"Arrrg please naman patulugin mona ako Mr Salvi" inis na sabi ni Zandra habang naka tabon ang isang unan sa kaniyang mukha.
hindi parin maka tulog si Zanda, dahil sa kakaisip niya kay Lorence. Palaging puma pasok sa kaniyang isipan 'yung mga araw na kasama niya ang binata at iyung nangyaring mga halikan nila sa White House.
"Ano ba please naman antok. Dalawin mona ako" naiinis niyang sabi
Muli siyang napa bangon dahil pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait. Habang naka upo sa kaniyang kama ay napa tingin siya sa orasan At nanlulumo siyang napa tayo dahil 5:AM na pala ng umaga.
Wala parin siyang tulog, kahit idlip man lang ay wala. Tinungo niya ang banyo upang maligo nalang dahil pupunta pasya sa Meeting place na sinabi ng kaniyang Manager
"Good morning señorita naka handa na ho ang inyong susuotin at naka pag handa narin ho ako ng almusal niyo" naka ngiting sabi sa kaniya ni Maya. Ang kaniyang Personal maid.
"okey thanks, sila Dad at tita Nasaan sila?"
"Ah maaga ho silang umalis Señorita . Pupunta raw ho sila ng India" sagot nito
"okey thanks again" tipid niyang sagot.
Kahit kailan naman ay hindi na magawang mag sabi sa kaniyang Daddy at ang Kaniyang Step-mom, kung saan ang mga ito pupunta.
Mag mula ng mamatay ang kaniyang kini kilalang ina at mag asawa ulit ang kaniyang Daddy ay napaka dami ng nabago .
Pakiramdam niya ay mag isa lamang siya at wala ng nag mamahal sa kaniya. Maliban lang sa mga tagahanga niya.
'Ano kaya ang magiging buhay ko? kung totoong mga magulang ko ang kina lakihan ko?' tanong ng kaniyang isipan
Kahit kailan ay hindi niya manlang naramdaman ang mahalin ng isang totoong magulang
"Sino kaya ang totoo kong mga magulang? Bakit nila ako iniwan at ipina ampon?" mahina niyang sabi at napapa iling na lamang siya.
--
"Landro naipadala mona ba ang mga bulaklak para kay Anazandra?" seryosong tanong ni Zegi sa tauhan.
"Yes boss katulad ho ng utos niyo binilihan kona rin ng mga Chocolate" Sagot nito
"Good anong balita sa pinapagawa ko sa inyo Terens" baling naman ni Zegi sa kaniyang kanang kamay.
"Boss totoo nga na may relasyun na ang Señorita sa panganay ng mga Salvi Group" sagot nito.
"Sh*t!" mahinang mura ni Zegi
Alam ni Zegi na isang malaking pagkakamali kapag kinalaban niya si Lorence Salvi at hindi niya ito kayang kalabanin. Ngunit nangu-nguna parin ang pagka humaling niya sa dalaga kaya kahit sino ay kakalabanin niya at wala siyang pakealam kahit ikabagsak paniya iyon. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay ang makuha si Anazandra.
Kinuha niya ang kaniyang Phone at tinawagan ang babaeng panlipas oras niya lamang. Na satwing inaangkin niya ang katawan at labi ng babae ay si Anazandra ang kaniyang iniisip at ini-imagine na katalik sa kama.
"Hello Babe, miss me?" malanding sabi ng babaeng nasa linya
" lpumunta ka sa Condo ko" sagot ni Zegi sa kausap
"exciting, okey babe seeyaaa!" malanding sagot nito.
Hindi na siya nag salita at pinatay na kaagad ang tawag, Satwing naiisip niya si Zanda ay tina-tawagan niya kaagad si ShaSha para angkinin ito at palaging naiimagine niya ay si Zanda ang kaniyang kaniig.
Si ShaSha ay matagal ng baliw sa kaniya. At nanlilimos parin ng pag mamahal galing sa kaniya. Kaya isang tawag niya lang sa babae ay kaagad na dumarating ito para paligayahin siya. Ngunit tanging si Anazandra Baltazar lamang ang nag-iisang babaeng sobra niyang kina babaliwan.
"Magiging akin karin at walang ibang makikinabang sa'yo sweetheart kundi ako lang" mahinang sabi niya bago ngumisi ng nakaka loko.
--
"Kuya hindi kaba papasok sa opisina? " tanong ni Vanessa na kakapasok lamang ng silid.
" bukas nalang Princess, why?" mahinang tugon ni Lorence sa kaniyang pinsan.
"nothing kuya. Hmmp kamusta naman ang pagiging Agent mo? Wala kabang kasong hawak ngayon kaya nasa bahay kalang?" Naka taas ang kilay na sabi saa kaniya ng pinsan.
"meron, actually 'yan rin ang iniisip ko ngayon. Dahil. Kasama sa misyon kong ito si Zandra" sagot niya.
"huh? Bakit, anong kinalaman ng Girlfriend mo sa misyon mo?" Kunot nuong tanong ni Vanessa.
"misyon kung huliin ang kini-kilala niyang ama, dahil sa ilegal na mga gamot na ginagawa nito" sagot niya
"What? anong klaseng gamot?" ani ni Vanessa
"isang pagawan ng mga gamot ang Business ng Daddy ni Zandra At ang mga gamot na ginagawa nila ay may halong Droga na ibinibenta nila sa mga butika at kahit saang drugstore o hospital, napag alaman korin na Partner nito ang d**g leader na matagal na naming sinusu baybayan na si Zegi Pestron. Hindi namin siya mahuli kaagad dahil matinik talaga ito sa batas at wala kaming sapat na Ebedensya para huliin. Ayaw kong madamay dito si Zandra dahil napaka inosente niya at wala siyang ka alam-alam sa mga pinag gagawa ng kaniyang tinuturing na mga magulang"
"Bakit? LNasaan ang Real parents ng Girlfriend mo kuya?"
"I don't know ayaw niya rin pag usapan, Ang kwento niya lang ay inampon siya ng mga Baltazar"
" lsubukan mong alamin ang Real name ng Parents niya baka may maitutulong ako. Or kami ng mga grupo ko.. Kailangan moba ng tulong para sa kasong hawak mo?" naka ngising tanong ni Vanessa sa kaniya na ikina iling naman niya.
"no princess thanks nalang at kaya kona ito. At ayaw kong idaan pa ito sa'yo dahil alam kong sa masamang paraan mo na naman sila huhuliin at baka patayin niyo pa sila. Ako nalang ang gagawa dahil idadaan ko Sa tama at legal na paraan ang pag huli sa kanila" sagot niya.
"okey sabi ko eh, pero kuya mag sabi kalang ha" sagot nito bago siya iwan.
Napapailing na lamang siya dahil alam na niya ang tumatakbo sa isip ni Vanessa kapag nag patulong pa siya sa pinsan
Kinuha niya ang kaniyang phone at tinawagan na lamang si Zandra, naka isang ring palamang ay sumagot na kaagad ito.
"Hello Lorence, napa tawag ka?"
" emmp puwede ba tayo mag kita mamayang gabi?"
"hmmp tungkol saan at bakit?"
"pag uusapan lang natin 'yung kasunduan natin bilang Fake Boyfriend mo"
"huh?! ah... eh o-okey"
"sige susunduin kita, nasa Studio kaba ngayon?" Saad ni Rence
"Okey, sige"
"Okey I—hmmp sorry okey bye" sabi niya at pinatay na ang tawag.
'Sh*t ano 'yun? Ano 'yun mag a i love you ako? Umayos ka Lorence. Walang kayo isang fake lang ang relasyon niyo' ani ng isip ni Lorence at napapa sabunot na lamang siya sa kaniyang buhok
"Aaargh no! Mahal kopa si Jenny kaya hindi pa ako puwedeng ma in-love kay Zandra. Pero mahal kopa ngaba ang ex ko? Aaarg! ano baitong na raramdaman ko?" mahinang sabi ni Lorence. Dahil naguguluhan na siya kung para kanino ba ang pakiramdam na iyon. Kay Jenny ba o si Anazandra?