"Ms. Zandra tapos kona ayusin ang mga gamit mo" ani nang P-A niyag si Yena.
"Okey Yena. thank-you mauna kana pala dahil susunduin ako ni Lorence ngayon"
"Zandra paano 'yung mga Chocolates at Flowers na bigay ni Sir Zegi At ng mga taga hanga mo"
"Sa'yo nalang Yena at kung ayaw mo naman itapon mo" sagot niya.
"Nako puwede na tayo mag patayo ng Flowers Shop sa dami ng mga bulaklak tsaka Chocolates lang ang kukunin ko. Sayang naman kung itatapon lang" sagot nito
"Bahala kana sa mga 'yan Yena" sagot niya bago kinuha ang kaniyang Sling bag at lumabas na ng Studio
Pag labas palang niya ay siya naman ang pag dating ng sasakiyan ni Lorence. Naka ngiti siyang kumaway, hanggang sa huminto na ang sasakyan sa kaniyang harapan.
'Chooks! may pa ngiti-ngiti kana ngayon Zandra ha at may pa kaway-kaway kapang nalalaman.. Close na kayo?' Wika ng maldita niyang isip
Bumaba sa sasakyan si Lorence at madaling umikot sa kabilang Pinto upang pag buksan siya.
'Hmm Gentleman ang kuya Pogi niyo' ani ulit ng isip niya
"Thank-you" sabi ng dalaga bago pumasok nang kotse.
Ngumiti naman ang binata at ng maisarado na ang pinto ay pumasok narin ito sa Kabila
"Wait Zandra" sabi ng binata at nagulat pa si Zandra ng lumapit sa kaniya si Lorence at napa pikit siya sa sobrang lapit ng binata sa kaniya At ng Maramdaman niya ang pag dikit ng tungki ng ilong nila ay bumilis lalo ang t***k ng puso niya.
'Sh*t anong gagawin niya? Hahalikan baniya ako? Gaash! Enebe kinikilig na agad ako' tili ng malanding bahagi ng utak niya
Tik*
isang tunog ang nag pamulat kay Zandra at pag mulat niya ay ang Asul na mata ni Lorence ang kaniyang nakita. Naka titig ito sa kaniya habang pigil hininga siya at tanging t***k lamang ng puso niya ang kaniyang naririnig At ng mapa tingin ang binata sa kaniyang labi ay hindi niya mapigilang mapalunok. dahil pakimdam niya ay sobrang tuyong-tuyo na ang kaniyang lalamunan.
Ang akala niya ay hahalikan na siya ng binata ngunit ngumiti lamang ito ng nakakaloko. Kaya lihim siyang napa simangot dahil sa kahihiyan na kaniyang nadama.
"nextime 'wag mung kakalimutang mag Seatbelt" sabi ng binata at namula naman siya sa Sobrang pagka pahiya
'Ayan may pa pikit-pikit kapang nalalaman. Feeling mo naman hahalikan kaniya' wika ulit ng malditang isip niya
Habang nasa biyahe na sila ay mahabang katahimikan ang nangyari sa kanila. Huminga ng malalim si Zandra para basagin ang katahimikan. Dahil palagay niya ay mapapanisan siya ng laway
"Aheem, ummm Saan tayo pupunta at anong pag uusapan natin?" paninimula ng Dalaga.
"next Month matatapos na ang kasunduan natin. Naalala mo 'yung one Condition ko?" sagot ng binata Bigla namang kinabahan si Zandra at nalungkot rin siya dahil malapit na pala matapos ang pag papanggap nilang bilang fake couple.
Hindi niya alam kung dapat ba niya aminin sa binata na nagugustuhan na niya ito At ayaw na niyang maging Fake Girlfriend nito. Ang Gusto niya ay totohanin nalang ang tungkol sa kanila dahil mahal na niya ang binata. Oo sigurado na siya sa kaniyang sarili mahal nanga niya si Lorence Salvi
"Emm O-oo ano ngaba 'yun?" Sagot niya, gusto niya batukan ang sarili dahil sa pagka utal niya
"Mamaya sasabihin ko sa'yo. Duon na tayo sa Condo ko mag usap" sagot ng binata At napa lingon naman siya kaagad.
"sas-sa Condo mo?" Ani ni Zandra at muli na naman napa lunok. Dahil iyon ang first-time niyang maka pasok sa unit ng isang lalaki.
"don't worry wala akong gagawing masama sa'yo. Kung 'yun ang inaalala mo. Mag uusap lang tayo" sagot ng binata habang seryosong nag mamaneho. Marahil ay napansin nito ang sunod-sunod na pag lunok niya ng laway.
Nang maka rating na sila sa Salvi Village ay Nagulat siya dahil malapit lang pala sa Condo ng kaniyang kaibigan ang Condo ng Binata. Ngunit sayang lang dahil wala roon ang kaniyang kaibigan
Mabilis bumaba si Lorence para pag buksan ng Pinto ang dalaga. Nang maka-baba na ito ay hinawakan ng binata ang bewang ng dalaga bago niyayang pumasok sa Condo nito.
Ang hindi alam ng dalawa ay may isa pang sasakiyan na sumusunod sa kanila at pini- picturan sila.
"Maupo ka muna kukuha lang ako ng inumin natin, anong gusto mo Juice or ---
"beer meron ba d'yan?" putol ng dalaga sa sasabihin ni Lorence.
"Hindi pa tayo kuma-kain.. Mamaya kana uminom ng Beer. Mag hahanda muna ako ng makakain natin tapos mamaya kana uminom ng Beer" sagot ng Binata.
"wala kabang maids rito napaka laki ng Condo mo" tanong ng Dalaga habang nililinga ang tingin sa loob ng unit nito
"no, pero meron naman pumupunta dito para mag linis every week-end kasi minsan lang ako umuuwi dito. Madalas ako Sa White House" sagot ng binata.
"D'yan kana muna, mag pahinga ka muna. Mag luluto lang ako ng Dinner natin" sabi ng binata.
"tulungan na kita magalin--
"hindi na, maupo ka nalang d'yan or matulog ka. alam Kong napagod ka, Gigisingin nalang kita kapag naka luto na ako" ani ng binata at tumalikod na papuntang Kusina.
Naiwan namang naka nguso si Zandra At para malibang siya ay tumayo siya para tignan ang mga naka display sa loob.
Ang una niyang nakita ang malaking litrato ng binata na naka tayo naka suot ito ng Full Block Longsleeve at maong na pantalon na kulay itim naka halukipkip ito habang naka Sandig sa tabi ng isang mamahaling kulay itim rin na sasakiyan at napansin niya rin ang isang bagay na naka tayo sa bandang hita nito at isa iyong mahabang baril
"Baril? May baril siya?" takang tanong niya. Pagka tapos ay nakita naman niya ang litrato ng dalawang lalaking magka hakbay, Parehong naka ngiti at parehong Gwapo.
Habang tinitignan ni Zandra ang mga larawan na naka display ay naagaw ang kaniyang pansin sa isang titrato. Hinawakan niya ito at pinaka titigan.
Naka ramdam siya ng kirot at selos sa kaniyang puso ng makita ang masayang larawan ng dalawang tao. Isang magandang babaeng naka ngiti habang nasa likod nito si Lorence na naka yakap at naka ngiting naka halik sa pisngi ng babae.
Kung titignan niya ang babae ay para itong probinsyana naka simpleng T-shirt at maong na Pantalon lang, habang naka tali ang mahabang buhok nito. Hindi rin kaputihan, Morena at mukhang matangkad ang babae. Napaka simple rin dahil wala man lang itong kahit anong kolorete sa mukha kahit Lipstick ay wala. Talagang napaka natural ng ganda nito.
