PUNISHMENT "We can discuss this in private, Sebastian. Put down your gun." mahinahong saad ng Don. Hindi sinunod ni Sebastian ang sinabi ng ama. Nanatili ang baril na hawak nito sa sentido ng Don. Naningkit ang mga mata ni Sebastian at madiing nakatikom ang bibig. "Explain!" galit na sigaw nito. Bumuntong hininga ang Don at sana'y pipihit paharap kay Sebastian ngunit hindi iyon pinahintulutan ng huli. Idiniin nito ang hawak na baril sa sentido ng ama kaya walang nagawa ang Don kung kaya'y nanatili na lamang sa akin ang kanyang paningin.. "Forgive me father but if you're not going to explain, then I will be forced to kill you." puno ng pagbabantang saad ni Sebastian. Nanatiling tahimik ang buong lugar. Ni ang huni ng ibon ay hindi ko marinig. Tanging ang nakakabinging tambol ng puso ko

