THE MARK
Napanguso ako bago dahan-dahang tumango. Nakalimutan kong hindi pala basta-bastang naloloko si Sebastian, mahirap ang mapaniwala ito. Marunong syang bumasa ng isipan, hindi na iyon nakakapagtaka. Saksi ang katungkulan niya para masabi kong hindi magiging madali ang pakikipaglaban ko sa kanya, kung saka-sakali.
Ngunit may alas ako.
Ang pag-ibig nya para sakin ang gagamitin kong sandata laban sa kanya. Ang kahinaan ng puso nya pagdating sakin ang susi para maibalik kong muli ang buhay ko noon. Para muli kong mabawi ang kalayaan ko sa mga kamay niyang tila rehas kung ikulong ako.
Isang rehas na mahirap taksan. Rehas na hindi ko alam kung saan ang labasan.
"Siguraduhin mong nasa silid kalang pagdating ko, Christina. Please don't eavesdrop and sneak out again. Ayaw kong nakikita kang nanginginig sa takot. Stay in our room and wait for me. This will be quick." He whispered sensually.
Nakaharap sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan nya ng ilang beses ang noo ko at sininghot at aking buhok. Nakapikit ito habang ginagawa iyon, tila ay kumakalma. Ako naman ay hindi maialis ang mga mata sa mukha nya. Nang magmulat ito ng mata ay kaagad na nagtagpo ang paningin naming dalawa. Tipid akong ngumiti at dahan-dahang tumango. Hudyat ng pagsang-ayon ko dito.
"I'll be right back, Christina. Take care of yourself for me." malambing nitong saad.
Ngumiti ako at muling tumango. I don't know what to say anymore. Tila ba ay naubusan na ako nang mga salitang gagamitin dahil sadyang nakakawala ng utak ang asta ni Sebastian. Mga kilos nitong napakalambing pagdating sakin na kabaliktaran naman kung paano nito pakisamahan ang mga tauhan niya.
Pinauna nya ako sa pag-alis bago umikot papunta sa likod ng mansyon. Pumasok ako sa pinto ngunit kaagad ring napatigil at napatinging muli sa papalayong si Sebastian na kasama si Jessica.
Nagpakawala ako ng buntong hininga bago tuluyang pumasok at nagtuloy sa silid.
Ang malamig na temperatura ang sumalubong sakin pagkabukas ko nang pinto. Niyakap ko ang sarili at hininaan ang aircon. Pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto.
Nakuha ng salaming dingding ang aking atensyon. May mga nakapatong na picture frames dito. Dinalaw ako ng kuryusidad at nilapitan ito. Inisa-isa ko ang mga litrato at kaagad na naglaglag ang aking panga ng mamukhaan ang aking sarili sa bawat picture.
Lahat ito ay mga litrato ko sa iba't ibang anggulo. Ako na halos makita na ang gilagid sa pagtawa, nakasuot ng simpleng T-shirt at jeans, at mga iba pa na hindi ko alam kung saan at paano nito nakuhanan.
Binuksan ko ang drawer at kaagad na nanindig ang aking mga balahibo sa bumungad. Puno ito ng mga personal kong litrato. May naka underwear lang, nakatapis ng tuwalya, natutulog at mga iba pang nasa loob ng banyo habang nakatalikod. Ngunit ang pinaka-nakakakilabot sa lahat ay ang mga litrato kong nakahubad at walang saplot. Kitang-kita ang buong katawan at ang mas malala pa ay talagang nakaharap ako kaya kitang-kita ang lahat ng sa akin.
Fear flared inside me.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga litratong ito. Nangingilabot ako sa isiping mayroon akong mga litratong ganito sa kwarto ni Sebastian, na maaaring tinitingnan nya at God knows kung ano ang ginagawa nito.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Hinalughog ko ang lahat ng litrato at napangiwi sa mga close-up picture ng aking hubad na katawan. Kagat-kagat ko ang aking daliri habang sinusuri ang mga ito. Papaano niya ako nakuhanan ng litrato sa ganitong kalagayan?
Sa paghahalughog ko ay may namataan akong isang litratong naligaw ata. Isa itong maliit na tribal tattoo na nasa bandang likod ng isang babaeng nakatalikod.
Kumunot ang noo ko at tinutukan ang tattoong iyon. Tiningnan ko ang iba pang kuha nito at mas lalong kumunot ang noo sa huling picture na hawak. A sketched of me na may maliit na tribal tattoo sa likod. Napaisip ako at napahawak sa likod ko at umiling.
I don't have that tattoo.
Dali-dali kong ibinalik ang mga litrato sa drawer at umupo sa kama. Hinubad ko ang aking damit at nilapitan ang isang malaking salamin. Tiningnan ko ang aking kanang likuran kung saan nakamarka ang tattoong nasa litrato. Wala akong kahit ni katiting na marka doon kaya bakit nagkaroon ng ganun sa sketched ng larawan ko.
Ilang minuto akong binagabag ng nakita. Nasa malalim akong pag-iisip ng may biglang kumatok. That is not Sebastian, ni minsan ay hindi ito kumakatok. Isinuot kong muli ang aking damit at binuksan ang pinto na kaagad kong pinagsisihan nang makita ang panauhin.
"Ano ang ginagawa mo rito?" I asked, keeping my tone of voice low. Tumingin ako sa pulang linya na nasa aking paanan. Hindi naman siguro sya mangangahas na labagin ang batas tungkol sa pulang linya. I don't want her inside.
"Pinapunta ako ni master dito para may kausap ka. Not that I want to be here but it's an order."
Hindi na nya ako hinintay pang papasukin sya. She pushed the door, crossed the line at pumasok. Hindi ko gusto ang asta nito kaya kaagad na kumulo ang akinh dugo, ngunit wala na akong nagawa pa dahil tuluyan na itong nakapasok.
"Bakit? Nasaan ba si Sebastian? At ano ang ginagawa nya?" saad kong binigyang diin ang pangalan ni Sebastian. Umirap ito at umupo sa kama.
"Hindi mo na kailangan pang malaman ang ginagawa ni master, Christina. You're not a part of the organization kaya pribado ang usaping iyan sa iyo. Matatagalan pa si master dahil may napakaimportante syang ginagawa sa ngayon." tila nababagot na saad nya. Tumaas ang kilay ko at matalim syang tinitigan.
"I dont need you here kaya pwde ka nang umalis." diretsang saad ko. She gave a hallow laugh and raised one of her brows.
"Alam ko. Pero inutusan akong pumarito kaya iyon ang susundin ko."
"Puwes, inuutusan rin kitang umalis ngayon din. Kung natatakot kang labagin ang utos ni Sebastian ay ako na ang magpapaliwanag sa kanya. I dont want you here, so get out and leave this room."
"Hindi ako sumusunod sa mga utos pwera kay master, Christina. Hindi ikaw o sino pa man ang mag-uutos sakin sa kung ano ang gagawin ko. Wala ka sa posisyon para utusan ako kaya huwag ka ring mangarap na luluhod ako sa harapan mo. You are just—that girl." Her voice was full of sarcasm. She crossed her arms,het up and passed through me—palapit sa salaming dingding.
"That girl?" Mapakla akong tumawa ng mahimigan ang pangmamaliit nito sa huling salita. Galit ko siyang tiningnan.
Her eyes were now dark and hollow. Bigla akong napaatras.
"The marks bearer. Alam ko na alam mo na ang ibig kong sabihin, Christina. The moment you met our master five years ago, he already marked you. Kaya maswerte ka at ikaw ang itinakdang babae, ang nagtataglay ng marka dahil kung nagkataon—" sadya niyang ibinitin ang sasabihin at ilang ulit na umiling. Kakaibang kaba ang naramdaman ko. Kabang may halong takot. Wala akong natatandaan na nagkita kami ni Sebastian limang taon na ang nakakalipas—at wala akong marka.
"Ano Jess? Paano kapag wala akong marka sa katawan? What will happen?" My voice rasped with impatience. Tiningnan nya ako na wari'y sinasabing ako na yata ang pinakabobong tao sa buong mundo.
She tilted her head. Inabot ang isa sa mga larawan ko at sinuri.
"Tinatanong pa ba iyan Christina? Hindi mahilig ang master na mag-ampon ng dagdag na palamunin. Ngunit sige, ipagpalagay nga nating hindi ikaw ang babaeng iyon at kapag nagkataong ganun nga ang nagyari, malamang nasa ilalim ka na ng lupa ngayon. Cold and dead." Tinakasan ako ng kaluluwa sa narinig. Tila ay gumuho ang pader na nagpoprotekta sakin laban kay Sebastian. Na tila ba ay iniwan ako sa kwadra ng mga leong handa akong kainin ng buhay. "---but no need to worry Christina. As what I've said. Maswerte ka dahil ikaw ang babaeng iyon."
---mimi