"Siya siguro si Jenny" sambit niya
"Oh nand'yan kalang pala. Halikana kumain na muna tayo. Naka pag luto na ako"
"Ay impakto" gulat na sabi ni Zandra ng mag salita ang binata sa kaniyang likuran.
ibinalik niya kaagad ang Larawan at tumingala muna saglit para pigilan ang pag simulang pangi-ngilid ng kaniyang luha sa kaniyang mata. Huminga muna siya ng malalim at ngumiti ng peke bago hinarap ang binata.
"okey tamang-tama gutom na ako" sabi niya habang pekeng naka ngiti.
"Tssssk napaka plastic mo ngumiti. Halikana dahil may pag uusapan patayo pagka tapos natin kumain" sabi ng binata.
Nag umpisa na silang kumain, tanging tunog lamang ng mga kubyertos at pinggan ang naririnig. Pareho silang tahimik at seryosong kumakain. Nang maka tapos ay tumayo kaagad ang dalaga para hugasan ang pinag kainan nila. Tutulong pa sana ang binata, ngunit pinigilan niya ito
" 'wag na ako na ang mag huhugas. Ikaw nanga ang nag luto e. Kaya ako naman ang mag huhugas ng mga ito" ani ng dalaga. Bago tumalikod. Wala naman nagawa si Lorence kundi ang maupo nalang at panuorin si Anazandra
Nang ma tapos ay nag pahinga sila saglit at magka tabing naupo sa mahabang sofa.
"Saan ang mga beer mo dito?" basag ni Zandra sa katahimikan nila. Tinuro naman ng binata kung saan ito at nag lakad na ang Dalaga para kumuha. Pag balik ay may dala dala na itong anim na boteng Beer.
"wala akong planong magpaka lasing bakit ganyan karami? May trabaho pa tayo bukas" ani ng binata.
"Tsssk 'wag kang KJ ngayon lang ito, oh sige na umpisahan mona. Ano ngaba 'yung pag uusapan natin?" sagot ng dalaga at nag umpisa ng uminom ng allak. Kailangan talaga niya iyon upang lumakas ang loob niyang umamin sa kaniyang tunay na nararamdaman.
"pagka tapos ng Fake Relationship natin. Gusto ko 'wag kang mag bago saakin. At gusto kong totohanin nalang natin ang tungkol saatin. Wala ng halong pag papanggap" ani ng binata, na ikina gulat ng Dalaga.
'Mukhang naunahan ata ako sa pag tatapat ah' masayang sabi ng isip ni Zandra
"ako palang itong may naiinom na alak pero bakit ikaw pa itong naunang malasing saatin. Tsssk dipa ako lasing Mr Salvi ano ba 'yang pinag sasabi mo?" pekeng ngiting sabi ni Zandra. At pinipilit na huwag ipakitang kanina paniya gustong mag titili.
"I think I Like you Zandra" sagot ng binata ngunit umiling iling ang dalaga.
"weeee? Tsssk wag monga akong binibiro ng ganyan Lorence baka totohanin ko hahaha joke. Hmm masyado ka talagang pa fall. Ikaw rin nga ang may sabing mahal mo parin ang Ex mong Si Jenny e" sagot ng dalaga at idinaan sa biro ang kaniyang pag sasalita.
"I'm serious Zandra" tiim bagang na wika ni Lorence
"talaga? Weeee sige nga halikan monga ako nang kung totoo ya----emmmp"
hindi na naituloy ng dalaga ang kaniyang sasabihin ng mabilis kabigin ng Binata ang kaniyang batok paharap at mabilis na hinalikan ang kaniyang mga labi, mapusok at mapag hanap ang halik ng binata na siya namang tinugon ni Zandra. Hanggang sa pareho na silang nadadala ng kanilang Kalasingan at kasabikan at tinutupok na sila ng init na kanilang nararamdaman, hanggang sa magka-isa ang kanilang katawan at nangyari ang hindi inaasahang mangyari sa kanilang dalawa.