Luna Ville, Castro Residence
NAG-ANGAT ng tingin si Genna kay Seigo nang marinig niya itong bumuntong-hininga na naman habang nakatingin sa cell phone.
Naroon sila sa study ng kanilang bahay dahil si Seigo ang tutor niya kapag malapit na ang final exams. Ayaw kasi nitong malaglag siya sa top ten ng klase kaya mahigpit at estrikto ito pagdating sa kanyang pag-aaral.
"Hindi pa rin sinasagot ni Hazelette ang mga text at tawag mo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang nobya ni Seigo. The girl was nineteen, too, and she was his classmate.
"Yes. I went to her house, too, but she wasn't there," malungkot nitong sagot.
Kumunot ang noo niya. "Naiinis na 'ko kay Hazelette. Hindi ka niya dapat binabale-wala," naiinis na komento niya. Hindi na kasi siya makatiis na manahimik.
Si Hazelette lang ang babaeng pinakitaan ni Seigo ng labis na importansiya, bukod sa kanya. Kaya nagagalit siya dahil sa pambabale-wala ni Hazelette sa kaibigan niya.
Sa halip na pagkainis ay pagkaaliw ang nabasa niya sa mga mata ng binata. "Bakit ka naiinis?"
Lumabi si Genna. "Ayoko kasing nakikitang sinasaktan ka niya." Yumuko siya. "Galit ka ba dahil pinagsalitaan ko nang masama si Hazelette?"
Hindi niya narinig na sumagot si Seigo. Pero narinig niya ang pagkaskas ng silya sa sahig. Mayamaya lang, naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa kanan.
"Of course not. I can't get mad at you, Gen," masuyong bulong ni Seigo.
Tiningnan niya ang binata. The look on his face softened and he gave her a little smile. Naawa naman siya sa itsura nito. He looked tired. Siguro ay problemado talaga sa relasyon kay Hazelette. "Basta. Naiinis pa rin ako kay Hazelette. She's lucky she has you. Kapag pinakawalan ka niya, tanga siya. Dahil kapag naghiwalay kayo, sigurado akong maraming babae ang handa kang saluhin," pagpapagaan niya sa kalooban nito.
Alam niyang may issue si Seigo pagdating sa pang-iiwan dahil inabandona ito ng ama. Kaya gusto niyang iparamdam kay Seigo na masuwerte ang mga taong minamahal nito, kaya nasabi niya ang mga iyon.
Natawa nang marahan si Seigo na mukhang mas gumanda na ang mood. "Talaga? Maraming babae ang handa akong saluhin?"
"Oo naman!"
"Hmm..." He gently traced her cheek with his finger. "Including you?"
Ngumisi si Genna. Alam naman kasi niyang walang-malisya ang tanong. "Mahal kita, Seigo, pero bilang kapatid lang. And you know..." Inipit niya sa likod ng tainga ang kumawalang hibla ng kanyang buhok mula sa pagkakatali. "I'm already emotionally attached now."
Kumunot ang noo nito. "You like someone already?"
Ngumiti lang siya.
Kumalas si Seigo sa pagkakayakap. Humalukipkip habang kunot-noong pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Is it Melvin?"
Napasinghap siya, akmang itatanggi subalit wala namang salitang lumabas sa bibig niya kaya nanahimik na lang siya. Pagkatapos ay naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi.
Totoong gusto niya si Melvin. She liked his refreshing aura and bright smile. Kapag nakikita niya si Melvin, bigla na lang siyang mapapangiti dahil nakakahawa ang pagiging masayahin ng binata. He was so cute!
"I can't believe you like that idiot!"
Napatingin siya kay Seigo. Nagulat siya dahil sa kakaibang emosyong nakita niya sa mga mata nito. Was it... anger? "What's wrong, Seigo?"
Nag-iwas ng tingin ang binata, saka tumayo. "Excuse me. I'll just make a phone call," paalam nito nang hindi tumitingin sa kanya, saka lumabas ng kanyang silid.
Nagtaka si Genna sa iginawi ni Seigo. Hindi niya maintindihan kung bakit tila bigla na lang itong nagalit. Ngayon lang niya ito nakitang nagkaganoon.
Ah! Baka nagalit siya dahil ngayon ko lang nabanggit sa kanya ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Melvin.
Pero wala naman siyang dapat ikagalit dahil hindi ko pa rin naman nasasabi 'yon kay Charly.
Nasa kalagitnaan siya ng pakikipagdebate sa sarili nang may marinig siyang katok sa bintana ng silid. Nang bumaling siya roon, nagulat pa siya nang makita ang nakangising si Melvin sa likod ng salaming bintana.
Agad siyang tumayo at binuksan ang bintana. "Melvin! Ano'ng ginagawa mo dito?" Sinilip niya kung saan nakatuntong ang binata—sa isang steel ladder! "Alam mo bang puwede kang mapahamak diyan sa ginagawa mo? At puwede ka namang pumasok nang normal sa bahay namin!"
Ngumisi si Melvin. "Mas exciting kasi kapag ganito. Pinahiram pa nga ako ni Tita Reina ng hagdan," tuwang-tuwang kuwento nito na ang tinutukoy ay ang kanyang ina. "At saka ayokong makita ako ni Seigo. Magagalit 'yon."
"Bakit ka kasi nagpunta rito? Hindi ba dapat nasa perya ka kasama nina Charly?"
Ipinatong nito ang mga braso sa pasamano ng bintana. "Oo nga. Nasa perya na 'ko kasama sila. Pero kasi, parang may kulang. Hindi ako makapag-enjoy. And I realized it was because you weren't there. Kaya sinusundo na kita ngayon."
"S-sinusundo mo 'ko?"
He gave her his best puppy dog expression. "Samahan mo 'ko sa perya. Please?"
Natigilan si Genna habang nakatitig sa mukha ni Melvin. Nandoon na ang lahat ng kaibigan nila, pero sinundo pa rin siya ni Melvin dahil gusto siya nitong makasama. Gusto sana niya... "Pero paano si Seigo?"
"Hindi mo naman siya kailangang sundin parati, 'di ba? You're not his puppet. Ikaw dapat ang nagdedesisyon para sa sarili mo, hindi siya."
Sa unang pagkakataon sa buhay niya, kinuwestiyon niya ang sarili kung bakit nga ba sinusunod niya si Seigo. Totoong malambot ang puso niya kay Seigo kaya hindi niya ito matanggihan, pero tama si Melvin. Siya pa rin dapat ang nagdedesisyon para sa sarili.
At nakapagdesisyon na ang kanyang puso.
Nakangiting tumango siya. "Hintayin mo 'ko sa 'baba."
Gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Melvin. "Roger!"
Pagbaba ni Melvin ng hagdan ay isinara ni Genna ang bintana. Hinablot niya ang jacket na nakasampay sa likod ng silya, saka siya tahimik na lumabas ng kuwarto.
Nakatalikod si Seigo paglabas niya at mukhang may kaaway sa cell phone kaya hindi siya napapansin. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. Subalit nang nasa dulong baitang na siya, narinig niya itong sumigaw.
"Genna, where are you going?!"
Nakagat niya ang ibabang labi. Subalit imbes na huminto sa paglalakad ay tumakbo pa siya palabas ng bahay. Sa tapat ng gate ay nakita niya si Melvin na nakaupo sa bisikleta. Napangiti siya kasabay ng pagwawala ng kanyang puso. And when he smiled at her, she screamed "I love you, Melvin!" in her head.
"Good evening, Gen!"
Natawa lang siya, saka mabilis na umangkas sa likod ng bisikleta. "Let's go, Melvin! Nandiyan na si Seigo!"
"Genna!" sigaw ni Seigo.
Nilingon niya si Seigo na tumatakbo papunta sa kanila. She gave him an apologetic smile. "Sorry, Seigo!"
Bumakas ang galit sa mukha ni Seigo nang dumako ang tingin kay Melvin. "I'm going to kill you, Melvin!"
Natawa lang si Melvin. He loved adventure, and maybe escaping from Seigo gave him a thrill. "Hold on tight, Gen. We're gonna fly!"
Napatili na lang siya nang magpedal nang mabilis si Melvin.
"Genna! Melvin! Come back here!" sigaw ni Seigo.
She did not dare turn to Seigo again. Malakas ang hanging tumatama sa kanyang mukha dahil sa bilis ng pagpepedal ni Melvin. Tumatabing na rin ang buhok niya sa mukha. The wind was cold, her hair was now messy, and she felt guilty. Pero wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyayari.
Iginala niya ang tingin sa paligid paglabas nila ng Luna Ville. Madilim na, at tanging ang mga ilaw sa nadaraanan nilang mga establisimyento ang buhay na buhay. It was scary, indeed. Pero dahil kasama niya si Melvin, kampante siya dahil alam niyang ligtas siya sa piling nito.
Natagpuan na lang niya ang sarili na tumatawa.
"It's fun, isn't it?" malakas na tanong ni Melvin.
"Yes!"
For the first time in her life, she felt so free.