MAX Nang matapos ako sa trabaho ko sa Gallado ay agad akong nagtungo sa lugar na sinabi sa akin ni Suzy kung saan ako magwe-waitress. Sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Nag-text siya kanina na pumayag na ang boss nila na mag-extra ako kahit isang gabi lang kaya pinapapunta na niya ako sa bar kung saan siya nagtatrabaho pagkatapos ko sa Gallado. Sumakay lang ako ng dyip at agad nang nagtungo papunta kay Suzy na nag-text na sa akin na naghihintay na raw siya sa akin. Nakita ko nga siyang nag-aabang na sa akin nang makarating ako. Mag-aalasais na ng gabi. Medyo madilim na pero dahil maraming ilaw na ang nakabukas ay maliwanag pa rin ang paligid. Nagmamadali niya akong hinila papasok sa isang backdoor at pumasok kami sa isang kwarto. May mga napatingin sa aming mga babaeng nandoon. Mar

