SHOT Hindi nga nagpapigil si Sebastian, itinuloy nito ang paghatid sakin sa ospital. Nang handa na ang sasakyang gagamitin ay inakay ako nito palabas. Maingat na maingat ang pagkakahawak nito sakin na para bang isa akong babasaging bagay. Habang papalabas ay nadaanan naming iyong babae na nasa kinauupuan parin nito, iba na nga lang ang gumagamot rito. Pinagbuksan ako ni Sebastian ng pinto sa front seat. Napatingin ako sa kanya."Ikaw ang magdadrive?" tinanguan lamang ako nito. Halatang nagmamadali ang mga kilos niya. Nagkibit lamang ako ng balikat bago pumasok. Siniguro nya munang maayos ang pagkakakabit ng aking seatbelt bago umikot sa driver seat. Kaagad niyang binuhay ang makina at pinasibad ang kotse. "Seriously Sebastian, hindi na naman natin kailangang pumunta pa ng doktor. Hindi

