Kina umagahan, nagising si Lorence dahil sa masamang panaginip. Hingal na hingal siya ng mag mulat siya ng mata Nakita niya sa kaniyang panagip na may isang batang lalaki na galit na galit sa kaniya at habang naka kuyom ang mga kamao nito at nanlilisik ang mga matang naka tingin sa kaniya. “I hate you, I hate you bad ka! Sinaktan mo ang mommy ko! ” sigaw sa kaniya ng batang lalaki. Hindi na niya nagawang mag tanong pa dahil mabilis itong tumakbo palayo sa kaniya. Hinabol niya ang batang lalaki subalit humarang sa kaniya si Anazandra habang naka ngiti ito sa kaniya. Ngunit ang ipinag tataka niya ay umiiyak ito ng dugo habang naka ngiti parin sa kaniya. Gusto niyang hawakan ang magandang mukha ni Zandra at punasan ang dugong dumadaloy sa pisngi nito mula sa umiiyak nitong mga mata. Suba

