CHAPTER 4♥

1346 Words
“Iha Zandra Anak, sobra mo akong pinasaya dahil hindi ko akalain na isang panganay na apo ng Salvi group ang boyfriend ngayon ng anak ko” panimula ng ama ni Zandra. Sobrang tuwa nito dahil matagal na nilang nililigawan ang kumpanya ng mga Salvi. Kaya malaking chance sa kanila ang maka pasok ang kanilanh kompanya sa Salvi Group. At si Anazandra ang gagamitin ng mga ito. “yayain mo dito si Lorence iha mag dinner ‘wag mona ‘yan paka walan Zandra, nako napaka swerte mo d’yan. Kumpara sa Ex-boyfriend mo, sino nga ulit pangalan nun?” ani nang kaniyang StepMother “okey” tipid niyang sagot, tsaka nag patuloy sa kaniyang pag-kain. Kahit kailan talaga, hindi mawawala sa usapan ang tungkol sa kompanya, kung paano mas lalong mag payaman. Alam niyang iba ang intensyon ng mga ito kay Lorence. Kaya iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. Kahit ampon lang siya hindi niya hahayaang kontrolin siya ng kini-kilala niyang mga magulang. Kahit dalawang buwan pa lamang sila mag kakilala ni Lorence. Ay nakikita niya dito ‘yung hindi niya nakita sa Ex-boyfriend niyang si Jerick. Habang nasa hapag kainan sila at nag aalmusal ay biglang nag ring ang kaniyang Phone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag kaya naman napangiti siya ng makitang si Stepani ang tumatawag. Ni Loudspeaker niya ito at ibinaba sa lamesa ang phone dahil kumakain parin siya. *Hello ate Zandra goodmorning * "goodmorning rin Step ang aga mo naman atang napaka tawag " *yes ate kasi gusto kitang imbitahan sa Mansyon ni Lolo. Birthday ngayon ng mga kapatid Kong apat na kambal. Okey lang po ba? Hindi po ako tumatanggap ng NO ate * "Okey makakatanggi paba ako, umm send mo nalang ang location pupunta ako. " *No ate Susunduin ka ni tito d'yan mga 9 am nand'yan na siya. Lunch po kasi ang time ng Celebration yun ang gusto ni moma * "Okey Step, sana sinabihan mo ako kagabi okey sige na mag aayus pa ako malapit na mag eight" Matapos ng pag uusap nila ni Stepani ay ser'yoso siyang tinignan ng Daddy Leo nya. "Sino ang pupunta dito Zandra? At saan ka pupunta 'wag kang gagawa ng kahihiyan zandra. Wag mong niloloko si Lorence gusto ko siya para sa'yo " sabi ni Leo kay Zandra. "No dad. Si Lorence po ang pupunta dito susunduin niya ako, dahil birthday ng pamangkin niya" sagot niya na ikina liwanan ng mukha nang dalawa. "Really mag papahanda tayo kung pupunta siya dito. Ito ang unang beses na may isang Salvi na pupunta dito" masayang sabi ng tita Mona niya ang pangalawang asawa ng Daddy Leo niya. "No need Tita susunduin niya lang ho ako. Kaya dinaman siya mag tatagal dito" "Okey iha, basta yayain mo s'ya pumunta dito ha nextime" naka ngiting sabi ng daddy Leo niya. "Sino pala 'yung tumawag sa'yo kaano-ano niya si Lorence?" Pag uusisa ng tita Mona niya "Si Stepani ho. Pamangkin ni Lorence" sagot niya. "Pamangkin? Diba ang Young Lady palang ang may Anak sa pamilya ng Salvi. Sa pag kakaalam ko si Vanessa palang ang may asawa at anak sa lahat ng apo ni Don Roman Salvi " "Ang dami niyo pong alam sa kanila" naiiling na sabi niya "Aba syempre 'yan ang pamilyang palaging usap usapan ng mga kumare ko, kaya alam ko tsaka hindi naman 'yun naitatago dahil alam naman ng buong mundo ang tungkol sa kanila" sagot nito "Sa Mansyon ni Don Rafael ho ako pupunta. At si Stepani ho anak ni Vanessa, pinsan siya ni Lorence " "Kung sinuswerte nga naman oh. Mapapalapit pa pala tayo sa Young Lady kung ganun" sabi naman ng Daddy Leo niya. Nang sumapit ang alas nuwebe ay nasa Sala na si Anazandra habang hinihintay si Lorence. Dalawang malakas na Doorbell ang nag patayo sa kanilang tatlo. ang unang lumabas ay ang Tita Mona niya para pag buksan ang binata. Hindi na rin naging mahaba ang batihan ng mga ito dahil agad rin silang umalis. At pabor iyon kay Anazandra dahil ayaw niyang mag tagal anv binata sa bahay lalo na't naruon ang mga gahaman at mang gagamit niyang ama-amahan kasama ng asawa nito. Habang nasa biyahe panay ang sulyap ni Zandra kay Lorence, dahil napaka tahimik nito. Marami na rin s'yang nalaman tungkol sa buhay ng lalaki. maging ang babaeng minamahal nito. "may gusto kabang sabihin?" basag ni Lorence sa katahimikan habang nasa naka tuon lamang ang pansin nito sa harapan at seryosong nag mamaneho. "Wala naman, ang tahimik mo kasi may Problema kaba? Puwedi mo akong sabihan "Nothing" tipid na sagot ni Lorence. Pero ang totoo naguguluhan siya sa kaniyang nararamdaman. Satwing nakakasama niya si Anazandra bumibilis ang t***k ng puso niya, hindi katulad ng pag t***k ng puso niya nung maging sila ni Jenny. Mag kaibang-magkaiba kaya naguguluhan siya. Lalo na't isang linggo narin siyang hindi nakakatulog ng maayos. Palagi niya na aalala ang unang Halik sa kaniya ni Anazandra nung una silang mag kita. "Nga pala Rence matanung kulang. Bakit sa mansyon ni Don Rafael gaganapin ang birthday celebration ng mga pamangkin mo? At bakit tanghali pa?" curious na tanong ni Zandra. "nag iisang anak lang ni Tito si Vanessa. Kaya naman lahat ng okasyun ng pamilya nila ay sa Mansyon ginaganap. Saka hindi rin pwedi sa bahay nila vanessa dahil baka atakihin sa puso si tito. Saka tanghali talaga ang Celebration ng apat na pamangkin ko dahil yun ang kagustuhan ng pinsan ko. dahil tanghali daw niya naipanganak ang apat na kambal" mahabang tugon ni Lorence. "Ah kaya pala" tanging sagot lamang ni Zandra at napa tango "ihanda mo ang sarili mo dahil nandun ang Ex mo, pinsan ni Seb si Jerick kaya malamang pupunta yun" ani ni Rence Kinabahan naman si Anazandra sa isiping muli silang mag haharap ni Jerick "Mukhang kailangan nga talaga dahil malamang kasama niya rin ang Girlfriend niya " sagot ni Zandra. isang oras na byahe naka rating narin sila kung saan ang mansyon ni Don Rafael Salvi. Sa Garden Area gaganapin ang Celebration kaya agad silang tumugo duon "Tito, Ate Zandra!" malakas na tawag ni Stepani ang nag palingon sa kanila mula sa likod. "yiieee sobrang bagay na bagay talaga kayo. Ang ganda ganda mo lalo sa suot mo ate" masayang sabi ni Stepani. "Mas maganda karin lalo Step" sagot ni Zandra habang namumula ang mukha. Magka sabay silang tatlo pumunta ng Garden, Napahigpit naman ang pag hawak ni Zanda sa braso ni Lorence kaya naramdaman iyon ng binata. Agap niyang tinangal ang kamay ni Zandra sa kaniyang braso at pinag siklop ang kanilang kamay. mahigpit hinawakan ni Lorence ang kamay ni Zandra kaya naman gumaan kahit papaano kaba nito ANAZANDRA POV "Kuya thanks naman at dumating na kayo." Napatingin ako sa babaeng sumalubong saamin na naka ngiti. "Hi Anazandra diba? Napaka ganda mo naman kaya pala idol na idol ka ng anak ko at nahulog sayo itong mahal kong pinsan " sabi ng babae habang nakangiti parin sa harapan namin. "Ah-eh thankyou " sabiko habang hindi maka tingin sa kaniya ng deretso. Nakaka tunaw ang paraan ng pag titig niya saakin para bang binabasa niya ang nasa isip ko maging ang buong pagka tao ko "I'm Vanessa mama ni Stepani" aniya. Oh my god, so siya pala ang young Lady MultiBillionaire sa Asia maging dito sa pilipinas. Napaka ganda niya at hindi ko naisip na siya ang mama ni Stepani. Napaka bata niyang tignan ang sexy rin niya. "Oh y-young Lady? " 'yun lang lumabas sa bibig ko. Napaka ganda niya talaga "haha Vani nalang or Vanessa wag mokong tawaging young Lady magagalit ako sayo" sabi niya Mukha lang siyang mataray pero ang bait niya pala. "Hi Rence, Hi Zandra" nabaling ang atensyon namin sa lalaking papalapit saamin. Biglang naalis ang ngiti ko dahil nakita ko na naman ang ex kong walang hiya. At kasama na naman niya ang ahas niyang Girlfriend. Naramdaman ko ang pag pulupot ng braso ni Lorence sa bewang ko at idinikit niya ako sa katawan niya. "Relax " bulong niya sa tenga ko at pasimpleng hinagkan niya ang pisngi ko. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD