Nag taxi na lamang si Zandra pauwi sa kaniyang Condo. Umiiyak parin siya, sobra siyang nasasaktan sa isipin na hindi na talaga magiging sila ni Lorence. sobrang mahal na niya ito. Higit pa sa pag mamahal na naramdaman niya noong si Jerick pa ang naging Boyfriend niya.
Sobrang ibang-iba ang nararamdaman niya para kay Lorence na kahit kailan na hindi niya naramdaman kay Jerick.
Ang buong akala niya ay sobra na siyang nasaktan sa panloloko sa kaniya ng Ex Boyfriend niya. Pero hindi pa pala. May hihigit papala sa sakit iyon.
'Bakit? Bakit koba to nararamdaman? Ang sakit! Ang sakit sakitt!' ani ng kalooban niya habang humahagulgol.
"Ma'am narito napo ta'yo" ani ng taxi Driver ng huminto na ito ang sinasakyan nila.
Pinunasan muna niya ang kaniyang mga luha bago kumuha ng kaniyang pera para mag bayad ng pamasahi. Hindi na niya ito binilang at kaagad na binigay sa driver
"Ma'am sobra po i--
"Sayo nalang po" mahinang Sagot niya
"Nako maraming salamat po ma'am" masayang sabi ng Driver dahil libo-libo ang binigay nang dalaga.
Tinanguan lang niya ito at tumalikod na ngunit tinawag pa siya ulit ng Driver. Kaya nilingon niya ito
"Ma'am kung ano man po ang Problema niyo. Mag Dasal lang po kayo huwag ho kayo mawalan ng pag-asa lahat ho ng problema ay dinarasal lang po 'yan. Maniwala po kayo. Lahat ay may dahilan " ani ng Driver na ikina tigil naman niya.
Hindi naniya namalayan na naka alis na pala ang Taxi. Napa isip siya
'Kailan ba siya huling nag dasal?'
'Kung totoo siya bakit ako nahihirapan ng Ganito? Bakit niya hinayaang mag isa at iwan ng mga taong mahal ko? Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito?'
Nasa ganoong pag iisip siya ng may biglang may tumikhim sa likod niya
"Aheem"
Nagulat pa si Anazandra dahil nasa likod niya ito. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa pagkaka gulat at sa pagka kita sa lalaking lihim niyang minamahal.
"Lo-Lorence? bak—
"Bakit ka umiiyak?" kunot-nuong ani ni Lorence ng mapa titig ito sa mukha niya. Namumula na ang kaniyang ilong sa kakaiyak maging ang kaniyang mata. mas lalo pang dumaloy ang mga luha sa kaniyang pisngi ng hawakan siya ni Lorence sa magka bilang pisngi at pinahid ang kaniyang mga luha
"Why mahal?" Malambing na sambit ni Lorence sa kaniya na lalong ikina iyak niya.
Kanina lang ay tinataboy ng kaniyang isipan si Lorence pero ng makita niya ito ay talagang traydor ang kaniyang mata, puso maging ang kaniyang katawan. Namalayan nalang niya ang kaniyang sarili na mahigpit napala siyang naka yakap sa binata.
Pagka tapos ay kaagad siyang kumawala, pinahid narin niya ang kaniyang mga luha bago tipid na ngumiti sa binata.
"So-sorry nadala lang ako" sabi niya at akmang tatalikuran na niya ang binata ng mabilis siyang mahawakan nito sa siko at pinaharap siya nito.
"Ano ba—
" I miss you" ani ng binata at mahigpit siyang niyakap ulit nito
"Lorence" sambit niya sa pangalan ng binata ng hindi parin siya pina pakawalan nito.
"are you still mad at me?" Mahinang tanong ng binata habang magka yakap parin sila
'Ano nga ba ang nararamdaman ko. Galit ba ako sa kaniya? Bakit ganito kaagad nalang naalis ang sakit sa dibdib ko kanina?' Ani ng kalooban niya ngunit sad'yang Masama naman ang takbo ng kaniyang isip.
'niloloko kalang niyan, mahal parin niyan si Jenny. Huwag kang mag paka tanga! Gising Zandra isipin mo may anak na sila ni Jenny. Ngayon naka balik na ang totoong mahal niyan ay mas lalo kalang masasaktan' sabi ng maldita niyang isip
Kaagad naman nabago ang expression ng mukha ni Zandra. Kitang kita na dito ang Galit at panunumbat. Kaagad niyang itininulak si Lorence palayo sa kaniya ngunit sadyang malakas talaga ang binata kaya hindi man lang ito natitinag kahit anong tulak niya
"So galit kapa rin, I'm sorry please. Huwag mo naman ako ipag—
"Tama na,/umalis kana! 'Wag kana rin mag papakita saakin ... Ayaw na kitang makita kaya lubayan muna ako!" Sigaw ni Zandra sa Binata.
Masakit man ang mga sinabi niya sa Binata ngunit mas boble naman ang sakit niyon sa kaniyang dibdib.
"Napaka laki ba talaga ng galit mo saakin kaya mo ako ginaganito?—
"Tinatanong mo saakin kung Galit ako?! Oo galit na galit ako sa'yo. Dahil p*tang*na! Napaka manhid mo Lorence! isa lang naman ang gusto kong malaman galing sa'yo eh Pero hindi ko 'yun makita at marinig sa'yo—
Natigil sa pag sasalita si Zandra dahil sa malakas na sinabi sa kaniya ng binata.
"I Love you!" malakas na sabi sa kaniya ni Lorence dahilan para mapa iyak na naman siya.
"Pero bumalik na si Jenny, Bumalik na 'yung babaeng pinaka mamahal mo. So Bakit kapa nandito? Kaya please huwag muna akong guluhin o kausapin pa 'yang sinasabi mo hi---
"d*mn Zandra! Eh ano ngayon kung bumalik na siya?!—
"Lorence alam kona, Alam konang may anak kayo ni Jenny. Kaya please 'wag mona akong pahirapan pa... Ayaw kong pagkaitan ng isang ama ang isang inosenteng bata" umiiyak na sabi ni Zandra
"What?" kunot-nuong ani ni Lorence. Naguguluhan siya sa mga pinag sasabi ni Zandra
"May anak na kayo ni Jenny alam kona—
"At sinong may sabi sa'yo na ako nga ang ama ng anak ni Jenny?" Tanong ng binata habang naka ngiti ang sulok ng labi nito.
"I saw her At may hawig kayo at gamit niya ang—
" halika nga dit, Sinasayang mulang ang mga luha mo eh. Walang dahilan para iyakan mo iyon sweetheart" malambing na sabi ni Lorence sabay hawak sa kaniyang bewang at hinalikan ang tungki ng ilong niya.
"Pero—
"Hindi ako ang ama ng anak ni Jenny at oo naging Ex ko si Jenny pero walang nangyari saamin dalawa. Maniwala ka At na alala mo'yung naikwento ko sa'yo noon na si Lance 'yung kapatid ko na ipinalit saakin ni Jennym? Siya ang daddy ng batang nakita mo kaya stop crying na Hon. 'Yun lang ba ang dahilan ng ikinakagalit mo?" ani ni Lorence sabay halik sa kaniyang Pisngi.
Nagulat naman si Zandra sa nalaman At doon niya lamang natandaan na may kapatid pa pala si Lorence na nag nga ngalang Lance Salvi na siyang mahal raw umano ni Jenny
'Ang tanga tanga ko. Ang dami Kong naiyak sa mall at sa Taxi kanina. Tapos mali lang pala lahat ng nasa isip ko. Haayst nakaka hiya kay Mylin at Jenny. Ano nalang kayang iisipin ng mga 'yun? Bigla nalang akong umalis dahil lang sa maling akala. Haaays kainis' pag wawala ng isip ni Zandra, Kaya wala na siyang ibang Choice kundi ang Mag paka totoo na lamang.
"Nag seselos ako" pag aamin niya na ikina ngiti naman ng Binata.
" i know and I'm sorry for that and what I did wrong to you" buong pag suyong sabi ng binata sabay halik sa kaniyang nuo
" iyung sinabi mong mahal mo ako totoo ba 'yon?" paninigurado niya
"Yes Hon, totoo 'yun. Mahal na mahal kita" sagot ng binata sabay halik sa kaniyang labi. Mabilis lang iyon sapat na para mapangiti silang dalawa.
"Bakit hindi mo inamin noon nung tanungin kita? hinayaan mo pang mag away tayo"
"Naguguluhan pa ako nuon. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Pero ng makita ko si Jenny at yakapin niya ako ay duon ko nalaman at napag tanto na wala na pala akong nararamdaman sa kaniya. Kundi bilang Kaibigan at future bayaw nalamang ang tingin ko sa kaniya. At isa pa'y ngayon nakita at naka usap ulit kita ngayon ko napatunayan sa sarili ko na Mahal na mahal na pala kita" mahabang sabi ng binata na nag pataba sa puso ni Zandra.
Sobrang saya niya dahil sa wakas ay mahal rin pala siya ng lalaking mahal niya at wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang maging maayus at maging masaya ang Relasyun nila.
"Mahal na mahal rin kita Mr Lorence Salvi" naka ngiting sagot niya.
Kina bukasan, naka ngiting bumangon si Anazandra At pakiramdam niya ay buong buo na talaga siya. Sobrang saya niya mag mula pa kagabi dahil sa naganap na pag aaminan nila ni Lorence sa kanilang nararamdaman At sa wakas ay totoo na ang kanilang relasyon at wala ng halong pag papanggap pa. dahil mahal rin siya ng binata at mahal rin niya ito.
Sobrang gaan lang para sa kaniya ang lahat sa umaga na iyon at pakiramdam niya ay 'yun na ang The best day para sa kaniya at ayaw niya masira ang araw na iyon.
Tinungo niya ang kaniyang banyo para maka ligo na dahil isa sa nag papasaya sa kaniya ay niyaya siya ni Lorence lumabas at sinabi rin nito na maaga raw itong pupunta sa Condo niya dahil gusto nito ay maka sabay silang mag almusal. Niyaya niyang duon nalang mag palipas ng Gabi ang binata. Ngunit tumanggi ito dahil may pupuntahan paraw itong isang kaibigan At maaga raw umano itong pupunta sa condo niya
Pagka tapos niyang maligo at patuyuin ang kaniyang buhok ay tinungo niya ang kaniyang Closet area at duon siya pumili ng kaniyang maiisuot para sa araw na iyon. Pinili niya ang Satingin niyang Sobrang mag papaganda sa kaniya at babagay. Gusto niyang mas lalo itong ma inlove sa kaniya at gusto niya ay siya lang ang pinaka maganda sa mga mata nito.
Nang matapos niyang isuot ang royal Blue Off shoulder dress na hanggang Tuhod ay pinili naman niya ang 3 inches high heels na sobrang nag pabagay lalo sa Supestikada niyang Awra, hindi na siya nag Make up or kahit na anong kolorete sa mukha. Tamang cream at powder lang at pink lipstick ang nilagay niya sa kaniyang Mukha. Hindi narin siya nag abalang mag lagay ng kahit na anong likido para sa kaniyang Pilik mata or kilay dahil Natural ng Makapal ang kaniyang kilay napaka ganda ang pagkaka korte nito, mahaba at makapal rin ang kaniyang Pilik mata na akala moy nilagyan ng extension eyelashes. Nang makontento ay hinayaan nalang niyang naka lugay ang kaniyang maitim at mahabang buhok.
Akmang kukunin na niya ang kaniyang phone para tawagan si Lorence ng may biglang kumatok sa Pinto ng kaniyang kwarto. Kaya napa kunot nuo siya dahil wala naman siyang ibang kasama sa Kaniyang Condo unit. Mag-isa lang siya at hindi siya nag papapunta ng katulong sa kaniyang Condo. Tuwing sabado lang may pumupuntang dalawang taga linis sa kaniyang Condo.
Kinabahan siya, Hindi niya alam kung sino ang nasa labas. Siya lang may Alam sa Password ng kaniyang Condo unit, kaya alam niyang walang ibang makaka pasok roon
"Baby?" ani ng pamilyar na boses ng lalaki. Kaya mas lalo siyang napa kunot-nuo ng makilala niya ang boses na iyon.
Kinakabahan man ay nilakasan niya ang kaniyang loob para buksan ang pinto ng kaniyang kuwarto. Ganuon na lamang pag diin ng pag kakakunot-nuo niya at panlilisik ng kaniyang mata sa lalaking kaharap
"Zegi? " galit subalit mahina at madiin niyang sambit sa pangalan ng Binata.