CHAPTER 6♥

2159 Words
"Good morning Zandra kamusta ang tulog mo?" Tanong ni Vanessa kay Anazandra ng maka baba ito nang hagdan. "Good morning too, Mabuti naman sorry nga pala hindi na kami naka pag paalam ni Lorence sa Party bago umalis" nahihiya niyang sabi bago yumuko. "nako okey lang 'yun. Na e kwento na saakin ni Kuya ang lahat. About sa inyo ng pinsan ng asawa ko. tsaka tinawagan niya rin ako kagabi na dito umano kayo tutuloy. Kaya maaga kaming umuwi ni Sebastian" sagot sa kaniya ni Vanessa. Nilinga niya ang paligid ngunit wala siyang ibang nakikita maliban lamang kay Vanessa. "Tanghali ba nagigising ang mga maids niyo? Anong ginagawa mo?" tanong niya habang naka tingin sa Ginagawa ni Vanessa. Nag aayos ito ng pagkain at nilalagay sa baunan Nag tataka siya dahil ang isang MultiBillionaire YoungLady ay napaka sipag gumising ng umaga para lang mag prepared ng pagkain at ilalagay sa baunan. "ah wala kaming katulong At ayaw korin kumuha dahil kaya ko naman. tsaka hindi ba nabanggit sayo ni Kuya na Private Place ito? Walang ibang nakaka pasok dito" kibit balikat na Sabi ni Vanessa sa kaniya. "Apat palang ang nakakabisita dito at ikaw ang pang Apat na naka pasok dito na may pahintulot namin. Maliban sa mga kaibigan ko at sa mga tauhan namin. isa kasi itong Private White house namin. Maging si Daddy ay hindi pa siya nakaka punta dito" sabi ulit sa kaniya ni Vanessa na ikina kunot-nuo naman ni Zanda. "Why? " kunot nuong tanong niya. "Dahil ang White house na ito ay napapalibutan ng kagubatan. Malayo kami sa Kabahayan. Mahigit isang oras pa ang biyahe bago ka makaka labas ng Gubat at makakarating sa Kabahayan at ang bahay na ito ay napapaligiran ng mga mababangis na hayop sa Labas. Kaya takot lang ng kung sino ang mag tangkang pumasok dito na walang pahintulot namin" Pag kukwento sa kaniya ni Vanessa Bigla naman niya naalala 'yung malaking Tigre kagabi. Na kamuntikan na siyang mawalan ng malay at mapasigaw sa sobrang takot. Mabuti na lamang ay Hinalikan siya kaagad ni Lorence kaya hindi siya naka gawa ng kahit na anong ingay. Bigla naman siya namula ng ma alala ang halikan nila ni Lorence kagabi At kaagad na ipinilig ang ulo para mawala sa isipan niya ang eksenang iyon. "Kung ganon para pala itong Zoo anong mga animals ang nandito?" Saad niya habang napapa tingin sa ginagawa ni Vanessa. "Ummp hindi kona mabilang, Mga alaga kasi ng asawa ko At hindi naman ako mahilig sa Animals" naka ngiting Sagot ni Vanessa bago ilagay sa Paper bag ang Baunan na inihanda nito. "Para kanino ang mga iyan At nasaan ang ibang tao?" Nag tataka niyang tanong. Dahil mag iisang oras na ay wala parin siyang makitang ibang tao maliban sa young lady "Ang mga bata naiwan sa mansyon ni Daddy. Kapag may pasukan sa school naroon sila. Kapag week-end lang sila umuuwi dito once a week lang. Dahil malilikot ang mga anak ko, baka mapahamak sila dito. Pero Si Stepani nasa itaas siya natutulog pa ata. Nang malaman niyang nandito ka. Kaagad siyang sumama pauwi saamin idol ka talaga ng anak kong iyun. Ang asawa ko naman maagang umalis may aayusin sa Kompanya at si kuya Lorence naman hindi ko siya napansin. Siguro nasa kuwarto paniya at itong mga pagkain na ginawa ko para kay mang Lando at sa apat na Gwardya sa labas ng Gate pang Almusal nila" sagot sa kaniya ni Vanessa na ikina mangha at maang niya. Sinong mag aakala na isang napaka yamang multi-billionaire na natapagmana ay ito pa ang nag hahanda ng pagkain ng tauhan. "ah so lima lang pala tayo dito sa malaking bahay niyo?" tumatango niyang sabi. "anong lima? Apat lang tayo. Si Kuya Lorence, Stepani, ikaw at ako. " kunot nuong sagot ni Vanessa sa kaniya. "hindi, may nadatnan kasi kami dito ni Lorence kagabi. Babae na mukhang tomboy sa suot niya at maganda at maiksi ang buh----" "Ah si Jessa siguro ang tinu-tukoy mo, hindi 'yun tomboy ganun lang talaga 'yun mag suot at isa iyong Pulis at NBI Agent" putol ni Vanessa sa sasabihin niya. " ah talaga, ang galing naman hmm Jessa pala pangalan nun. Kapatid mo? Ay wala ka palang kapatid sorry" nahihiya niyang sabi sabay takip sa kaniyang ibig. Masyado na siyang nagiging mausisa at madaldal 'Haaays ang Daldal ko talaga' inis na sabi ni Zandra sa Kaniyang isipan. "Ah Kina kapatid ko, Bestfriend narin" sagot nito "ohh siya maiiwan muna kita dito. Nag handa narin ako ng almusal. Dyan sa lamesa pupuntahan kolang si Stepani at gisingin mona rin si Kuya” paalam sa kaniya ni Vanessa, Tumango naman siya bilang sagot at hindi pinansin ang huli nitong sinabi. Nang maiwan siya ay iginala niya ang kaniyang paningin sa loob ng White House. Walang ibang kulay na nakikita. Puro puti nalang lahat, maliban lang sa loob ng kwarto. Duon sa kuwartong tinulugan niya ay kulay Pula lahat ng kulay, wala ng ibang Kulay 'Napaka Boring naman, walang ka kulay kulay. Puti nalang lahat' mahinang bulong niya Tanging kasuotan niya lamang ang nag sisilbing ibang kulay sa lahat ng Desenyo ng bahay ay kulay Puti at napaka linis itong tigan. "Hi ate good morning" malambing na Boses ang nag pagulat kay Anazandra kaya kaagad siyang napalingon dito. " ay bakla! dyusko naman kung may sakit lang ako sa puso siguro inatake na ako. Huuuu! Good morning too Step" "Ate nag Almusal kana? Kung wala pa sabayan muna ako" malambing na sabi ni Stepani sa kaniya. "ah eh hihintayin kopa ang Tito Lorence mo eh, Wala 'yun kasama mag almusal kaya sasabayan ko. Mauna kana" sagot niya, na ikina Simangot naman ng huli. "mamaya nalang din ako, Sabay nalang tayong tatlo kung ganon" sabi sa kaniya ni Stepani sabay irap ng Eyeballs nito. 'Ay may pagka mataray rin' ani ng kaniyang isipan at hindi mapigilang mamangha sa taglay na kagandahan ng dalagita "wala kabang pasok? Diba may sarili kang Kompanya?" Kunot nuong tanong niya kay Stepani. Seventeen years old palang ito pero napaka dami ng kompanya sa ibat-ibang bansa. ito rin ang Nag mamay-ari ng mga sikat na Shop o pagawaan at pamilihan ng ibat-ibang mamahaling uri ng mga Alahas sa buong bansa lalo na sa Asia. "Hindi muna ako papasok bukas nalang" tipid na sagot nito. "Hindi kana nag aaral?" Tanong niya ulit "Nag aaral parin ate online nga lang, meron rin akong tutor pero every week-end lang" sagot nito. Saglit na katahimikan at pareho silang naka tutok ni Stepani sa kani kanilang Cellphone, dahil sa pag hihintay nila kay Lorence ay nakaka ramdam narin ng pagka inip si Zandra "halika ate ipapakita ko sa'yo ang mga alaga kong Rabbits ang cute ng mga Babies nila." Pag-yaya sa kaniya ni Stepani. Tututol Pa sana siya ng mabilis siyang mahawaka nito sa kamay at hinila na palabas ng mansyon. Wala naman siyang magawa kundi Sumunod na lamang. Nang maka labas na sila ng pinto ay namangha siya sobrang ganda sa labas. Hindi niya 'yun napansin nung dumating sila ni Lorence dahil gabi na sila naka rating. "Wow " wala sa loob na bulalas niya habang naka tingin sa malawak na bakuran at mga nag gagandahang ibat ibang uri ng mga bulaklak at nakita niya rin ang napaka laking kulungan ng mga ibon. Naka ngiti siyang lumapit sa napaka raming ibon. Ang maganda rin tignan dahil sa halo halong kulay na at ibat-ibang uri ng ibon. "ang ganda at sobrang dami nila Step..ilan baito lahat?" naka ngiti niyang tanong kay Stepani. "600+ kung hindi ako nag kakamali ate" sagot nito na ikina laki ng mata ni Zandra. "Wow" tanging bulalas niya. Napa tingin naman siya sa katabing Kulungan. Nakita niya ang anim na nag lalakihang mga unggoy. Hindi niya alam kung matatawag paba iyong unggoy dahil parang kasing laki na ito ng tao. Mas malaki at matangkad pa sa kaniya "may mga pangalan ba itong apat?" tukoy niya sa mga Unggoy na kasing laki lang ng hita niya. "ah Hindi ko alam mga pangalan niyan. Mga alaga kasi iyan ni Samuel. iyung pang limang kapatid ko." sagot nito kaya napa tango na lamang siya. lumapit naman siya sa katabing kulungan. At namangha siya sa sobrang dami ng Pusa " wow ang Cute ang gaganda at ang dami nila. ilan baito lahat?" Namamangha niyang saad. Sobrang mahilig siya sa pusa kaya halos manubig ang mga mata niya dahil sa sobrang pagka mangha " Eighty. Alaga naman yan ni Mama, Mahilig sa pusa si Mama eh " sagot naman ni Stepani "ano pang ibang animals meron kayo dito?" tanong niya. "Meron kaming 8 Crocodiles mga babies 'yun ni Papa, 2 King tiger, Alaga namin dalawa ni Kuya Stepen, 50 Horses, 100 Dogs, 50 Rabbits at mga Babies ko naman po iyon, 30 kambing, 20 Baka sa labas ng rancho iyon naka kwada. 5 Snake's, 3 Elephants, 1 Lion alaga ni mama may baby narin iyon at Ducks at Chicken. Hindi ko alam kung ilan ang Duck's at Chicken sa likod ng mansyon ang mga iyon. mero rin kaming Fish pan kung saan nanduon ang ibat-ibang klase ng isda. Naka limutan kona ang iba. Meron rin alagang Wolf's si Papa pero sa kabilang gate po naka kulong ang mga iyon. Hindi naman ako gumagala sa Buong Kagubatan kung saan nilalagay ni Papa ang mga mababangis na Alaga niya." sabi ni Stepani sa kaniya na kina maang niya. Sobra siyang nalula sa daming alagang animals ng mga ito. Dinaig pa ang manila Zoo "Wow " tanging sambit na lamang niya. "Halika ate puntahan natin ang mga Rabbits ko" aya sa kaniya ni Step kaya sumunod nalang siya dito sa pag lakad. Habang nag lalakad ay bigla siyang napa hinto dahil sa kaniyang narinig. Grrrrrrrr * Napalingon siya sa kaniyang likod kaya ganun na lamang ang pamumutla niya ng makita ulit ang napaka laking tigre . 'iyung Tigre na nakita niya rin kagabi. "Tygi naka wala kana naman" rinig niyang sabi ni Stepani sa Tigre Ngunit naka tingin lamang ang malaking Tiger sa kaniya. Sa Sobrang takot niya ay mabilis siyang tumakbo. "ate! Huwag kang tumakbo!" rinig niyang sigaw ni stepani " aahhh!"malakas na tili niya habang tumatakbo at mabilis siyang napa akyat sa isang malaking Puno. Nang maka Akyat ay napa tingin siya sa ibaba kung nasaan ang malaking tigre. Panay lundag nito at pilit siyang inaabot. Duon lamang napag tanto ni Anazandra na sobrang taas pala ng punong naakyatan niya. 'luh nakaya kong akyatin ito' Gulat at hindi maka paniwalang sabi ng isipan niya. Sobrang takot ang nararamdaman niya kaya hindi na niya napigilang mapa iyak. "Huhuhu Stepani help me, Lorence!" malakas na sabi niya habang umiiyak at tinatawag ang pangalan ng lalaki "Tygi Come here" tawag ni Stepani sa Kaniyang Alaga. Mabilis naman lumapit ang Tiger sa kaniyang amo . " wait lang ate ibabalik kolang si Tygi sa kulungan niya At tatawagin kolang si Tito" paalam sa kaniya ni Stepani. "bilisan mo huhuhu I'm scared" umiiyak na sabi niya. ilang minutong pag hihintay ay napa tingin siya sa ibaba nakita niyang papalapit na sina Vanessa, Lorence at Stepani. "ANAZANDRA!" tawag sa kaniya ni Lorence "please tulungan mo ako! natatakot ako. Takot ako sa Matataas please hindi ako maka hinga" umiiyak na sabi ni Zandra. Dahilan ng lalong pag aalala ni Lorence. "kaya mobang tumalon? Sasaluhin kita" sabi sa kaniya ni Lorence "Sabing natatakot ako tapos patatalunin ko ako! Pero kapag ba nahulug ako sasaluhin mo ba ako?" maka hulugang tanong ni Zandra. 'haaayst ano ba'tong pinag sasabi ko' inis na sabi ng kaniyang isipan "oo naman sasaluhin kita" sagot sa kaniya ni Lorence na ikina Pula niya. " huwag ka munang kiligin d'yan ate. ang bilis mo kaninang umakiyat d'yan tapos ngayon dimo na kayang bumaba" natatawang sabi ni Stepani. "huhuhu diko talaga kayang bumaba" sagot niya. "tumalon kana kasi" sagot naman ni Rence. Nag cruz sign muna siya bago pumikit at hinanda ang sarili sa pag talon. "Sige bibilang ako hanggang tatlo Zandra, isa, dalawa---ahh!" sabi ni Rence, subalit hindi siya naka handa dahil nasa dalawang bilang palamang ay kaagad nang tumalon si Zandra. Kaya napa higa sa damuhan si Rence habang bumagsak naman sa ibabaw nito ang dalaga at nagka taon pang sa gitnang bahagi pa ni Lorence naka upo si Zandra. Kaya lihim siyang napa mura dahil sa sobrang sakit ng kaniyang pagka lalaki. "Ah–araaay! na–nabasag" daing ni Lorence. "ang ano?" inosenteng tugon naman ni Zandra "Ang ano ko...ang best friend ko" mahinang sagot ni Lorence habang namumula na ang mukha nito. "Huh anong Bestfriend? Sinong kaibigan mo, nasa'n?” "Tu–tumayo kana, sobrang sakit na, ka–kanina pa naiipit" namumulang sabi ni Lorence Kaya naman ay duon lamang napag tanto ni Anazandra ang posisyun nila ng lalaki. sobrang pamumula ng kaniyang mukha dahil sa pagka pahiya. "So–Sorry paki sabi rin sa Best friend mo so–Sorry rin nabaog ata kita" nahihiyang sabi niya at napayuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD