bc

HARD FOR ME (TAGLISH)

book_age18+
371
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
revenge
possessive
family
playboy
independent
humorous
straight
engineer
fast and rough
like
intro-logo
Blurb

[R-18]

Cahira Bermudez is a type of woman who never gives up. She's willing to do anything to gain her family's trust and support as she battles her Civil Engineering career. Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Ang pagkakamaling hindi niya sinadya ang naging puno't dulo ng lahat.

Nagtungo siya sa Salvacion Norte para kausapin nang personal ang taong makapagbi-bigay ng isa pang pagkakataon sa kaniya. Ito na lang ang pag-asa niya. Nagtagumpay siyang maka-usap si Governor Max Serrano ngunit hindi niya nakuha ang pinakainaasam-asam. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makuha iyon. Kahit anong klaseng paraan pa 'yan ay gagawin niya.

WARNING! ⚠: THIS STORY MAY CONTAIN SCENES MAY NOT SUITABLE FOR YOUNG AGES.

ALL RIGHTS RESERVED 2020

©velenexia_06(DC Reigns)

chap-preview
Free preview
Chapter One
TUMIGIL si Cahira sa malaki at malawak na kapitolyo. This is it. Apat na oras din ang ibiniyahe niya sakay ng eroplano mula Manila hanggang dito sa lalawigan ng Salvacion Norte. Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Halos abala ang mga tao sa loob. Dalawang araw na lang kasi ay eleksiyon na. Pinagha-handaan siguro ng mga ito ang paparating na botohan. “Anya ti masapol yo, ma’am?” Pukaw ng guwardiyang lumapit sa kanya. Nagtatakang hinarap niya ito. “Ano po?” “Ano po ang kailangan niyo, ma’am?” Ulit nito, marahil iyon ang ibig sabihin kanina. Nginitian niya ito. “Nasa opisina po ba ang Governor? Kakausapin ko po sana siya kung puwede.” “Naku, ma’am! Wala po si Gov. Max pero nasa opisina pa yata si Ma’am Malou,” magaang sagot nito. Napangiwi siya. Mukhang wrong timing ang dating niya. “Sino po si Ma’am Malou?” Napakunot-noo ang guwardiya. “Ang secretarya po ni Governor. Saang bayan po kayo ng Salvacion Norte galing?” “Hindi po ako taga rito, Manong. But I badly need to talk to the Governor.” Natawa ang kausap. Ano’ng nakakatawa? Nagmumukha ba siyang clown? Baliw na yata ito. “Isa po ba kayo sa mga babae ni Gov. Max?” kuryosong tanong ulit nito habang titig na titig sa kaniya. Napasinghap siya. Ano’ng pinagsasabi nito? Oo, babae siya pero hindi babae ng Gobernador. “Ho? Hindi po,” mariing tanggi niya. “Talaga ba? Hindi ako naniniwala dahil ganyang-ganyan ang mga tipo niya,” sabi pa nito at hinagod siya ng tingin. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Hindi sa judgemental siya pero parang kakaiba ang paraan ng pagtitig sa kaniya ng guwardiya. Kung makapagsalita rin tungkol sa gobernador ay parang naninira ang dating sa kaniya. “Ah, salamat na lang po. Nasaan po ang office ng Governor?” “Sa second floor, ma’am. Kaliwang bahagi.” “Salamat po ulit.” Agad siyang tumalikod at iniwan ang guwardiya. Nang maka-akyat sa ikalawang palapag ay hinanap niya ang opisina ni Governor Serrano. Malawak na napangiti si Cahira nang makita ang pinto kung saan nakasulat ang office of the governor at ang buong pangalan nito. Marahan siyang kumatok ngunit walang tugon mula sa loob. Napatingin siya sa kaliwang bahagi ng pader. Isang bond paper ang nakadikit doon kung saan may naka-print na ‘press the buzzer’ at arrow na itinuturo ang buzzer sa itaas na parte. Pinindot niya iyon at itinapat ang tainga sa pinto. Narinig niya ang boses ng isang babae at pinapa-pasok siya. Walang atubiling pinihit niya ang seradura at pumasok sa loob. “Ano po ang kailangan nila?” bungad na tanong sa kaniya ng middle age na babae. Tumikhim siya at diretsong nagtanong. “Kayo po ba si Ma’am Malou? Nasaan po si Governor?” Napataas ito ng kilay. Bakit? May mali ba sa tanong niya? “Oo, ako nga. Bakit mo hinahanap si Gov. Max? Are you one of his unknown women?” Nagsalubong ang kaniyang mga kilay na ilang minuto niyang ginuhitan. Teka lang! Ang guwardiya sa ibaba ay ganito rin ang tanong kanina. Ngayon nga lang niya makikilala ang governor ng mga ito kung papalarin siya. Tapos babae siya nito agad? Iba rin! “No, ma’am. I’m here to talk to him about the job— basta mahalaga po ang pakay ko.” Hindi niya itinuloy ang sasabihin baka mas hindi nito sabihin kung nasaan ang gobernador. “Really? Saan kayo nagka-kilala ni Gov? Gaano kahalaga ang pakay mo, miss?” hindi naniniwalang tanong pa nito. “Ha? Hindi ko po kilala ng personal ang Gobernador. Between life and death po ang pakay ko. So, please tell me where is the Governor, ma’am,” she begged. Nakatingin lang ito sa kaniya na parang sinisigurado kung totoo ba ang sinasabi niya. “I’m sorry but the Governor is not here. If you want, you can come back early tomorrow, miss.” “Please, just tell me where he is, ma’am. Pupuntahan ko na lang po siya,” pilit niya pa rito. Hindi na siya pinansin at parang nainis na rin sa kaniya. Tumayo ito at iniligpit ang ginagawa. Naalarma siya. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan ito sa ginagawa. “Please, set me an appointment today kahit po sa pinakahuli. Promise, I will not bother you anymore if you do so.” Itinaas niya pa ang kanang kamay na nanunumpa saka ito matamis na nginitian. Napapikit naman ito nang mariin at humugot ng hininga, nawawalan na yata ito ng pasensiya sa kaniya. “Nagsulping met daytoy nga babaen,” bulong naman nito. “Ha? Ano po ‘yon? Please, Ma’am Malou. Ang ganda niyo pa naman po sa red color na buhok. Bagay na bagay po sa inyo,” gatong niya pa, nagbaba-sakaling lumusot. “Miss, marami akong ginagawa at hindi basta-basta sinasabi sa iba kung nasaan si Governor kaya bumalik ka na lang bukas.” “Sige na po kahit thirty minutes lang.” “No, miss. You can leave now,” matigas pa ring tanggi nito. Ang hirap naman nitong pakiusapan. Mamumuti muna yata ang mga mata niya bago siya pagbigyan. “Sige po. Maraming salamat. Aalis na ako,” bagsak ang mga balikat na paalam niya at tinungo ang pinto. Pinihit niya ang seradura at binuksan ang pinto bago muling humarap sa ginang. “Talaga po bang hindi puwede? Sige na, ma’am. Isingit niyo na po ako sa schedule niya ngayon. Sa kaniya nakasalalay ang lahat sa akin.” Sinadya niyang pagaralgarin ang boses para kunwari maiiyak na siya. Nagbabasakaling maawa ito sa kaniya. “Sigurado ka bang hindi ka naging girlfriend ni Gov? Kung naghahabol ka, pasensiya pero hindi ko sasabihin kung nasaan siya. Kung ayaw nang magpakita sa ‘yo, huwag mo nang ipilit pa. Let go, miss.” Siya naman yata ang nawalan ng pasensiya sa maling akala nito. Oo, naghahabol siya pero hindi relasyon ang habol niya. At isa pa, never pa niyang na-meet ang gobernador ng mga ito. Lakas maka-maling hinala ang mga tao rito, ah! Napa-ikot ng mga mata si Cahira. “Hindi nga po, ‘di ba? Hindi ko pa nga nakasalubong ni sa panaginip ko si Gov. Serrano tapos naging girlfriend agad? Lakas din po ng tama niyo pati na hugot. Broken po ba kayo?” Nawalan ng emosyon ang mukha nito. Okay, she’s out of here. “Thanks again. Bye!” Dali-dali siyang lumabas. Inismiran niya ang nakasarang pinto. Lugong-lugo siyang lumabas ng kapitolyo. Sobrang pinaghandaan pa naman niya ito, bihis na bihis siya. Sayang ang pustura niya. Cahira stands with composure then looked at the capitol with a smile. “Wait for me Governor. I will get a chance to talk to you,” she swears before leaving and assuring that one of these days, she can meet him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
357.1K
bc

Reckless Hearts

read
257.2K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
827.8K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
440.3K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
535.2K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook