bc

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis

book_age16+
529
FOLLOW
1.6K
READ
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

He always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka.

Kung puwede lang mamili ng mamahalin, siguradong sa umpisa pa lang ay inekisan na ni Genna sa listahan ang pangalan ng best friend niyang si Melvin. Paano, pangalawa si Melvin sa pinakamalanding lalaking nakilala niya. Okay lang sana kung pati siya ay nilalandi nito. Pero hindi. Kahit nga noong nakita siya ni Melvin na nasa kalagitnaan ng pagbibihis ay wala pa ring reaksiyon ang impakto.

Tanggap na ni Genna na hindi siya kayang tingnan ni Melvin bilang babae na puwede nitong mahalin at seryosuhin. Pero mula nang bumalik ang isang multo sa kanyang nakaraan, lalong naging malapit sa kanya si Melvin. He even promised to protect her under the blue moon, with fireflies around them, which only made her fall for him harder. Kasabay ng pagkakatuklas nila sa misteryosong bulaklak ng Artemis nang gabing iyon ay ang pagkakaroon niya ng maluwag na kalooban sa pagtanggap na tamang lalaki ang kanyang minahal.

Ngunit pagkatapos magtapat ni Genna ng pag-ibig kay Melvin ay bigla itong naglaho. Umakyat sa bundok ang walanghiya para takasan siya!

chap-preview
Free preview
1st Chapter: Melvin and Seigo
Twelve years ago... TUMATAGAKTAK na ang pawis ni Genna dahil kanina pa siya nagdidilig ng halaman sa Math Garden ng Armstrong Academy. Hardin iyon na hugis-parisukat, at mababa lamang ang bakal na gate sa paligid. Puno ang hardin ng iba't ibang halamang nakapaso. Pero ang pinakanakakaaliw roon ay ang dalawang stone benches at stone tables na may disenyo ng iba't ibang numero, at sa pagitan naman ng mga iyon ay ang mesa na may nakaguhit na chess board. "This is so stupid," komento ng kanyang best friend na si Charly. Nilingon niya ito. "Well, Charly, we can't do anything about it." Katulad niya ay nakaputing T-shirt din si Charly na may simbolo ng Armstrong Academy sa bandang dibdib—half-moon na napapatungan ng initials na AA na pula ang disenyo. Ang kapareha ng T-shirt ay dark gray jogging pants na may nakasulat na "Armstrong" pababa sa kanang binti. Bumuga ng hangin si Charly. "Utos nina Kuya na pangalagaan natin ang mga garden nila. Our upperclassmen are bullying us." Natawa nang marahan si Genna. Ang tinutukoy ni Charly na "upperclassmen" ay ang Kuya Eclipse nito, ang Ate Slenna ni Sley, ang Kuya Cream na pinsan ni Crey, at si Seigo na matalik niyang kaibigan. Mas matanda nang tatlong taon ang mga iyon sa kanila. Eclipse, Slenna, Cream, and Seigo were Armstrong Academy's embodiment of power, beauty, wealth, and intelligence and they were labelled as the "A4." Bilang "pagkilala" sa posisyon ay nagpatayo ang apat ng kani-kanilang garden. Eclipse owned the English Garden and the Filipino Garden. Slenna owned Science Garden. Samantalang kay Cream naman ang Math Garden. At gusto ng "upperclassmen" na silang magkakaibigan ang magpatuloy niyon dahil sila ang top students ng AA at bilang mga kamag-anak na rin. It was like a political dynasty. And no one had the guts to question it since she and her friends came from the most prominent families. Especially Crey Arman Valerio and Primo Velaroso—who were the "boss" and the "lord" respectively. Speaking of Crey... Tinapunan ni Genna ng masamang tingin si Crey na prenteng nakaupo lang sa bench habang nagbabasa ng libro samantalang siya ay nagpapakahirap sa pagdidilig. Naka-shades pa ang mokong at fresh na fresh ang itsura. Hindi tulad nila na nanlilimahid na. "Boss Crey, baka naman gusto mo kaming tulungan?" "Boss" ang tawag nila kay Crey dahil ito ang madalas na tagaprotekta kapag may umaaway sa kanila noong nasa elementarya sila. It was like their term of endearment for him. "Kapag nagdilig din ako, baka malunod ang mga halaman," bale-walang sagot ni Crey. She gritted her teeth. Naiinis talaga siya kay Crey dahil sa kaarogantehan nito! "Genna!" Alam niyang may tumawag sa kanya pero hindi niya pinansin. Kinuha kasi niya ang water hose na nasa gilid ng garden. Upang makaganti kahit paano, inihanda niya ang water hose na hawak niya at itinapat kay Crey. Pero nang buksan niya ang hose ay may malaking bulto ang bigla na lang humarang sa harap niya—at iyon ang natamaan ng tubig. "Hey, what are you doing?!" reklamo ni Melvin habang isinasangga ang mga braso sa mukha. Dali-dali naman niyang iniiwas ang water hose. "Melvin! Ano ba kasi'ng ginagawa mo at bigla ka na lang humaharang diyan?" "Kanina pa 'ko nandito, hindi mo lang pinapansin," katwiran ni Melvin, saka bumuga ng hangin nang tumingin sa suot na basang-basang uniporme. "Tingnan mo ang ginawa mo sa kaguwapuhan ko." "Sorry na. Magpalit ka na lang ng uniporme," pang-aalo niya. Tinitigan siya ni Melvin. And as he stared at her, his chinky eyes suddenly changed. Naging napakalungkot din ng guwapong mukha. Tila ba nagkaroon din ito ng imaginary dog ears na nakabagsak at buntot na kumakawag-kawag. "Genna..." tawag nito sa nagpapaawang boses. Napalunok siya. There he goes again with his puppy dog eyes! "A-ano na naman ang kailangan mo sa 'kin, Melvin?" Ibinuka nito ang mga braso. "Hug me." Sasagot sana siya nang pabalang nang sumulpot sa likuran ni Melvin ang malaking pigura ni Seigo na naka-casual clothes dahil college student na ito. Binatukan ni Seigo si Melvin. "Perv." Kunot-noong nilingon ni Melvin si Seigo. "No, I'm not!" Humalukipkip si Seigo at dahil mas matangkad, pababa ang tingin nito kay Melvin. "Yes, you are. Sinong lalaki ba ang manghihingi ng yakap sa hindi naman niya nobya? Ikaw lang 'yon, you shameless perv." "I just know how to appreciate girls! For the nth time, I'm not a p*****t!" Tumawa ang mga dumaraang estudyante na nakarinig kay Melvin, na lalo nitong ikinareklamo kay Seigo. Napangiti si Genna habang pinapanood ang dalawa na magtalo. Magkasundo talaga sina Melvin at Seigo. At kung titingnang mabuti, mapapansing may hawig ang dalawa. Pareho kasing singkit ang mga mata, pareho ang tabas ng mukha, at halos pareho ring matatangos ang ilong. Nagkaiba lang ang kulay ng buhok. Melvin had jet-black hair, while Seigo's hair was light brown. Maybe they looked alike because both of them had Chinese blood. Sampung taong gulang siya at labintatlo naman si Seigo nang makilala niya. Alam niyang may dugo itong Chinese subalit bukod doon ay wala na siyang alam sa pamilyang nang-abandona noon kay Seigo. She only met Melvin last year, na kaka-transfer lang sa Armstrong, pero naging bahagi na agad ng grupo dahil si Seigo mismo ang nagpakilala kay Melvin sa kanila. Hmm? Ano nga kaya ang koneksiyon nina Melvin at Seigo sa isa't isa? Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Genna nang magtago si Melvin sa likuran niya at bigla na lang siyang yakapin mula roon. Naramdaman niya ang pagrigodon ng kanyang puso kasabay ng pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. "Genna, inaaway na naman ako ni Seigo!" sumbong ni Melvin na parang isang bata. Tiningnan niya si Seigo, saka sumimangot upang pigilan ang nagbabadya niyang pagngiti dahil sa pagkakayakap ni Melvin sa kanya. "Seigo, tigilan mo na nga si Melvin." Nagtaas ng kilay si Seigo. "Kinukunsinti mo kasi ang lalaking 'yan kaya hanggang ngayon ay isip-ipis pa rin 'yan." "Hey!" reklamo ni Melvin. "Hey-in mong mukha mo." Lumapit si Seigo at hinila si Melvin upang mailayo sa kanya. Pagkatapos ay in-arm lock ang leeg ni Melvin. "And why do you act as if you're close to Genna anyway?" Dumako ang tingin ni Melvin sa kanya. Lalo yatang nagwala ang puso niya habang hinihintay ang isasagot nito sa tanong ni Seigo sa kanya. Totoo kasing sa kanya lang umaarte si Melvin nang ganoon kalapit. Biglang ngumisi si Melvin. "Because Genna reminds me of my mom." Naramdaman niya ang pagkalaglag ng kanyang puso kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga balikat. Walanghiyang lalaki 'to! Pinakawalan ni Seigo si Melvin para lang batukan. "Stupid." "Aray! Nakakarami ka na, ha!" reklamo ni Melvin. "Tumigil na nga kayong dalawa," saway ni Genna. "You three get along really well." Narinig niyang komento ni Crey. Ipinaikot ni Genna ang mga mata. "Does this look like fun to you? They're making me look like a mother of two!" Napangiti lang si Crey. "Aw. I didn't mean it that way, Gen," malambing na wika ni Melvin, saka siya inakbayan. "Sorry na, ha? Ah, alam ko na! Let's go out!" Lalong kumabog ang puso ni Genna. Melvin was asking her out on a date! Nakangising nilingon ni Melvin sina Charly. "Let's all go out tonight. May nakita akong perya malapit dito sa Armtsrong. I'm sure mag-e-enjoy tayong lahat do'n!" Nadismaya si Genna. Kung ganoon pala, lahat sila ay niyayaya ni Melvin. She thought he was asking her out on a date. "Perya? As in amusement park?" tanong ni Crey. Melvin placed his hands at the back of his head. "Sort of. Pero mas maliit ang perya compared to the big amusement parks like Enchanted Kingdom or Disneyland. It's for commoners." Tiningnan uli siya ni Melvin. "Punta tayo, Gen?" Bago pa makasagot si Genna ay inakbayan na siya ni Seigo. "No, we're not coming. Malapit na ang finals kaya kailangan kong i-tutor si Genna." Napasinghap siya. Ngayon lang niya naalalang may study session nga pala sila ni Seigo. At hindi niya iyon puwedeng tanggihan. Isa pa, pagkatapos ng pagkadismaya niya, alam niyang hindi rin siya mag-e-enjoy kasama si Melvin kaya mabuti nang umiwas siya. "You surely have lots of time lately, huh, Seigo?" nakangising tanong ni Charly. "Hindi na rin yata kayo lumalabas ng girlfriend mo ngayon. Hiwalay na ba kayo?" "Shut up, Charly," angil ni Seigo. "Hindi nakakatawa ang pinagdaraanan namin ngayon." Natahimik silang lahat. Seigo suddenly turned serious, and somewhat sad. It was rare for a nineteen-year old handsome boy to be hurt over a girl. Kadalasan sa mga tulad ni Seigo na guwapo at mayaman ay hindi pa nagseseryoso sa isang babae. But he was different. Ang suwerte ng girlfriend ni Seigo. "Err—I apologize for being insensitive, Seigo," wika ni Charly sa sinserong boses. Napansin marahil na malaki ang problema ni Seigo at hindi dapat iyon gawing katatawanan. Nagkibit-balikat si Seigo. "It's okay." "Seigo, do you love your girl that much?" nagtatakang tanong ni Melvin. Isang taon pa lang kasi ito sa grupo kaya wala pang gaanong alam sa buhay nila. Tiningnan ni Genna si Seigo, saka siya kumapit sa braso ng binata. Mukhang wala itong balak sumagot kaya siya na ang nagsalita para hindi mapahiya si Melvin. "Yes. Seigo really loves his girlfriend. In fact, they've been together for three years now." "Oh." "Tama na nga ang kuwentuhan. Melvin, kailangan mo pang linisin ang Botanical Garden," utos ni Seigo. Melvin groaned. "Argh! Right!" Dito kasi inatas ni Seigo ang paglilinis ng Botanical Garden. Nagulat si Genna nang biglang kumapit sa kabilang braso niya si Melvin. "Gen, samahan mo 'ko, ha?" paglalambing pa sa kanya. "Genna's coming with me," mariing wika naman ni Seigo, saka siya hinila. Pero dahil nakakapit pa rin sa kanya si Melvin, pati ito ay natangay ni Seigo. Narinig niyang nagtawanan ang mga kaibigan nila. Pero dahil dalawang matatangkad na lalaki ang nakakapit sa magkabila niyang braso, hindi na niya nagawang lingunin ang mga kaibigan at natawa na lang din siya. Nakaangkla ang mga braso ni Genna kina Seigo at Melvin hanggang sa makarating sila sa Botanical Garden. This was the biggest garden in Armstrong Academy. Mas maraming mga mesa at bench ang nagkalat doon, at mas marami ding naggagandahang halaman. Ang pinakamagandang parte ng garden ay ang maliit na water fountain sa gitna. Sa gabi ay napapalamutian iyon ng makukulay na ilaw sa paligid, kaya maraming estudyante ang tumatambay roon pagdating ng ala-sais hanggang alas-otso ng gabi. "Ah! Nag-iwan na naman sila ng kalat!" reklamo ni Melvin nang makita ang nagkalat ng Styrofoam na marahil ay pinagkainan ng mga estudyanteng naroon kanina. Dumukot si Melvin sa bulsa ng itim na plastic bag na parati nitong dala mula nang ma-assign ito na maging tagapangalaga ng Botanical Garden. Napangiti si Genna. "Mukhang minahal na rin ni Melvin ang pag-aalalaga rito sa Botanical Garden." "Dapat lang," sagot ni Seigo. Tiningnan niya si Seigo na nakahalukipkip. Lalo siyang napangiti. "I know how much you love this garden. Kaya pangako, iingatan ko rin ito." He turned to her. His gaze grew warm as he touched her cheek. "Thank you, Genna." "You're always welcome, Seigo," nakangiting sagot niya. Nang mamatay ang nakatatanda niyang kapatid noong anim na taong gulang siya dahil sa isang sunog, si Seigo na ang pumuno sa puwesto ng kuya niya. Mas matanda si Seigo sa kanya nang tatlong taon. Mula nang magkaisip siya ay kasama na niya ang binata. May iba rin siyang kaibigan sa Luna Ville pero kay Seigo siya pinakamalapit. Ganoon din ito sa kanya. Siya lang din ang nakakaalam ng sekreto ni Seigo. And she had vowed to protect his secret with her life. At dahil sa natuklasan niyang iyon, tila ba lumambot ang puso niya na kahit ano ang gawin ni Seigo ay hindi niya makontra at hindi rin niya maiwan. Not like she wanted to leave him. He was her best friend.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.5K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
583.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook