“Zandra!” muling sigaw ni Lorence sa loob ng unit niya. Subalit wala parin siyang Makitang Zandra, Pag dating pa lamang niya galing sa White house ay si Anazandra na kaagad ang hinanap ng kaniyang mata. Gusto niyang humingi ng tawad sa at kung kinakailangang mag makaawa siya at halikan ang mga paa nito para lamang patawarin siya nito At maging maayos lamang sila ay gagawin niya.. Nag umpisang kabahan na si Lorence, dahil gumagabi na ay wala parin si Zandra. Ilang oras narin siyang nag hihintay, inisip niyang baka may pinuntahan o binisita lang ang dalaga. Subalit naroon parin sa sulok ng isip niya na baka tuluyan na siyang iniwan nito. Kaya dahil sa isipin na iyon ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso niya dahil sa sobrang kaba. Nang mainip sa kakaupo ay muli siyang tumayo at kaag

