DATA Hinawakan ko ang kamay niyang dumausdos pababa sa aking dibdib. Ilang ulit akong napalunok. Kitang-kita ko ang pamamalagi ng kakaibang tingin sa kanyang mga mata. Tinging may halong pagnanasa. Tinging unti-unting pumupukaw sa natutulog kong diwa. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay ng muli itong gumalaw. Hindi yata nito nagustuhan ang ginawa kong pagpigil sa kanya kaya kaagad na nagdilim ang kanyang mga mata. "Give in to me, Christina." inilapit niya ang kanyang labi sa tenga ko at bahagya itong kinagat. Nanginig ang tuhod ko sa ginawa nito. Sh!t "S-sebastian," imbes na sawayin ito ay tono ng pag-ungol ang lumabas sa aking bibig. Pati yata ang dila ko ay tinraydor ako. Kinuha niya ang kamay kong pumipigil sa kamay niya at dinala ito sa kanyang leeg. Ipinulupot ko iyo

