"Senyorita may nag hahanap po sa inyo sa baba" ani ng kasambahay kay Zandra.
Nasa kaniyang silid siya at kasalukuyang nag aayos dahil niyaya siya ni Zegi maki pag Dinner sa bagong bukas na Restaurant nito .. Hindi na niya tinanggihan ang alok ng binata dahil gusto niyang mapabaling ang kaniyang atensyun sa iba at gusto niya rin libangin ang kaniyang sarili dahil dalawang linggo narin siyang nag mumukmok sa kaniyang silid. Mag mula ng mawala ang kaniyang kini kilalang ama at ang asawa nito.
Humihingi narin siya ng isang buwan na Bakasyon sa kaniyang Manager. kaya isang buwan siyang magiging malaya. Hindi narin siya nag bubukas ng kaniyang Social media account, dahil puro tungkol lang sa kanila ni Lorence ang laman ng kaniyang News feed at nag palit narin siya ng number para hindi nasiya makontak ni Rence. Patuloy niya parin iniiwasan si Lorence. Kahit miss na miss na niya ang binata ay tinitiis parin niya ito. Araw-gabi pumupunta si Rence sa kanilang mansyon ngunit hindi niya ito hinaharap.
"Ah baka si Zegi na'yan. Sige po manang. Ba baba napo ako" sagot niya, sinipat muna niya ang kaniyang sarili sa salamin pagka tapos ay kinuha na niya ang kaniyang silver Pouch at bumaba na.
Pag labas niya ay kamuntikan na siyang mahulog sa hagdan dahil sa panlalambot ng kaniyang tuhod. Ang akala niya si Zegi ang nag hihintay sa kaniya sa ibaba. Ngunit hindi pala
"A-anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong sa binata habang naka taas ang isang kilay
"Zandra Kausapin mo naman ako, huwag mo naman akong iwasan please mag usap tayo" ani ni Lorence
"Ano pa ba ang pag uusapan natin Mr Salvi? Tapos na ang pag papanggap natin. Kaya walang dahilan para kausapin pa kita." seryoso at mataray na sabi niya sa binata.
"About us"
" tsssk! Walang tayo Lorence Salvi. At never naging tayo. Tapos na ang pag papanggap natin. At nakuha mona ang kapalit ng pag papanggap mo kaya tigilan mona ako!"
"No Anazandra, pag usapan natin ito ng maayos"
"Bakit Pa?" naka kunot nuong tanong niya sa binata
"Dahil ayaw ko ng ganito Zandra. Gusto ko maging maayos tayo. Kausapin mo parin ako at wag mo akong iwasan"
"nag papatawa kaba Lorence? Ilang beses kobang dapat sabihin sayo na tapos na ang pag papanggap. Iyung nangyari saatin. Wala na 'yun hindi na importante saakin 'yun. Hindi lang naman ako ang babaeng nawalan ng Virg*nity kahit hindi pinanagutan" sagot niya
'isa lang naman ang gusto kong marinig galing sa'yo Rence. Sabihin molang na mahal mo ako' ani ng kalooban ni Zandra
"Pero handa naman akong pakasalan ka at panagutan ka Kaya wag naman ganito please" nag susumamong sabi ng Binata. At duon na hindi napigilan ng dalaga mapaiyak
"kasal? Hahaha talaga? Papakasalan mo ako kahit hindi mo naman ako mahal? Puny*ta Lorence. Manhid kaba?" sigaw niya sa binata habang patuloy parin sa pag agos ang kaniyang luha.
"tatanungin kita ulit mahal mona ba ako?" lakas loob na tanong niya sa binata. Nang hindi maka sagot ang binata ay tumawa ng pagak ang Dalaga.
"see. Hindi mo parin masagot. Dahil mahal mo parin si Jenny. Lumayas kana!" sabi niya. Akmang tatalikuran na niya ang binata ngunit kaagad naman siyang nahawakan nito sa braso.
"hi Hon" ani ng tinig na nag paagaw sa kanilang atensyon at sabay silang napalingon sa may pintuan.
Naka ngising lumapit sa kanila ang binatang si Zegi na may dala-dalang isang Bouquet na red roses. Habang hindi parin binibitawan ni lorence ang braso ng Dalaga.
Nagulat naman si Anazadra ng halikan siya ni Zegi sa pisngi sa harapan ni Lorence At naramdaman na lamang ni Zandra ang pag bitaw ni Rence sa kaniyang Braso.
"Oh, why are you crying baby?" Ani ni Zegi sa dalaga.
"Wa-wala ito. Let's go" sagot naman ni Zandra habang hindi maka tingin kay Lorence. Naramdaman na lamang niya ang pag pulupot ng bisig ni Zegi sa kaniyang bewang
"pano bayan pare. May Dinner date pa kami. Maiiwan kama namin dito" naka ngising ani ni Zegi kay Lorence at tinalikuran na ng dalawa ang binata.
Naiwan namang naka kuyom ng kamao si Lorence habang tiim bagang na naka tingin sa dalawang tao na naka talikod palayo sa kaniya.
Ramdam naman ni Zandra ang pag titig ni Lorence sa kaniya kahit naka talikod siya. Kaya para siyang Robot na hawak-hawak ni Zegi. Kung hindi lang siguro sa Bisig ni Zegi marahil ay kanina pa siya nanlambot at nadapa.
"Bakit mo yun ginawa? Bakit mo ako hinalikan?" tanong niya kay Zegi habang nasa Sasakiyan na sila
"why? Emm single ka naman single rin ako. Siguro naman puwede na akong manligaw sayo" sagot ni Zegi habang nag mamaneho
"Tska ginawa kolang 'yun para tigilan kana ng ex mo. Nakita moba 'yung mukha niya kanina?" Naka ngising sabi ni Zegi
"Wag mona 'yun uulit Zegi.. Ayaw ko 'yung ginawa mo" seryosong sabi ng Dalaga.
----
"Wooooo! anong hangin ang nag dala sa'yo dito!" ani ni Joshua na may ari ng bar.
"Tumigil ka. Samahan mo na lang ako dito" sagot naman niya sabay Lagok ng Alak.
"Aba mukhang matindi ang problema natin ngayon ah. Ilang buwan narin tol, ngayon kalang ulit bumalik dito. Sabihin mo tungkol na naman bayan sa babae?" ani ng kaniyang kaibigan
Lumagok muna siya ng alak bago sumagot.
"Tol naguguluhan ako" sagot niya
"Naguguluhan saan? 'Wag mong sabihin na hindi mo parin nakakalimutan 'yung Syota ng utol mo. Sino ngaba 'yun? Si Jenny diba?"
"Tol hindi ko alam kung pag mamahal naba to! Basta ayaw kosiyang mawala saakin" sagot niya
"aba mukhang bago naman ito Lorence. Sino naman 'yang maswerteng babae na'yan?"
"Tssssk mas'yado kana bang busy para hindi mo mabalitaan" sagot niya habang patuloy parin sa pag lagok ng alak.
" no, 'Wala akong time so sino ba'yun? "
"tssssk !! Anazandra Baltazar"
"Wow as in totoo tol? Si -si Anazandra 'yung sikat na singer?" hindi maka paniwalang sabi ng kaibigan na tinanguan naman niya.
"Wow tol Jackpot! 'Wag muna 'yun pakawalan tol. Teka bakit hindi koto alam. Ako yung bestfriend mo e"
"Tsssk! g*go ikaw rin ang may sabing wala kang time diba? isang bote panga" sagot niya
"Aba tol. Tama na ang dami mo ng naubos. Mag mamaneho kapa" awat naman ni Joshua
"hindi ako mag mamaneho. Ihahatid mo ako" sabi niya.
Mag sasalita pa sana ang kaniyang kaibigan ngunit agad niyang nilagay ang hintuturong daliri sa bibig ng kaibigan.
"Yaaks kadiri ka Lorence"
"Teka -teka muna tol. Restroom muna ako" paalam niya sa kaibigan sabay tayo. Pasuray-suray siyang nag lalakad ng may mabangga siyang babae.
Pilit niyang inaaninag ang mukha ng babae ngunit napaka labo ng kaniyang nakikita dahil sa sobrang kalasinga.
"Nako Rence! lasing kana talaga Lorence. Ano bang nang yayari sa'yo" ani ng pamilyar na tinig ng babae.
Mag sasalita pa sana siya ngunit nawalan na siya ng malay dahil sa kalasingan.
"Nako pano ba'to!" ani ng babae at mabilis kinuha ang kaniyang phone para tawagan ang kaniyang ate Jenny dahil hindi niya kaya ang binata.