3rd Chapter: First Heartbreak

1789 Words
"NAKAKAPAGOD!" masayang bulalas ni Genna paglabas ng carousel kasama si Melvin. Iyon ang huling ride na nasakyan nila. "Pero masaya, 'di ba?" nakangising tanong ni Melvin. Natawa siya. "Oo. Masaya nga!" Naupo siya sa bench na nadaanan nila. Sa puwestong iyon ay matatanaw ang Ferris wheel. "Hindi pa 'ko nakakasakay sa Ferris wheel kahit kailan." Umupo sa tabi niya si Melvin. "Really? Gusto mong sumakay tayo?" Umiling siya. "Sa totoo lang, nangako ako kay Seigo no'n na kapag sumakay ako sa Ferris wheel sa unang pagkakataon, ang gusto ko ay siya ang kasama ko. No'ng una, ayaw niya 'kong payagan dahil no'ng nag-field trip ako noon, nagkataon na huminto ang Ferris wheel sa pinuntahan naming amusement park. Ayaw niyang mangyari sa 'kin ang nangyari sa mga na-trap doon. Kaya ang sabi ko, samahan na lang niya ako. And he agreed to it." "Oh. Gano'n kaimportante sa 'yo si Seigo, huh?" Ngumiti si Genna. "Oo naman. Parang kuya ko na siya." Tumango-tango si Melvin. "I see. I always thought you had a thing for him." Napasinghap siya. "Ano? Iniisip mong may gusto ako kay Seigo?" Nakangising nagkibit-balikat ito. "Eh, kasi naman, sa 'yo lang siya gano'n kalapit." "That's not true. Mas close sila ng girlfriend niya. Parang kapatid na rin kasi ang tingin niya sa 'kin kaya gano'n siya kabait sa 'kin." Nailang siya nang mapansing nakatitig si Melvin sa kanya habang nag-uusap sila at hindi pa ito nag-iiwas ng tingin. "I-Ikaw ba? M-may nagugustuhan ka na ba?" Sa pagkagulat niya ay bigla na lang lumuwang ang ngiti ng binata at nangislap pa ang mga mata. "Yes. I already like someone. In fact, I think I'm in love with her." Binundol ng matinding kaba ang dibdib ni Genna. Nanlamig ang mga kamay niya at bumilis nang husto ang t***k ng kanyang puso. Random lang naman ang pagkakatanong niya sa pag-aakalang mag-iiwas na ng tingin si Melvin kapag personal na nitong buhay ang pinag-uusapan. Hindi naman niya akalaing tahasan itong sasagot. Handa na ba ang puso niya sa ganitong usapan? "Don't look so shocked, Gen. Sa 'yo ko lang sasabihin 'to dahil ikaw ang itinuturing kong best friend. I'm in love." nakangising wika ni Melvin. Pilit niyang pinanatili ang ngiti sa kabila ng matinding panlalamig na nararamdaman niya sa buong katawan. "B-Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan?" "Well, I wasn't supposed to tell anyone since our relationship is a secret. Ayaw pa kasi ng parents niya na magka-boyfriend siya. But it's true. I'm really in love." Inakbayan siya ng binata. "Pero 'wag kang mag-alala. Hindi sa 'yo." Tumabingi yata ang ngiti niya roon. *** NAPABUNTONG-HININGA si Genna nang makita ang pangalan ng Armstrong Academy na kulay-gintong mga letra sa bakal na gate ng kanilang unibersidad. Parang hindi pa siya handang makita si Melvin pagkatapos ng sinabi nito. "I'm really in love. Pero 'wag kang mag-alala. Hindi sa 'yo." Hindi pa man din siya nagtatapat ng nararamdaman para kay Melvin, bigo na siya. Kahit crush lang niya ang binata, masakit pa rin pala. Okay. Make that "super crush." "Genna!" Nalingunan niya ang humahangos na si Charly. Nagtaka siya. "Ano'ng nangyayari, Charly?" Hinawakan siya nito sa pupulsuhan. "Sumama ka sa 'kin. Baka mapatay ni Seigo si Melvin!" "What?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Basta! Sumama ka na lang sa 'kin!" Hinila na siya ng kaibigan sa kung saan. Nagtaka siya nang mapansing ang daming tao paakyat sa third floor ng building ng College of Business Administration—ang kolehiyo ni Seigo, at ni Hazelette na kaklase at nobya nito. Napansin din niyang nakatayo si Pearl sa harap ng pinto papunta sa rooftop. "Pasensiya na pero hindi talaga kayo puwedeng pumasok," mariing wika ni Pearl. "Pero may klase kami ng Photography diyan sa rooftop!" reklamo ng isang babaeng college student. "Wala kayong klase hangga't hindi ko sinasabing puwede na!" sigaw ni Charly na naging dahilan ng pagkahawi ng mga estudyante. Everyone fell silent as they walked past the college students. Charly was Armstrong's "queen" after all. Bilang anak ng director ng unibersidad, may kapangyarihan si Charly na gawin ang gusto, lalo na at pribadong eskuwelahan iyon. At ang estado sa buhay ng mga estudyante ang basehan ng estado sa akademya. And Charly was on top. Pagpasok nila sa rooftop ay muling isinara ni Pearl ang pinto. Lalong kinabahan si Genna. Bihira lang abusuhin ni Charly ang kapangyarihan. Ang una't huling beses na natatandaan niyang inabuso ni Charly ang posisyon bilang anak ng director ng Armstrong ay nang patalsikin nito sa akademya ang mga estudyanteng nam-bully kay Pearl noon. "Gago ka, Melvin!" Nakita ni Genna na sinuntok ni Seigo sa mukha si Melvin. Bumagsak si Melvin na duguan ang bibig. Naroon din ang iba pa nilang mga kaibigan pero nakatuon lamang sa dalawang lalaki ang atensiyon niya. "Seigo!" saway ni Genna nang akmang susugurin uli nito si Melvin. Natigilan si Seigo at napatingin sa kanya. Halatang nagulat, subalit kapansin-pansin din na bigla itong kumalma. "Genna." Sinimangutan niya si Seigo, saka niya dinaluhan si Melvin. "Melvin, your nose is bleeding. Gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?" Naupo si Melvin habang pinupunasan ng likod ng palad ang dugo sa ilong. "I'm fine, Genna." "Come here, Genna," mariing utos ni Seigo. Tinulungan muna niyang tumayo si Melvin bago niya tinapunan ng masamang tingin si Seigo. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Seigo? Kailan ka pa naging bayolente?" "Gusto mong malaman kung bakit ako nagkakaganito ngayon? Sige, sasabihin ko! Nahuli ko lang namang naghahalikan ang walanghiyang 'yan at si Hazelette!" galit na sigaw ni Seigo. Natigilan si Genna. At nang may malakas na humikbi, noon lang niya napansing naroon pala sa di-kalayuan si Hazelette. Umiiyak habang nakatakip ang mga kamay sa bibig. Dumako ang tingin niya kay Seigo. He looked undeniably mad. Then, she turned to Melvin, na nakayuko lamang at hindi itinanggi ang akusasyon. Nanlambot yata ang mga tuhod niya. "Melvin... pa'no mo 'to nagawa kay Seigo?" "I'm sorry," mahinang wika ni Melvin. "I can't accept that!" galit na sigaw ni Seigo, akmang uupakan uli si Melvin. Sa pagkakataong iyon, pinigilan na si Seigo nina Alaude at Sley. Napakapit naman si Melou sa braso ng kakambal na si Stein dala marahil ng takot dahil sa kaguluhang nagaganap. Crey and Charly stayed impassive with their signature pose—arms over their chests. Namaywang si Primo at bumuga ng hangin, saka may kung sinong tinawagan sa cell phone. "Pearl, make sure the newspaper club won't write anything about this incident." Tinapunan naman ng masamang tingin ni Charly si Hazelette. "How could you do this to them, Hazelette? Boyfriend mo si Seigo at alam mong magkaibigan sila ni Melvin." Dumako naman ang malamig na tingin ni Crey kay Melvin. "Melvin, alam mo ba ang relasyon nina Seigo at Hazelette?" Hindi sumagot si Melvin. Lalo namang lumakas ang hikbi ni Hazelette. "Melvin knew. That's why he told me to keep our relationship a secret." Natigilan si Genna nang maalala ang sinabi ni Melvin sa kanya nang nagdaang gabi. "Well, I wasn't supposed to tell anyone since our relationship is a secret. Ayaw pa kasi ng parents niya na magka-boyfriend siya." Kung ganoon, nagsinungaling si Melvin sa kanya. Ang totoo palang dahilan kung bakit itinatago ni Melvin ang babaeng mahal nito ay dahil nobya ni Seigo ang babae. At alam iyon ni Melvin! Pinagmasdan ni Genna si Seigo. He looked so hurt. Her heart went out to him. Alam niya ang kuwento ng buhay ni Seigo at kung gaano ito nasaktan nang abandonahin ng ama. Alam din niya ang issue ni Seigo pagdating sa pagtitiwala dahil pinagtaksilan ng ama ang ina nito. Pero minahal pa rin ni Seigo si Hazelette sa kabila ng mga takot na iyon. Pagkatapos ay gaganoonin lang nina Melvin si Seigo? "Let me go! I'm gonna kill that bastard!" galit na sigaw ni Seigo habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nina Alaude at Sley. Natahimik lang si Seigo nang dumapo nang malakas ang palad ni Genna sa pisngi ni Melvin. Dahil maputi ay agad namula ang pisngi ni Melvin. Kung hindi kayang gumanti ni Seigo para sa sarili, siya ang gagawa niyon dahil pamilya na ang turing niya kay Seigo. "Genna..." tila hindi makapaniwalang sambit ni Charly. Ngayon lang kasi siya nakapanakit ng kapwa, at kaibigan pa nila. Melvin eyes' met hers. Halatang nagulat din sa kanyang ginawa, subalit hindi nagsalita. "Tinanggap ka namin sa grupo at kinaibigan nang maayos. We trusted you. Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Seigo," mapait na wika ni Genna bago niya tinalikuran si Melvin. Dumeretso siya kay Seigo. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng rooftop. Wala na ang mga estudyanteng nakakalat doon kanina at si Pearl na lang ang natira. She must have done something to drive them away. Seigo laced their fingers together. And with their hands linked together, they went to his oasis—the Botanical Garden. Pagdating doon ay pinaupo ni Genna si Seigo sa bench. Pilit niyang pinasigla ang boses. "Hintayin mo 'ko rito, ha? Ipagtitimpla lang kita ng kape." Gustong-gusto kasi ni Seigo ang kape niya, at alam niyang mare-relax ito kapag nainom iyon. Subalit pagtalikod pa lang niya ay naramdaman na niya ang pagyakap ni Seigo sa kanya mula sa likuran. "All I need is you, Genna." Natigilan siya. Alam naman niyang naging attached sa kanya si Seigo higit kanino man dahil siya lang ang nakakaalam ng sekreto nito, at dahil matalik silang magkaibigan. Isa pa, kaunti lang ang pinagkakatiwalaan ni Seigo dahil nga sa nakaraan nito. Naiintindihan niya kung bakit iyon nasabi ng binata. "'Akala ko, si Melvin na naman ang kakampihan mo." Kumunot ang noo niya. "Ano ba'ng sinasabi mo, Seigo? Gusto ko nga si Melvin pero hindi 'yon sapat para patawarin ko siya sa ginawa niya sa 'yo." "Kung gano'n, mas importante pa rin ako kaysa sa kanya?" parang batang tanong nito. Pumihit siya paharap. She cupped his face. "Mas importante ka pa rin, Seigo." Importante rin naman si Melvin sa kanya dahil sa loob ng isang taon na naging magkaibigan sila ay naging mabuti ito sa kanya. And she liked him. Pero sinaktan ni Melvin si Seigo. Gayunman, alam niyang hindi niya matitiis si Melvin dahil ramdam niyang malalim na ang pagtingin niya sa binata. Kaya ngayon pa lang, iiwas na siya. Mas kailangan ka ni Seigo, bulong ng isang bahagi ng isip niya. Nagulat siya nang ikulong din ni Seigo sa mga palad ang kanyang mukha. Then he slowly closed his eyes as he moved closer. Tila ba nagyelo siya sa kinatatayuan, kasabay ng pagkabog ng kanyang dibdib. Was he going to kiss her?! Nalaman niyang mali siya ng iniisip nang dumampi ang mga labi ni Seigo sa kanyang noo. Pagkatapos ay niyakap siya nang mahigpit. "Thank you, Genna. Ikaw lang ang kailangan ko. Puwedeng mawala ang lahat sa 'kin, 'wag lang ikaw." Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng kanyang ulo. "Two years, Gen. Just two more years..." bulong nito. Sa pagkakataong iyon, muli niyang kinuwestiyon ang sarili. Tama bang hayaan niya si Seigo na maging ganoon ka-attached sa kanya? She felt like something was off, but she could not pinpoint what it was. O baka mas tamang sabihing alam niyang may mali sa nararamdaman ni Seigo para sa kanya, pero natatakot siyang alamin dahil alam niyang may magbabago kapag nangyari iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD