MABILIS nag sitakbuhan ang tatlong lalaki, matapos makita ng mga ito ang hawak na baril ng lalaking naka Hoody. “Hoo! Muntik na akong himatayin, grabe ang kaba ko dun” wika ni Aysha, habang naka hawak sa tapat ng dibdib nito. “Sa susunod, huwag kayong nag papagabi sa daan, lalo na't wala kayong dalang sasakyan” wika ng misteryosong lalaki pagka tapos ay tumalikod na ito “Sandali!” biglang tawag ni Zandra dahilan upang mapa hinto ang lalaki. Subalit hindi ito lumingon “Salamat” ani ni Zandra, ngunit hindi na sumagot ang lalaki at nag patuloy na ito sa pag lakad. Samantala kasalukuyang nasa underground ang mag kakapatid na sina Damon, Daniel at Fego. Naruon sila upang manuod ng live Resling, si Damon ang nag aya sa dalawa, dahil nabanggit nito na may nakita umano ito na kapareho ng

