MAX Natawa ako sa pangalan ni Warren na sinave ko sa phone na binili niya sa akin. Galante siya pero pangit pa rin siya para sa akin. Lalo na at ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag akong tawagin sa buo kong pangalan pero ang kulit niya. Me: Anong kailangan mo? Napataas ang kilay ko dahil ang bilis niyang mag-reply. Warren Pangit: Ikaw. Me: Ano ngang kailangan mo sa akin? Minsan nakakalito rin kausap ang isang ito. Hindi ko alam kung lutang ba siya o bumabanat siya sa akin. Pero bakit naman siya babanat sa akin ng mga ganiyang linya gayong alam ko naman na alam ni Warren kung ano ang gusto ko. Hindi porke't nag-kiss kami ay iisipin niyang babae na ako. Tropa-tropa lang kaming dalawa. Mahilig lang talaga siyang mang-asar. Warren Pangit: Wala, gusto ko lang ipaalala sa iyo na

