, and a bad one at that. Tatawagan na lamang niya si Ardione. Hindi niya tiyak kung makakatrabaho siya nang maayos sa araw na iyon tila hangin ang laman ng bungo niya. Mahihiga na sana siya ulit nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Oncall cleaner? Hindi niya iyon pinansin, sa halip ibinagsak niya ang bigat ng katawan sa kalambutan ng kama para lang mapamura nang tila maalog ang utak niya kasabay ng muling pag-atake ng hilo at sakit ng ulo. So, my brain is still intact. He tried humor himself. Lalo pa'ng nanuot ang pagsigid ng sakit ng ulo niya nang marinig ang muling pagtunog ng doorbell. Sinibat niya nang matalim na tingin kanyang pintuan na bahagyang nakabukas bago padarag na bumangon para lamang muling mapamura. He forcefully yank the door open. "Get the hell out of my door!" Napa-urong nang ilang hakbang si Sunshine. Namimilog ang mga mata sa lalaking tila anumang oras sasakalin siya sa gigil at galit. Maputla ang mukha at nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Magulo ang buhok at nanunuyo ang mga labi. Dehydrated. At mukhang naistorbo niya ang pagtulog nito sa umagang iyon. Pero Lunes ngayon. At may appointment siya. Nanginginig ang mga kamay na itinaas niya at binasa ang address sa calling card bago muling naglakas loob na mag angat ng mukha at mapalunok ng tuyo ang lalamunan nang masalubong ang naniningkit nitong mga mata. "I- I'm sorry..." Her lips quivered. "You should be. Ano'ng oras pa lang para mambulabog ka? Who are you anyway?" She certainly doesn't look like a new hired cleaner. Napahigpit ang kapit ni Sunshine sa bitbit na bag nang pasadahan siya nito nang nang-uuring tingin. She inhaled deeply and then release a shaky a breath. " I'm Sunshine Dizon, and I have business with Ma'am Malou Briones, I'm really sorry if I ruined your sleep. But I believe I'm in the right place...?" Sinubukan niyang patatagin ang boses kahit ba tila pipiyok na siya ano mang sandali. Pinanood niyang mangunot lalo ang noo'y kunot na kunot ng noo nito. Hindi na siya magtataka kung magmamarka ng mga guhit doon. Pagkabanggit sa pangalan ng kliyente nila ay batid niyang kilala nito iyon. Marahil ay asawa? "For f***s sake.." She grimaced. He has no filter, he cursed like a sailor and he clearly make it known that he doesn't care. "You are the interior designer?" Anito na tila ba mas nangunsumi. "Yes, that's me." Sagot niya na sinabayan pa nang pagtango. Matiim siya nitong tinitigan bago nayayamot na napakamot sa batok at tumalikod papasok sa loob. Pero malinaw pang nahahagip ng pandinig niya ang bawat salitang tila pumupulupot sa bituka niya. " What are you still standing there? Come in and do your job." Muwestra nito papasok. "And make it quick!" Umawang ang labi niya sa hantad na kagaspangan ng ugali nito. Hindi naman siya nito sinabihan o inimbita papasok kaya hindi siya naglakas-loob na sumunod. Reluctantly, she started to step inside, and she don't know if it's his attitude but his house feels so hollow. Her heart sinks, when she suddenly felt loneliness. Maybe it's the still and heavy atmosphere of his place? Hindi siya nito inimbitahan na maupo sa sofa nitong napapatungan ng kung anu-anong papel at print outs, at muntik pa siyang matalisod sa natapakan na plastik bag. Nang ibaba niya ang tingin sa sahig, naipikit niya ang mga mata sa nakita. She's not a neat freak, pero kung siya ang tatanungin, ang condo unit na pinasok niya ay hindi maituturing na tahanan kundi isang bodega at basurahan, all in one. Kung paano nakakatagal ang lalaking nakatalikod sa kanyang harapan sa kalagayan ng lugar nito, hindi niya alam. Ibubuka na sana ni Sunshine ang bibig upang magsalita at makapagsimula na siya ukol sa design at materials na nais nito ay iniwanan naman siya nito at pumasok sa isang silid. Ayaw niyang katukin ito, sapat na sa kanya ang idinulot nitong takot ilang minuto pa lamang ang nakakaraan. Kung kaya wala siyang nagawa kung hindi ang maghintay na hindi naman nagtagal dahil wala pang labinlimang minuto ay lumabas na ito. Hindi napagilan ni Sunshine ang mga matang lantarang maglakbay sa kabuuan nito. Basa at bahagya pa'ng tumutulo ang tubig sa buhok nito na wina-wagwag lang ng mga daliri upang mawala ang sobrang tubig doon. "What?!" Pasinghal na anito dahilan upang maputol ang anumang mahika na nag-udyok sa kanya patungong pantasya. "I-Uhm, I have the sample designs here-" "Nevermind. Do whatever you want. I have to go." Wasiwas nito ng kamay. "Pero kase... It's your-yeah I'll see what I can do." She sigh in defeat when he glared at her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD