MAX “Salamat,” saad ko kay Joseph bago ako bumaba sa kotse niya. Matamis na ngumiti siya sa akin. Sinundo niya ako sa trabaho kahit na sinabi ko naman sa kaniya na magko-commute na ako. Binuksan ko ang pinto para bumaba na sana ako nang pigilan niya ako kaya muli akong napalingon sa kaniya. “Pwede ka ba sa linggo?” “Sorry, pwede hindi siya pwede. May date kami,” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Suzy na nasa gilid ko na. Hindi ko namalayan na nakalapit siya. Nakayuko siya ngayon habang nakatingin kay Joseph. “Date?” kunot-noong tanong ni Joseph. “Oo, date. Sure naman ako alam mo ang ibig sabihin noon,” pagtataray ni Suzy at hinila ako palabas ng kotse. “Salamat sa paghahatid mo kay Max, pero sorry ka. Taken na s’ya,” pahabol ni Suzy at akala mo talaga ay nagseselos ku

