KABANATA 17

1637 Words

SMALL CUT Ipinaupo ni Sebastian ang babae sa isang bangko at lumuhod sa paanan nito. Hindi ko gusto ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Parang binibigyan ako ng aking isipan ng maduming ideya batay sa nakikitang ayos ng dalawa.  "Dalhin ninyo ang mga gamot dito." mahinahong utos nito sa isang katiwala. Kaagad rin naman itong sumunod. Kinuha ni Sebastian ang hita ng babae ngunit iniwas iyon ng huli, wari'y ayaw nitong mahawakan sa parteng doon ng kanyang katawan. "Susuriin ko lang ang sugat mo. Maswerte ka at daplis lamang ito hindi rin masyadong malalim." muli nitong kinuha ang hita ng babae upang tingnan ang sugat nito. Hindi na pumalag pang muli ang babae at hinayaan na si Sebastian sa ginagawa nito.  "Sebastian.." kuha ko sa atensyon nito. Nilingon niya ako kaya maging ang babae ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD