"Zandra uuwi kana ba?" tawag ng isang babaeng kasamahan niya sa Studio
"Ah ewan konga e. Nakaka bored naman sa amin mga maids lang mga kasama ko" sagot ni Anazandra habang inaayos ang kaniyang mga gamit.
Wala narin siyang P-A dahil nag Resign na rin sa dahilang dalawang linggo na uamno itong nag dadalang tao. Nang matapos sa pag aayos ay kaagad niyang binigay ang kaniyang malaking Bag sa isa niyang Bodyguard.
"Ganun ba may kikitain ako sa mall at may bibilhin narin. Gusto mong sumama?" Ani ng babae.
"Sure para dinaman ako ma bored. Ngayon naba?" sagot niya
"Yup, car ko nalang ang gamitin natin" sagot nito
"Mang Leo paki dala nalang po ang mga 'yan sa Condo ko. Hindi po muna ako uuwi sa Mansyon" utos niya sa kaniyang Driver.
"Opo Senyorita"
"Carding sumama kana rin huwag mona ako samahan" baling niya naman sa kaniyang Bodyguard.
"opo Senyorita" sagot nito at nag bow muna sa kaniyang harapan bago umalis.
"Let's go" ani ng babae
"Sure" sagot niya
Hindi siya Friendly at lagi rin tahimik. Mas lalo pang naging malamig ang Pakikitungo niya mag mula ng iwasan niya Si Lorence.
Sobrang miss na miss na niya ang binata. Ngunit palagi naman siya sinusuway ng kaniyang isipan.
Ang laging utos ng kaniyang puso ay puntahan at Kausapin niya ang Binata , ngunit ang sabi naman ng kaniyang isip ay. Layuan at iwasan nalang si Lorence dahil hindi naman siya mahal nito.
"Zandra Are you Okey?" tanong ni Mylin habang nag mamaneho.
Si Mylin ang bagong kaibigan niya sa Studio. Bago lang ito at ito ang nag eedit sa kaniyang mga Album
"Yeah I'm okey" matamlay niyang sagot.
"Girl you dont need to hide it, Makikinig ako" sabi nito.
Nag dadalawang isip siya kung mag siShare ba siya ng kuwento sa taong bagong kakilala palang niya. . Buong buhay niya tanging kay Lorence lamang siya nag paka totoo at malakas ang kaniyang loob na mag kuwento tungkol sa kaniyang problema o nag papagulo sa kaniyang isipan
"Tungkol ba'yan sa Love life?" ani pa ni Mylin
"Diko alam na may pagka madaldal karin pala no. Samantala sa Studio napaka tahimik mo" sabi niya at ngumiti ng pilit sa babae
"haha we'll ganito na talaga ako. Magaling ako mag Advice kaya puwede mo akong labasan ng mga problems mo" sabi pa nito
"Tssk baka ipag sabi molang eh" irap niyang tugon na ikina tawa nito.
"G*ga hindi ako tsismosa no Slight lang" sagot ni Mylin kaya nagka tawanan sila.
"okey maybe next time. Pag free ka bisitahin mulang ako sa Condo ko para naman may maka usap ako" sagot niya na ikina tango naman ng kausap
Naka rating na sila sa Mall at para hindi siya pagka guluhan ng mga tao ay nag suot siya ng mask atNa kulay itim, at nilugay niya ang kaniyang mahabang buhok , at nag lagay rin siya ng salamin sa mata para hindi siya makilala.
"Grabe ang hirap naman maging sikat. Wala man lang kalayaan . Mabuti nalang hindi ako pumasok sa Showbiz" ani ni Mylin
"Emmp soon mag ku quit rin ako. Pagod narin ako sa buhay na ganito. Everyday nalang laman ng news . Every-day nilang pinag uusapan at pina pakelaman ang buhay ko. Katulad nalang nito" sabi niya sabay pakita ng Dyario kung saan naka lagay ruon na may bago na siyang dini-Date at usap-usapan sila ngayon ni Zegi sa Social Media
"So hindi pala totoo 'yan?" ani ni Mylin
"No, kumain lang kami sa labas walang malisya tdaka partner siya sa negosyo ni Dad. ---
" e si Mr Salvi? Totoo ba 'yung kumakalat na wala nanga kayo?" Sabi pa nito na ikina tigil niya.
