THE TRUTH "Jess!" maawtoridad na tawag ni Sebastian kay Jessica na hindi mawala-wala sakin ang matatalim na tingin. Marahil ay nakita nito ang pagkakahawak ng huli sakin. Unti-unti akong binitawan nito. Hindi ko sya matingnan ng direkta sa mga mata. "You cant fool him for a long time, Christina. Malalaman at malalaman rin niya ito." saad nitong may halong pagbabanta. Nahirapan ako sa paglunok. Natatakot akong sabihin niya kay Sebastian ang nalalaman. Alam kong dadating ang araw na malalaman niyang hindi ako ang akala niya'y ako. Pero hindi pa ako handa ngayon. I don't even have a plan yet! "Fooling him is not my plan. Please dont tell him yet. Hayaan mong ako ang magsabi sa kanya." saad ko na sa nakakunot noong si Sebastian nakatoon ang paningin. Nakita ko ang pagngisi ni Jessica mula s

