MAX “Salamat,” saad ko nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng apartment ko. “You have a phone and load now. Baka naman pwede ka nang mag-reply,” anito kaya napalingon ako sa kaniya nang akmang baba na ako. Inaabot niya sa akin ang paper bag kung saan nakalagay ang phone na binili niya. Nagdadalawang isip pa akong tanggapin iyon dahil naalala ko na naman ang halaga noon. Binalak ko nga sanang iwan na lang sa kotse niya para kunwari ay hindi ko nakuha. Muli niyang itinaas ng kaunti sa harap ko ang bag at tumango kaya napilitan na akong kunin ito. “Salamat dito,” pasasalamat ko sa kaniya. “I will call you later,” saad niya at inilagay pa ang kamay na parang telepono sa tapat ng tenga niya kaya tumango ako sa kaniya. Kung tatawag siya mamaya o magte-text, wala na akong dahilan para

