MAX Medyo nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong si Warren ang lalaking kaharap ko ngayon. Hindi ko man makita ng maayos ang mukha niya dahil dim na masyado ang ilaw, pero kilala ko ang boses niya. Idagdag pang siya lang naman ang tumatawag sa akin ng buong pangalan ko. Nang muli niya akong halikan ay mas diniin ko ang pagkakalapat ng mga labi ko. Marahan niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya naibuka ko ang bibig ko at sinamantala niya iyon para ipasok ang dila niya at mas pailalim ang halik. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko pero nang muli niyang kagatin at hilahin ang ibabang labi ko ay gumanti ako sa kaniya pero mariin ko siyang kinagat dahilan para mapalayo siya sa akin at mabitawan niya maging ang mga kamay ko. “Max, I told you not to bite hard,” galit na saad nito at pinin