Ano ba ang isasagot niya? Sasabihin niya ba ang totoo na hindi naman talaga naging sila Ni Lorence.
"It's complicated" mahinang sagot niya.
"Kain muna tayo, Nag Text 'yung e mi-meet ko ma li-late daw siya ng fifteen minutes" ani ni Mylin na tinanguan naman niya.
Nang maka order na ay naupo sila sa pang Apatan na bangko na ikina pag taka naman niya.
"Dalawa lang tayo bakit dito? Masyadong malaki itong lamesa Mylin" sabi niya at nilagay niya ang kaniyang bag sa tabing lamesa.
" lactually 'yung kikitain ko kasi kasama daw niya ang anak niya" sagot ni Mylin.
Ilang minutong pag hihintay ay dumating narin ang Order nilang Italian foods
Naka dalawang subo palang siya ng makita niyang tumayo si Mylin kaya napa angat siya ng tingin.
"Hi Maymay kamusta kana? Ang tagal natin 'di nag kita ah. Buti nalang nakita ko kagabi si Bianca hiningi ko ang number mo sa kaniya" ani ng babae pagka tapos maki pag beso kay Mylin. Hindi paniya makita ang mukha ng babae dahil naka Talikod ito sa kaniya.
"I miss you Jen, I'm okey eto lumipat na ako ng trabaho. Ikaw kamusta kana? Ow come join us" sagot ni Mylin at humarap na ito sa lamesa nila
Halos mabulunan si Zandra ng makilala niya ang babaeng ka meet ni Mylin. Kahit mukhang bata 'yung nasa larawan ay alam niyang ito ang babaeng iyon.
"Jen. Ka work konga pala si Anazandra. Emm Zandra my best friend si Jenny. Kararating lang niya galing Paris--
"Kararating kad'yan. Apat na araw na kaya akong nandito" naka ngiting ani ni Jenny.
Tumayo naman si Zandra at hinarap si Jenny nginitian niya ito at nilahad ang kaniyang kamay sa kaharap
"Hi nice to meet you Jenny" sabi niya
"Hello I'm glad to meet you . D'yusko alam mubang idol na idol ka namin ng ina-anak ko. Nako! kung nandito lang siguro si Stepani panigurado kanina pa nag ti tiitili iyon. Idol na idol ka nun eh" masayang sabi sa kaniya ni Jenny at nagulat pa siya ng yakapin siya nito. imbis na tanggapin ang kaniyang pakikipag kamay ay niyakap lamang siya nito.
At duon niya napag tanto na hindi lang pala ubud ng Ganda si Jenny, kundi napaka bait rin. Simple lamang ito, naka white T-shirt at Maong na Pantalon naka lugay rin ang Kulot kulot nitong buhok, morena si Jenny ngunit halata sa Kutis nito na alagang alaga dahil napaka kinis nito. Mas matangkad lang siya ng konti ngunit kung titignan ay mas mukha itong bata kaysa sa kaniya.
"Talaga. Sayang naman. Hi Little Girl ang Cute mo naman. What's your name?" sabi niya ng mapa baling ang tingin niya sa batang katabi nito.
"I'm Jency Romano Salvi po Ate Pretty" naka ngiting sabi ng batang babae na ikina tigil naman niya.
'Salvi? God no no no no. Kung ganoon nagka anak sina Lorence at Jenny?' ani ng kaniyang isip.
"Zandra okey kalang?" ani ni Jenny ng pamansin nito ang pangi-ngilid ng kaniyang luha.
"Ah emm yeah I'm okey,. I'm sorry guys Mylin I need to go" sabi niya at agad na kinuha ang kaniyang bag at Agad niyang tinungo ang Restroom para duon ibuhos ang kanina pa niyang pinipigilan na pag iyak.