“One more” lasing na sabi ni Lorence sa bartender, kasalukuyan siyang nasa bar habang nilulunod ang kaniyang sarili sa alak. “Eh, Sir sobrang dami na ho nang nainom mo. Lasing na lasing na ho kayo” tugon ng bartender at hindi alam kung bibigyan ba ng alak ang lasing na lasing na lalaki “hi–hindi pa ako lashing, sinong lashing? Pinag sasabi mo. Alam mobang ngayon lang ulit ako nasaktan after seven years. Haayst tell me ,bakit lagi nalang ako niloloko? Masama ba ako? Hindi naman ako pangit diba? Ang guwapo-guwapo konga eh” sabi ni Lorence, habang konting-konti nalang ay babagsak na siya dahil pinipilit lamang niyang mag mulat ng mata. “sige bigyan mo pa siya, ako nang bahala“ ani ng isang babae “haayst sabing hindi pa ako lashing eh, oh Ms ShaSha what are you doing here? Join me

