MAX
“Anong gusto mo?” tanong ni Warren habang nakaharap kami sa isang glass cabinet kung saan may mga naka-display na mga cellphone.
Wala talaga akong gusto pero dahil nandito na ako ay naghanap ako ng pwedeng mabili. Iyong mumurahin lang at kaya ng budget ko.
Umikot ang nga mata ko para naghanap ng de-keypad lang. Sa pagkakaalam ko, nasa almost one thousand lang iyon. Kung talagang magpipilit siya na bilihan ako, ganoon na lang para pwede ko pa bayaran sa kaniya. Kapag kasi itong mga touch screen ay nanghihinayang ako sa halaga, lalo na at ilang libo rin.
“Sir, anong hanap ninyo? May mga bagong labas po kaming phone, baka magustuhan ninyo,” saad ng staff na lumapit sa amin, malaki ang ngiti nito.
“I need a phone for her. Do you have something with a big capacity that will suit her?” tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang price nang cellphone na tinuro ni Warren.
“Ito po, sir. 1Terabyte na po siya, bagong labas lang. Pwede naman po siyang installment. Home credit po kung gusto ninyo, maganda na po iyan,” pangungumbisi ng Salesman.
“Thanks. Pero babayaran ko ng buo,” sagot ni Warren pero wala naman sa boses niya na nagyayabang siya.
Tumingin ako sa presyo ng selpon. Nanlaki ang mga mata ko at kinusot ko pa ang mata ko dahil baka namali lang ako ng tingin.
P 130,990.00?
Parang gusto kong malula sa presyong nakita ko. Kahit buong buwan akong kumayod, mahihirapan akong makakuha ng ganoon kalaking halaga tapos mag-o-offer siya sa amin ng ganito kamahal na selpon?
May ginto ba iyan sa loob? Bakit sobrang mahal? Basta natitiklop iyong selpon, pero kahit na. Ang mahal pa rin.
Tumingin sa akin si Warren at mariin akong umiling sa kaniya.
“You don't like the color?” tanong niya.
Hinawakan ko siya sa braso ar marahang hinila palayo sa salesperson.
“Huwag na, umuwi na tayo. Nakita mo ba ang presyo noon? Daang libo para lang sa selpon. Okay pa naman selpon ko, gumagana pa. Saka na ako bibili kapag—”
“Don’t think about the money, I told you, I will pay,” putol niya sa sinasabi ko.
“Pero Warren, hindi birong halaga iyon. Hindi pinupulot ang pera,” giit ko sa kaniya.
Ayaw ko naman isipin niya na piniperahan ko siya. Ako ang nanghihinayang sa perang parang balewala lang sa kaniya.
“I know, but just think of it as my gift.”
“Ganoon ka ba kamahal magregalo?”
“Hindi pero ganoon ako magmahal,” nakangising sagot nito.
Bwesit na tumingin ako sa kaniya. Ang sarap niya bigwasan. Hindi sumagot ng matino.
“Iyong seryoso kasi, ’tol.”
Umiling ito.
“Nope, hindi ako nagreregalo. Ngayon pa lang, unless it's an occasion.”
“Iyon naman pala bakit—”
“One more words from you and I k
Will kiss you,” pagbabanta niya sa akin.
“Tarantado ka ba?”
“You know the answer so don't try me. Just let me buy it for you,” sagot nito.
Wala na akong nagawa nang bumalik siya sa staff at sabihing bibilihin niya iyon. Tarantado ito, baka totohanin ang banta niya. Maiskandalo pa kami dahil sa kaniya. Isang Tomboy at isang playboy naghalikan sa mall, naku, ayaw kong maging headline ng tsismis.
Napapailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya habang sinu-swipe niya ang card niya para magbayad.
Hindi ko kayang tanggapin ang phone na iyon. Hindi pa nga ako nakakahawak ng singkwenta mil na buo tapos ang magiging selpon ay mahigit isang daang libo?
Kung para sa kaniya barya lang ang halagang iyon, sa gaya ko na mahirap ay napakalaki na noon, lalo na at hindi madaling kitain ang pera.
Nang makalabas kami at inaabot niya sa akin ang paper bag kung saan nakalagay ang phone na binili niya ay napatingin na lang ako doon. Hindi ko iyon magawang tanggapin dahil alam ko kung magkano ang halaga noon. Siguro kahit mumurahin pa iyon, hindi ko pa rin matatanggap dahil hindi naman ako iyong tipo ng tao na mahilig sa hingi.
Kinuha niya ang kamay ko at iinabig sa pulso ko ang bag.
“Don’t hesitate to accept it. Isipin mo na lang na regalo ko iyan dahil mabait kang estudyante,” nakangiting saad niya sa akin.
Sumama naman ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Kunti na lang talaga, masasapak ko na siya.
“Warren, masyado itong mahal. Paano kita mababayaran dito?” problemadong tanong ko sa kaniya.
Tumaas ang kilay nito.
“Hindi ko naman pinababayaran sa iyo. Kasi kapag may hiniling akong kapalit alam ko naman na hindi mo maibibigay,” makahulugang tanong nito kaya nagtatakang napatingin ako sa kaniya.
“Sabihin mo. Malay mo kaya ko pala,” pamimilit ko sa kaniya para naman hindi ako ma-stress na ang mahal ng binibigay niya sa akin tapos walang kapalit kahit ano.
Hindi naman ako gold digger.
Umiling ito.
“Saka ko na sasabihin,” nakangiting sagot nito. “Gutom ka na ba? Kumain na muna tayo bago ka umuwi.” Nauna na itong maglakad kaya napasunod ako sa kaniya.
Napatingin pa ako sa paper bag na dala ko. Hindi ko alam kung paano ko gagamitin ang bagay na ito. Parang nakakatakot at baka magasgasan ko ang mahal pa naman.
Huminto kami sa isang restaurant at nakikita ko ang nga menu sa nakatindig na poster sa may labas ng kainan. Parang ang mahal kaya hinila ko siyang muli palabas.
“Huwag diyan, ang mahal. Bakit ba ang hilig mo sa mahal?” reklamo ko sa kaniya at tumingin sa paligid para maghanap ng murang makakainan.
“Kinahihiligan na rin nga kita.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Huwag mo akong banatan. Hindi tayo talo, kahit binigyan mo ako nitong selpon, masasapak kita,” pagbabanta ko sa kaniya.
“Pakiramdam ko, mabibilang din ako sa association nina Winston balang araw,” naiiling na saad nito habang nakangiti.
Hindi ko naman alam ang sinasabi niya dahil hindi ko naman alam ang association nina Bossing na tinutukoy niya.
Pumasok kami sa isang fast food. Mas mabuting dito na lang kami kumain. Nagtitipid nga ako, kung umuwi ako. Baka wala pang bente ang gastos ko dahil maaaring itlog lang ang ulam ko pero gusto ko siyang ilibre ngayon bilang pasasalamat.
“Anong gusto mo?” tanong ko sa kaniya habang nakapila kami dahil may tao pa sa unahan namin na umoorder.
Nasa likuran ko siya habang nakapila kami.
“Ikaw.”
“Anong ako? Ikaw tinatanong ko.”
“Tinatanong mo ako kung ano gusto ko. Ikaw... I mean ikaw na ang bahalang pumili.”
“Kumakain ka ba sa ganito?” biglang naitanong ko.
Baka mamaya hinila ko siya pero hindi naman siya kumakain sa mga ganitong lugar.
“Oo, hindi naman ako maarte. Kahit ikaw kakain ko kung gusto mo,” pabulong na saad nito sa huling sinabi sa likod ng tainga ko.
“Cannibal ka bang gago ka?”
Natawa ito sa sinabi ko.
“Ikaw pagong ka ba?” ganting tanong niya.
Lumingon ako sa kaniya pero bahagya akong napaatras dahil muntik nang magtama ang mukha namin. Nakayuko kasi siya kaya magkapantay ang mukha namin.
“Kayo na ang oorder. Huwag na kayong maglandian sa pila,” biglang saad ng matandang kasunod namin kaya agad naman akong lumapit sa cashier para sabihin ang order ko.
Nakita ko pa ang malaking pagngisi ni Warren. Hindi kami naglalandian, malisyosa naman masyado ang matandang iyon.
“Hi, ma’am? What is your order?” nakangiting saad cashier.
Sinabi ko sa kaniya ang order namin. Ako na rin ang pumili para kay Warren. Chaofan sa akin at Lauriat sa kaniya, tapos ice tea lang ang inumin namin. Sinamahan ko rin iyong kaniya ng wanton noodles.
Maraming tao kaya naghanap pa kami nang mauupuan namin.
Nakasunod lang siya sa akin hanggang sa makahanap kami ng isang table na may dalawang upuan na magkaharap.
Mukhang hindi siya sanay kumain sa ganitong lugar pero dati naman noon sa lugar namin. Sanay naman siyang makibagay, nagmemeryenda nga siya dati kasama ang mga tambay sa probinsya namin.
“Hindi ka ba busy ngayon?” tanong ko sa kaniya.
Parang nakakaabala na akong masyado sa kaniya.
“Hindi naman.”
Nagdududang tumingin ako sa kaniya pero nginitian lang niya ako. Kung normal na babae siguro ako gaya ng iba baka kinilig na ako sa ngiti niya. Ngiting playboy para bang sanay na sanay na siya kung paano paiibigin ang mga babae sa paligid niya.
“Don't stare, Max. Baka ma-in love ka sa akin.”
Asar na tumingin ako sa kaniya.
“'Lol, anong akala mo sa akin baliw?”
“Hindi naman pero okay lang na mabaliw ka sa akin. Hindi naman kita masisi,” mayabang na sagot nito.
Matindi talaga kahambugan nito.
“Hindi tayo talo. Babae din gusto ko,” sagot ko sa kaniya.
Nawala ang ngiti sa mga labi nito. Naging seryoso ang mukha nito.
Hindi na rin ito umimik hanggang sa dumating ang pagkain namin. Tahimik lang itong kumakain. Bigla yatang nagkasumpong kaya hinayaan ko na lang siya.
“Galit ka?” tanong ko sa kaniya nang malapit na kami matapos kumain.
Hindi na kasi ako makatiis na tanungin siya.
“Hindi. Kailan ba ako nagalit sa iyo?”
“Bakit bigla kang tumahimik?”
“Nag-iisip ako ng plano,” nakangising sagot nito. “Plano kung paano ko makukuha ang babaeng gusto ko.”
Nagulat ako sa sagot niya. May babaeng gusto na siya?
“Good luck.”
Natawa ito. Pinagtitripan yata ako ng gago.
Bakit ba ako naniniwala sa kaniya? Mukha pa lang niya halatang hindi makuntento sa isang babae. Kaya impossibleng may nagugustuhan na siya.
“Ibig kong sabihin Good luck sa kaniya, malas naman niya,” bawi ko sa sinabi ko.
“Bakit naman? Gwapo naman ako, mayaman, daks din ako!” malakas ang boses na saad nito.
Parang gusto kong bumuka ang sahig ang lamunin ako para mawala ako sa kinauupuan ko ngayon. Sa lakas ng boses niya may nakarinig sa sinabi niya at mga nakatingin ang mga ito sa amin ngayon. Napayuko ako para itago ang mukha ko.
“Bakit nakayuko ka?” nagtatakang tanong niya.
Nagtaka pa talaga.
“Ang lakas ng boses mo, gago. Nakakahiya ka,” asar na sagot ko at mabilis na tumayo.
Tapos namanna kami parehong kumain.
Mabilis naman siyang sumunod sa akin.
“Ano namang nakakahiya sa ginawa ko?” inosenteng tanong nito habang nakasunod sa akin.
“Tama bang ipagsigawan mo iyon?”
“Nagsasabi naman ako ng totoo. Kahit tingnan mo pa mamaya,” sagot nito.
Mabilis akong naglakad. Masasapak ko na talaga siya.
Anong akala niya sa akin, gustong makita iyon? Baliw ba siya?
Kahit ipabala ako sa kanyon, hindi ko nanaising makita iyon.
Nang makasakay na ulit kami sa kotse ay napatingin ako sa kaniya nang mapansin kong nakatitig siya sa akin at hindi pinapaandar ang kotse.
“Asar ka na naman?”
“Dapat ba akong matuwa sa'yo?”
“Huwag kang maasar palagi sa akin, Pricess Hannah Mae. Kasi sabi nila, the more you hate, the more you love,” malaking ngising saad nito bago pinaandar ang sasakyan.
Piningot ko ang ilong ko para pigilan ang asar ko sa kaniya. Una tinawag niya na naman ako sa buong pangalan ko, pangalawa, kung ano-ano na namang kabalbalan ang sinasabi niya.
“Isang tawag mo pa sa pangalan ko ng buo, bubugbugin na kita,” pagbabanta ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin pero muling tumingin sa unahan.
“Ayaw mo ba sa pangalan mo?”
“Mukha bang gusto ko?”
Napapangitan ako sa pangalan ko. Ang haba-haba na pambabae pang masyado.
“Cute nga, e.”
Nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Natawa naman ito nang makita ang asar na mukha ko.
“Pero mas cute ka kapag umuusok ang ilong mo,” dagdag niya.
“Ako cute? Gwapo ako, mas gwapo sa'yo,” mayabang na saad ko.
“Kaya pala nababakla ako sa’yo.”
Napanganga ako sa sinabi niya at humalakhak naman ito.
Pinagtitripan ako ng bugok na ito.