CHAPTER 5♥

1166 Words
Nag pipigil lamang si Anazandra na hindi mapaiyak habang pinapanuod ang masayang anunsyo ng dalawa ,buntis nanga ang kaniyang dating kaibigan at sa buwan narin na iyon gaganapin ang kasal ng dalawa Nangingilid na ang kaniyang mga luha dahil sobra parin syang nasasaktan dahil sa panloloko sa kaniya ng Dalawang taong pinag kakatiwalaan niya. Kahit humingi na ng tawad ang dati niyang kaibigan ay hindi parin ganun kadali mag patawad. Sobra syang nasaktan sa ginawa ng dalawa sa kaniya. FLASHBACK Papasok na sa Condo niya si Anazandra ng mapansin niyang naka bukas ang Pinto. Hindi nasya nag isip ng kung ano ano. Dahil ang naisip lang niya baka una ng dumating ang kaniyang Bestfriend. Pansamantalang nakikitira sa kaniya ang kaniyang kaibigan dahil nag layas ito at walang ibang matutuluyan kaya naman tinulungan ni Zandra ito. Pag pasok palang niya ay napa kunot nuo na siya dahil sa Nagkalat na mga damit na pambabae at pang lalaki sa sahig. At pinulot niya ang polo ng pang lalaki dahil hindi siya pweding mag kamali. Kilalang kilala niya ang may ari ng polo na iyon. Nag simula na syang kabahan. Dahan dahan siyang pumasok sa kaniyang Kwarto. Pag bukas niya ng Pinto. Malakas na Ungol ng dalawang tao ang sumalubong sa kaniya. Halos hindi maka galaw si Zandra sa kaniyang kinatatayuan parang sinaksak ng libo libong karayom ang kaniyang puso. Dahil ang dalawang taong pinag kakatiwalaan niya ay pinag tataksilan pala siya patalikod. "MGA WALANG HIYA! MGA BABOY. SA SARILI KO PA TALAGANG KAMA AT TIRAHAN. MGA WALANG HIYA MGA BABOY KAYO " malakas na sigaw ni Zandra habang umiiyak at sinugod ang kaniyang traydor na kaibigan. " ahas ka tinuring kita parang tunay na kapatid. Ikaw ang takbuhan ko kapag may problema kami ni Jerick. Pero p*tangina ikaw lang pala ang tumatraydor saakin. Lumayas ka dito!" malakas niyang sigaw. END FLASHBACK Mabilis tumayo si zandra at agad na umalis dahil hindi niya kayang panuorin ang dalawa. Hindi lang pala Birthday Celebration ang party dahil pati Engagement party rin pinag sabay nila kaya pala napaka daming tao. Kahit tanghali sa Pool area siya dinala ng mga paa niya. Duon siya napaka hagulgol. Habang takip ng dalawang kamay niya ang mukha niya. Hindi nya naramdaman ang pag lapit sa kaniya ni Lorence. Kaya naman kinuha ni Lorence ang dalawang kamay ni Zandra at hinila ito papunta sa likod niya kaya napayakap sa kaniya si Zandra. Rinig na rinig ni Zandra ang malakas na t***k ng puso ni Lorence kaya naman bigla siyang napatahan sa pag iyak. Mas hinigpitan paniya lalo ang pag yakap kay Lorence. "Ito na ang huling beses na iiyakan mo siya" ani ni Lorence Dahil matangkad si Lorence ay tiningala ito Zandra "Please ilayo mo ako dito" saad niya Kaya naman hinawakan ni Lorence ang kamay ni Zandra at hinila ito palabas ng mansyon. Hindi alam ni Zandra kung saan siya dadalhin nito hindi na siya nag tanong Pa. Kusa nalang sumunod ang mga paa niya. ----- mahigit isang Oras na biyahe ay naka rating narin sila sa lugar na hindi pa napuntahan ni Zandra "Ang ganda naman dito Rence " ani ni Zandra habang naka tingin lang siya sa maliliit na ilaw ng kamaynilaan Dinala siya Ni Lorence sa Favorite place niya na malapit lang sa White House nila Vanessa. Kung saan nakikita lahat ang Lawak ng kamaynilaan. "Sumigaw ka. ilabas mo lahat ng sama ng loob mo walang makaka rinig sayo dito. " seryosong ani ni Lance. "mga P*tang*na niyo! NAGING MABUTI NAMAN AKO SA INYO! BAKIT NIYO AKO GINANITO? "Malakas na sigaw ni Zandra. Humagulgul na naman siya. Pakiramdam niya. Nabawasan ang bigat sa loob niya dahil sa kaniyang ginawa ilang minutong katahimikan..... " Are you Okey now?" basag ni Lorence sa katahimikan nila. Humarap naman si Zandra at ngumiti ito. "Yes Thankyou Rence " ani ni Zandra at lumapit siya kay Lorence at niyakap ito. "Let's go sa White House nalang tayo matutulog 7pm na. Malapit lang dito ang bahay nila Vanessa kaya duon na tayo mag palipas ng Gabi mukhang uulan rin naman" ani ni Lorence, tumango nalang si Zandra bilang sagot may tiwala naman siya sa lalaking kasama Habang papasok sila sa malawak na Hasyenda na pag aari ni Sebastian ay nag tataka si Zandra dahil magubat ang nadadaan nila. Walang kahit ni isang bahay o tao man lang " bakit walang mga bahay dito akala koba duon tayo matutulog sa bahay nila Vanessa" takang tanong ni Zandra kay Lorence na nag mamaneho "Isang oras ang layo ng kabahayan dito. Nag iisa lang ang White House nila dito sa Gitna ng Kagubatan. at Malayo sila sa mga tao malalaman morin ang sagot pag dating natin doon" sagot ni Rence. Napansin ni Zandra ang matataas na mga kahoy na nadadaan nila. Mukhang Private place nga talaga ang Lugar na pinuntahan nila. Nasa Gate na sila ng White Mansyon. Todo masid si Zandra sa lahat ng nadadaan nila. Pinag buksan sila ng limang lalaking Bantay ng mansyon. Pag pasok nila sa Bakuran ng White House ay napansin naman ni Zandra ang tatlong mga lalaki na may kasamang Apat na Malalakeng aso. Natatakot bumaba ng Kotse si zandra kaya naman napangiti si Lorence at bumaba ito. agad naman niyang pinag buksan ng Pinto si Zandra, ayaw paman bumaba ni Zandra ay mabilis siyang binuhat ni Lorence na parang bagong kasal. Kaya naman napatili siya. "Wag kang mag pumiglas baka mahulog ka. Ang bigat bigat mo" naka ngiting sabi Ni Lorence. Nakatulala naman si Zandra habang naka tingin kay Lorence .firstime niya itong makitang ngumiti kaya nagulat siya. Sobra siyang na gwapuhan kay lorence sa paraan ng pag ngiti nito. GRRRRRRRR* nabaling ang atensyon nila sa napaka laking Tiger. Halos maubus na ng dugo si Zandra sa sobrang putla. Napahigpit ang pagyakap niya sa leeg ni Lorence. "Haaaayst naka wala na naman ang alaga ni Stepen." ani ni Lorence habang napapailing. Sisigaw sana si Zandra sa Sobrang takot ng bigla siyang halikan ni Lorence. Kaya lumaki ang mata ni Zandra sa sobrang gulat. "Wag kang sisigaw dahil mas lalong mag wawala ang mga Alaga dito" ani ni Lorence kay Zandra habang hindi parin pinuputol ang pag halikan nila. Tumugon si Zandra sa pag Halik sa kaniya ni Lorence. Habang buhat buhat siya nito. Nag hahalikan parin sila hanggang sa maka pasok sila ng White Mansyon. Masyadong malalim ang paraan ng pag halik ni Lorence sa kaniya. "Aheem konting respeto naman, may Kwarto sa taas baka naman duon niyo nayan ituloy" naputol ang halikan nila dahil sa istorbong pag salita ng isang babae na mukhang tomboy dahil sa hairstyle nito at pang lalaking suot nito. sobrang nagulat sila dahil ang akala nila ay sila lamang ang tao sa mansyon. dahil ang lahat ay nasa Party "Sorry naistorbo kopa ang pag loving loving niyo sige continue niyo nayan pupunta lang ako ng kusina" ani ni Jessa habang napapangiti dahil kitang kita niya pamumula ng mukha ng Dalawa. Habang hindi naman maka tingin sa kaniya si Zandra. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD