CHAPTER 9♥

904 Words
Tulalang naka tayo sa may bintana si Zandra habang iniisip parin ang nangyari sa kanila ni Lorence. Nasa condo niya siya muna namalagi at Limang araw narin niyang iniiwasan ang binata at limang araw narin siyang hindi pumapasok sa Studio. hindi rin siya tumatanggap ng mga Calls kahit na kanino. Pinatay narin rin ang kaniyang Phone at binunot narin ang saksakan ng Telephone ng kaniyang Condo para walang Kahit na anong ingay. Gusto mona niya ng tahimik, 'yung walang tanong at walang gulo. Naguguluhan siya. Kung papayag ba siya sa inaalok ni Lorence na kasal. ngunit nag aalinlangan siya dahil ayaw niyang pakasalan lang siya ng binata dahil lang sa ito ang naka una sa kaniya. FLASHBACK !! "hindi mona ako kailangan pakasalan Rence ,kung dahil lang sa may nangyari saatin. kaya mo ako inaalok ng kasal hindi mona kailangan gawin 'yun. Ginusto korin ang ang mga namagitan saatin kagabi kaya hindi mo kailangang makonsensya." Saad nang dalaga "Zandra" mahinang sambit ng binata sa kaniyang pangalan habang naka kunot-nuo ito. "Umamin kanga saakin Rence. Mahal mona ba ako?" deretsahang tanong niya sa binata, ngunit naka titig lang ito sa kaniya at hindi maka sagot. "Okey ayaw mong sagutin, sige ito nalang Mahal mo parin ba si Jenny?" tanong niya ulit, ngunit parang nadurog ang puso niya nang bigla nalang yumuko ang binata at hindi parin sumasagot sa kaniya.. " I see" sambit niya at pekeng ngumiti sa Binata. "I need to go" sabi niya at tumayo na siya habang tinatago niya lamang ang mga mata niya. Dahil ayaw niyang nakita ni Lorence na naiiyak siya "Wait Zandra, ku-kumain muna tayo bago kita ihatid sa inyo" wika ni Rence "No–no need, I have my own car at tinawagan kona si Manong Ben kanina habang nasa Kusina ka" sagot niya at /nag madali ng lumabas nang kwarto bago pa siya ipag kalulo ng mga luha niya. At Para natin hindi ulit makita ng binata ang nag babadyang luha na gustong makawala sa kaniyang mata. "Zandra wait!" tawag ni Lorence ngunit hindi na nakinig ang dalaga. Mabilis na itong nag ta-tatakbo. nasagi pa nito ang isang larawan ni Jenny saglit ito nilingun ni Zandra at umiling-iling bago napangiti ng mapait. Tsaka nag patuloy na sa pag lakad palabas ng unit ni Lorence Pag labas palang niya ay nanduon na ang kaniyang Sasakiyan, kaya mabilis siya pumasok para hindi na siya mahabol Pa ng binata. "Magandang umaga Señorita " sabi ng kaniyang Driver "Manong sa Condo ko kopo" END FLASHBACK Napukaw sa malalim na pag iisip si Anazandra ng may malakas na kumakatok sa kaniyang pinto kaya napa kunot-nuo siya dahil wala siyang inaasang ibang bisita. inayos niya muna ang kaniyang sarili bago pag buksan ang nasa labas. "Seniorita pasensya naho. Hindi ka kasi namin matawagan, kaya pinuntahan kana namin dito" sabi ng kanilang katiwala sa Mansyon "Bakit ho manang?" "Seniorita ang Daddy at tita n'yo ho sumabog ang eroplanong sinasakiyan nila pauwi dito. Kanina kapa namin tinatawagan kaso dika namin makontak!" Humihikbing wika nito "What! Oh my god!" Aniya at mabilis siyang pumasok ulit upang kunin ang kaniyang slingbag. "Let's go manang bumalik na tayo sa Mansyon" sabi niya. Pag dating nila ng mansyon nakita niya ang mga pulis at ang mga Tauhan ng kaniyang ama. "Ms Baltazar nakikiramay kami. Pumunta pala kami dito upang ibalitang hindi basta-basta aksidente ang pag sabog ng ereplanong sinasakiyan ni Mr Baltazar napag alaman naming sinadya ang pag sabog sa sinasakyan nila. may alam ba kayong kaaway o kagalit ng inyong ama or tiyahin?" tanong ng hepe sa kaniya at kaibigan ito ng kaniyang kini kilalang ama "No wala ho akong alam" mahinang sabi niya. Hindi niya alam bakit hindi man lang siya naiiyak samantala kanina ay iyak lang siya ng iyak pag naiisip niya si Lorence. Kahit hindi naman niya totoong ama or tiyahin ang nasawi ,mahal niya parin ang kinilala niyang ama "Senyorita may mga Bisita kapo" ani naman ni Manang Rosa kaya napalingon sila dito "Ms Baltazar muuna na kami. Babalitaan kana lang namin" pag papaalam ng mga pulis sa kaniya, Tumango naman siya bilang sagot sa mga ito "Sino ho manan" baling niya sa mayordoma "Hindi ko alam iha pero hinahanap ka. Papasukin kona ba?" "No manang , ako nalang ho ang lalabas" sabi niya at tumungo na siya sa labas para tignan ang taong nag hahanap sa kaniya. "Hii Ana, nabalitaan ko ang nangyari, how are you?" ani ng binatang may dala-dalang kumpol na mga rosas. "For you nga pala" ani nito at inabot sa kaniya ang hawak na bulaklak. "Thank-you Zegi nag abala kapa. Halika pasok ka" aya niya sa Binata. "wow first-time na pinansin mo ako" naka ngiting sabi ng Binata. "matagal kanang nanliligaw saakin Zegi , araw-araw karin nag papadala ng mga Flowers sa Studio at Condo ko. Maging dito sa bahay, tao ka pumunta dito, kaya simo ako para bastusin ka” ani ni Zandra na mas lalong nag pangiti sa lalaki "Ana mukha kang walang tulog nag pahinga kana ba?" Ani ng binata, marahil ay napansin nito ang pamumutla niya at pamumungay ng mga mata niya "Wala pa. Ang dami-daming nangyayari eh" mahinang sabi niya at bumuntong hininga. "Nandito lang ako Ana, Mag paka tatag ka" sabi ng binata. Tanging ito lamang ang tumatawag sa kaniya ng Ana. Kahit ayaw naman niya kay Zegi. Ayaw naman niya itong bastusin lalo na't kaibigan rin ito ng kaniyang ama sa Negosyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD