4th Chapter: Savior

833 Words
NAPASINGHAP na lang si Genna nang itulak siya ng isang babae. Napasandal siya sa pinto ng storage room sa likod ng gymnasium. Pagkatapos na pagkatapos ng PE class ay sinundo siya ng isang grupo ng mga babae dahil may gusto raw itanong sa kanya. Galing sa college department ang mga babae. Sumama na siya para walang gulo. Humalukipkip ang babaeng nagpakilalang "Sena" kanina. "You're annoying." "Ano ba'ng kailangan n'yo sa 'kin?" naiinip na tanong niya. "Ikaw ang problema namin! Kaibigan namin si Hazelette. At sinabi niya sa 'min na ikaw ang nagsumbong kay Seigo ng relasyon nila ni Melvin. Makikipaghiwalay na sana siya kay Seigo nang maayos dahil si Melvin ang mahal niya. Pero inunahan mo siya kaya nasira silang dalawa ni Melvin kay Seigo! Kasalanan mo kung bakit nagkagulo!" akusa ni Sena. "Hindi ko alam na may relasyon sina Melvin at Hazelette kaya hindi totoo ang sinasabi n'yo!" "Si Melvin mismo ang nagsabi sa 'min na ikaw ang nagsabi kay Seigo n'on dahil ikaw lang naman ang pinagsabihan niya ng tungkol kay Hazelette!" Natigilan si Genna. Totoong sa kanya lang sinabi ni Melvin ang tungkol sa babaeng mahal nito. Pero hindi sinabi ni Melvin na si Hazelette ang babaeng iyon! Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon sa kanya ni Melvin! Siguro ay gumaganti ito dahil sinampal niya. Pero hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa niya 'to! Natauhan lang siya nang hawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang babae. Ngumisi naman nang nakakatakot si Sena. Nakaramdam siya ng matinding takot. "A-ano'ng gagawin n'yo?" kinakabahang tanong niya. "Ipasok na 'yan," utos ni Sena sa mga kasamahan. May mga babaeng nagbukas ng pinto ng storage room sa likuran niya. Bago pa niya maintindihan ang nangyayari ay naitulak na siya ni Sena. Napaupo siya sa sahig ng silid. "You're an eyesore. Dapat sa mga tulad mo, itinatago!" Nataranta si Gena nang kumilos ang mga babae para isara ang pinto. Agad siyang tumayo para pigilan ang pagkukulong sa kanya pero itinulak lang uli siya sa loob. Nang makatayo uli siya ay tuluyan nang sumara ang pinto. They even locked it. Kinalampag niya iyon. "Buksan n'yo 'to! Pakawalan n'yo 'ko!" pagmamakaawa niya. "Mabulok ka diyan!" Narinig pa niyang nagtawanan ang mga kasamahan ni Sena hanggang sa tuluyan nang tumahimik sa labas, tanda na iniwan na nga talaga siya roon. Bawat segundong lumipas, pakiramdam ni Genna ay paliit nang paliit ang espasyo hanggang sa maipit siya ng kisame at mga dingding. Napahawak siya nang mahigpit sa kanyang dibdib nang mahirapan na siyang huminga. Unti-unti siyang napadausdos ng upo. Her chest hurt even more. She was claustrophobic. Mayroon siyang matinding takot na makulong sa isang maliit na lugar. Pakiramdam niya, inaagaw ang kanyang hininga. Nakuha niya iyon mula sa isang traumatic experience noong anim na taong gulang siya. She was locked up inside her room with her older brother while their house was burning. Sa mga ganitong pagkakataon, bumabalik sa kanya ang masamang alaala. Nararamdaman pa rin niya ang mainit na apoy na pumapaso sa balat niya at ang makapal at itim na usok na unti-unting umaagaw sa kanyang hininga. "Kuya..." Genna said in a weak voice while reaching out with her hand, as if her brother was there. Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala kung paano siya iniligtas ng kanyang kuya. Binalot siya nito sa binasang comforter at kahit malapnos ang mga kamay, pinilit ng kapatid niyang buksan ang maliit na bintana sa kuwartong iyon. Doon siya nito inilabas para mailigtas siya. But when it was her brother's turn to escape, the burning roof collapsed on him. She witnessed her brother being burnt to death. "Kuya..." Nararamdaman na niya ang unti-unting pagkawala ng ulirat nang marinig niya ang pamilyar na boses. Subalit dahil sa kanyang estado, hindi niya mawari kung sino ang nagmamay-ari ng tinig. "Genna! Are you there?!" Relief flooded her system upon hearing that voice even though she did not know who it belonged to. "N-nandito ako!" Ilang sandali lang, bumukas na ang pinto ng storage room. Pumasok agad ang liwanag ng araw sa madilim na kuwartong iyon. But she could only see a boy's silhouette. Unti-unti na kasing bumabagsak ang kanyang mga mata dala ng matinding pagod. "Genna!" He got down on one knee and cupped her face. "Nasaktan ka ba?" Napahikbi siya nang malakas at saka yumakap nang mahigpit sa leeg ng tagapagligtas. Marahil ay hindi inaasahan ng lalaki ang kanyang ginawa kaya napaupo ito sa sahig. But she did not let go of him. She was sitting between his legs, her face buried in his neck. "S-Seigo..." Only Seigo would come to save her. She tried to open her eyes again. Subalit nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga luha. Ang tanging malinaw na nakikita niya ay ang nunal sa leeg ng binatang may hawak sa kanya. It was Seigo, wasn't it? Naramdaman niya ang pagpulupot ng isang braso sa kanyang baywang at ang marahan namang paghaplos ng isang kamay sa kanyang likod. "Don't cry anymore, Gen. I'm here." Sunod-sunod na lang siyang tumango habang lalo pang hinihigpitan ang pagkakayakap sa kanyang tagapagligtas. Takot na takot talaga siya. But he made her feel safe and protected. Suddenly, her fear was replaced by tranquility.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD