Nagising sa pag kakatulog si Lorence dahil sa kung anong malamig na bagay na dumadampi sa kaniyang mukha. Kunot nuo siyang dumilat sabay hawak sa kaniyang Nuo ng maka ramdam siya ng pagka Hilo.
'Tssk masyado ata napadame ang nainom ko kagabi. Pero Teka nasan ako?' ani ng isip ni Lorence ng Mapansin niyang Nasa Hindi pamilyar na silid siya.
Napa kunot nuo siya lalo ng igala niya ang kaniyang tingin sa loob ng silid na kina roroonan niya. Halatang babae ang may ari ng silid na tinulugan niya dahil kulay pink lahat ito. Maging ang wallpaper ng pader, kama, mga unan aparador, halos lahat ay kulay pink na lahat. May mga Barbie dolls pang naka Display, maging ang carpet sa sahig ay Kulay pink rin.
'Tssk nakakabakla naman to. Nasaan ba ako?' Ani ulit ng kaniyang isip.
"Tita come here! Manong pogi is wake-up napo!" Maarteng sabi ng batang babae. Ang kaniyang narinig na siyang nag patigil sa kaniyang pag iisip . Nilingun niya ito at mas lalo siyang nag taka. Kung bakit may bata.
Tinignan naman niya ang mukha at ang ayos ng bata. Napaka ganda nito sa suot na Kulay pink na bistida hanggang Tuhod at napaka ganda ng pag kakadeseniyo nito. At may mga Diseniyo rin na mga Princess sa Bistida nito.
Ang mahaba na hanggang bewang at may pagka kulot na buhok nito ay sobrang nag paganda lalo sa bata. Bagay na bagay rin ang Bangs na naka harang sa makapal at maganda nitong Kilay. Meron ding maliit na Korona ang naka patong sa ulo nito kaya lihim siyang napangiti. Prinsesang prinsesa ang mukha at ang pagka ayos ng bata.
"Hi po. I'm Princess Jency Romano 6 years old and I know I'm Pretty like a Princess kaya puwede kana pong mag salita. Kanina kapa po kasi naka tingin saakin" maarteng sabi ng bata na siyang nag pangiti sa kaniya.
Kahit masakit parin ang ulo at puso niya dahil sa kaniyang problema sa pag-ibig ay nagawa parin siyang pangitiin ng bata.
"Oh Gising kana pala. Anon---PPfffffft " natigil sa pag sasalita ang babaeng kakapasok lamang at kamuntikan pang mapabunghalit ng tawa ng makita nito ang itsura ng Binata.
"Jessa?" sambit ni Lorence ng makilala niya ang babaeng pumasok sa Silid.
"Yup the one and only hahaha mukhang pinag tripan ka nitong Prinsesa namin" ani ni Jessa habang nag pipigil parin sa pag tawa.
"Why? What do you mean? "Kunot nuong tanong niya.
"Princess tawagin mona ang mommy mo, sabihin mong nagising na ang Tito Lorence mo" ani ni Jessa sa bata.
"Okey po Tita" sagot ng bata at bago umalis ay lumingon muna ito kay Lorence at Nag pa Beautiful eyes na siyang nag patawa kay Jessa. 'Yung kanina paniyang pinipigilang pagtawa ay nailabas na niya.
"Ang batang 'yun. Ewan koba kung saan nag mana. Hindi naman kami ganun ni Ate" mahina at umiiling na sabi ni Jessa habang naka ngiti
"Lorence mag hilamos kana baka sumakit pa ang tiyan ng mga makakaharap mo dito" ani ni Jessa sa binatang naka kunot nuo parin. Na para bang napaka lalim ng iniisip.
"Huy! Naririnig moba ako?" pukaw ni Jessa sa naka tulalang binata.
"Ha?!- ha ano? Ano nga ba 'yung sinabi mo?" Nalilitong sabi ni Lorence
"Nako, ewan ko sa'yo. Ang sabi ko mag hilamos kana Or maligo" sabi ulit ni Jessa
"Kung gusto mong maligo papadalhan kita ng pampalit mo. Oh siya linisin mona 'yang mukha mo mukha kang Clown e" ani ni Jessa at naka ngising tinalikuran siya.
Kaagad naman niyang tinungo ang maliit na banyo na kulay pink rin. Pag pasok niya ay bahagyan pa siyang nagulat ng makita niya ang kaniyang itsura sa salamin. Punong puno ng Koloreta ang kaniyang mukha at kinulayan pa ng kulay Block ang kaniyang labi.
'Sh*t anong ginawa ng batang yun sa mukha ko. Ginawa paniyang Drawing book haaays pasaway' sabi ng kaniyang isip at sinimulan ng maligo.
Pagkatapos niya ay nakita niya sa may kama ang naka tuping Basketball short at white Tshirt .. Nag taka pa siya dahil kasyang kasya sa kaniya ang mga iyun.
Naka rinig siya ng katok sa pinto kaya mabilis niyang inayos ang kaniyang sarili.
"Bukas iyan" sabi niya.
"Rence tapus kana ba? Halikana naka handa na ang Almusal. Kumain ka muna bago umuwi" ani ng pamilyar na tinig ng babae.
Naka Talikod siya dahil inaayos niya ang kaniyang basang buhok may pagka mahaba narin ang kaniyang buhok dahil natatakpan na ang kaniyang kilay. Kunot nuo niyang nilingun ang babae at ganun na lamang ang pagka gulat niya dahil ang babaeng nasa harapan niya ay walang iba kundi si Jenny.
Si Jenny na sobra niyang minahal na halos ikabaliw niya nuon. Ngunit pinag palit lamang siya nito sa kaniyang kapatid na si Lance.
"Jen?" sambit niya
"Hi para kang naka kita ng multo ah" naka ngiting sabi ni Jenny.
"Kailan kapa bumalik?" tanong niya, Alam niya kasi na nasa Paris si Jenny dahil minsan na'yun nabanggit sa kaniya ni Jessa
"Ah tatlong araw na. May importante kasi akong aayusin dito. Siyanga pala pasensya kana kung dito ka naka tulog sa silid na ito. dalawa lang kasi ang Kwarto dito sa apartment ni Jessa. Actually pinagawa niya lang ito para sa anak ko" sabi ni Jenny. Na nag pagulat sa kaniya
"Anak? May anak kana?" sabi niya at hindi ipinahalata ang pagka gulat sa babae.
"Oo nakita mona siya kanina. Sinabi ni Jessa pinag tripan kapa raw ng anak ko. Pasensya kana ganun talaga napaka pasaway ng anak kong 'yun" sabi ni Jenny
"Yu-yung bata? 'Yung bata ang anak mo?" sabi niya habang hindi parin maka paniwala
"Yup. Alam mona kung sino ang ama. Akalain mo'yun, Kung sino pa 'yung galit at ayaw saakin ay iyun pa ang naging kamukha ng anak ko" naka ngiting sabi ng babae. Habang napapailing pa.
"Yeah, pansin konga. Kamukha niya si Mommy." pag sang ayun naman ng binata.
"Rence pwede bang atin-atin lang ito. Ayaw kopa munang malaman ni Lance ang tungkol kay Jency. Alam mona man siguro kung paano kademoniyeta ang Bagong Girlfriend niya ngayon. Ayaw Kong madamay ang anak ko sa galit ng babaeng 'yun saakin please" malungkot na sabi ng dalaga.
"I understand" tipid niyang sagot.
Hindi niya alam kung bakit, hindi man Lang siya nasasaktan . At hindi man lang bumilis ang t***k ng puso niya ng makita niya si Jenny, Samantala halos mabaliw siya noon dito.
"Kaya please ito lang ang pakiusap ko Rence. Gusto ko man siyang itago at hindi sabihin sayo ang totoo pero. Wala naman dahilan para mag sinungaling ako sayo. Please wala sanang makaka alam nito. Ayaw kong malaman ng kapatid mo ito. Natatakot ako Rence na baka Kunin ni Lance ang anak ko. Sayo kulang sinabi ito dahil may tiwala ako sayo" ani ni Jenny.
"Akala koba kayo parin ni Lance? Anong nanyare?" muli niyang tanong ng maka bawi sa pagkakagulat.
"Mahabang kwento. Tsaka ko nalang sasabihin sayo. Halikana baka nag hihintay nayung dalawa At lumamig pa ang pagkain" naka ngiting sabi ni Jenny.
----
"Hi good morning" naka ngiting bati ni Zegi ng maka pasok ito sa mansyon ng Dalaga. Napa kunot-nuo namang nilingon ni Zandra ang binata at napa tayo siya ng akmang hahalikan siya nito sa Pisngi.
"Zegi ang aga mo ata? Anong meron?"
"Emmp gusto kulang maka Join ka sa Almusal. Oh ito oh may dala akong Italian Food diba favorite mo ito?" naka ngiting sabi ni Zegi sabay abot ng paperbag na nag lalaman ng pagkain.
"Yeah Favorite konga pero hindi kasi ako mahilig mag almusal, Nag kakape lang ako" pag dadahilan niya. Pero ang totoo gusto na niyang kumain dahil hindi siya naka kain ng maayos sa Dinner nila kagabi ng binata kaya maaga palang ay nagising na siya para tulungan ang kaniyang kusinera sa pag luluto.
"ah ganun ba, Sige kunin mo nalang ito. Kainin mo sa Luch mo. Emmm puwede bang dito nalang ako mag almusal? Tutal narito narin naman ako" lakas loob na sabi ng Binata .
Lihim namang nairita si Zandra dahil sa pag uugali ng binata. Mag mula ng kausapin at pansinin niya ito nung mamatay ang daddy at tita niya ay. Palagi na itong pumupunta sa bahay at condo niya halos araw araw na.
"Sige" tipid niyang sagot.
"Manang paki asikaso po siya, Dito po siya mag aalmusal. Pupunta lang po ako sa room ko. Para maligo dahil mamayang eight po ay aalis po ako" sabi niya sa katiwala.
"Okey po senyorita" sagot ng matanda.
"Zegi maiwan muna kita ha. Pupunta lang ako sa room ko" sabi niya. Akmang tatalikod na siya ng mag salita ang Binata.
"saan ka pupunta mamaya?" sabi nito, na siyang nag pataas sa kilay niya
"Sa studio bakit?" sagot niya habang naka taas parin ang kanang Kilay
"Emm ako na ang mag hahati---
"No Zegi. Thanks but no thanks" sagot niya
"Pero Zandra ba--
"Ano ba Zegi! Dalawang linggo ka nalang palaging pumupunta dito . Hindi porket kinakausap kita ay friends na tayo. Wala kabang trabho?" hindi na niya napigilang mainis sa binata. Dahil kung umasta ito ay daig pa nito ang isang Possessive Boyfriend.
"Pero diba sinabi kona sayo na liligawan kita at puwede nam---
"Sinabi kobang manligaw ka?! Diba sinabi kona sayo kagabi na hindi pa muna ako mag papaligaw. Kung gusto mo mag almusal. Maupo ka at hintayin mo si Manang" sabi niya at tinalikuran na ang binata.
Naiwan namang nag pipigil sa galit si Zegi dahil hindi niya nagustuhan ang pang re reject sa kaniya ng dalaga.
"Sir, Halina po kayo naka handa napo ang---
Hindi na natapos sa pag sasalita ang mayordoma ng biglang umalis ang binata. At pabagsak na binitawan ang hawak nitong paperbag.
"Ay walang modo!" Mahinang sabi ng matandang moyordoma