11th Chapter: Engagement Party

2261 Words
Enix Hotel KINAKABAHAN si Genna. Nagsimula na ang engagement party nina Stein at Eura pero wala pa rin si Melvin. Kanina pa niya tinatawagan ang binata pero hindi naman sumasagot. Baka nasa kandungan na naman ng kung sinong babae ang ugok na iyon. May kung sinong humawak sa kanyang balikat. Nalingunan niya si Charly. Her best friend looked stunning in her daring black dress. She was with Crey who looked so handsome in his three-piece dark suit. Lalong bumagay sa isa't isa sina Charly at Crey dahil sa kanya-kanyang suot. "Both of you look gorgeous," sinserong komento niya. "Salamat. Ikaw rin naman, ah," sabi ni Charly. Ngumiti lang si Genna. She wore a plain white dress, her hair was tied up in an elegant bun and she even applied makeup on her face. Bihira lang siyang mag-ayos at ginawa niya iyon dahil espesyal ang araw na iyon para sa kaibigan nilang si Stein. "'Wag kang mag-alala, Gen. We're here for you," nakangiting sabi ni Charly. "I assure you, kapag may ginawang kalokohan si Seigo, ipapakaladkad ko siya palabas ng hotel ko," sabi naman ni Crey sa malamig na tinig. Si Crey kasi ang nagmamay-ari ng Enix Hotel. Natawa nang marahan si Genna. "I'm fine, Charly, Boss Crey." Pasimple uli siyang luminga sa paligid. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila, maliban lang talaga sa Melvin na iyon. Kung kailan kailangang-kailangan niya, saka naman nawawala si Melvin. "Don't worry, Gen, your knight in shining armor will surely be here for you," parang nanunuksong sabi ni Charly. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Nahalata pala siya masyado. "A-alam ko naman 'yon. Nag-aalala lang ako kung bakit wala pa siya." Lumagpas ang tingin ni Crey sa kanya. "Stein. Eura." Nalingunan ni Genna ang magkasintahang nabanggit. Eura looked so lovely in her pink tube dress which was paired off with elegant white fishnet gloves and stilletos. Her face looked so radiant. Stein, on the other hand, looked so dashing in his obviously expensive suit. Mahirap magdesisyon kung sino ang pinakaguwapo sa mga kaibigan niya dahil pare-pareho ang lebel ng kaguwapuhan. Subalit sa gabing iyon, ibibigay niya ang boto kay Stein. Kumbaga sa babae, napaka-blooming nitong tingnan. "Congratulations on your engagement, Stein, Eura," masayang bati ni Genna. Stein looked relieved. "Thank you, Genna. I'm really glad you're here." Pabiro niya itong hinampas sa braso. "Ano ka ba? Magkaibigan tayo. Hindi ako papayag na hindi makadalo sa espesyal na okasyong 'to." Stein just smiled. Then, he turned to Eura. "Genna, salamat sa pagdalo," nakangiting sabi ni Eura, pero mababakas ang pag-aalala sa mga mata. "Puwede ba kitang makausap sandali?" Stein, Charly, and Crey excused themselves, leaving her and Eura alone. Hinawakan siya ni Eura sa kamay. She smiled apologetically at her. "Genna, hindi ko alam kung bakit, pero nasabi sa 'kin ni Stein na may alitan kayo ni Seigo. Pasensiya ka na kung hindi ko magawang hindi siya imbitahin sa engagement party ko. He's a very good friend of mine." Ngumiti siya. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya, Eura. Naiintindihan ko naman. Party mo 'to kaya may karapatan kang imbitahan ang mga gusto mong imbitahan." Parang nakahinga ito nang maluwag. "Salamat. 'Akala ko, sasama ang loob mo sa 'kin." Natawa siya nang marahan. "You're very precious to Stein, Eura. At kaibigan na rin ang turing ko sa 'yo. 'Wag mo 'kong intindihin at i-enjoy mo na lang ang party mo." Ngumiti lang ito. "Genna, I know I'm not in a position to say this, but I can't help it. Si Seigo, mabuting tao siya. Napakabuting kaibigan niya rin sa 'kin. Kung ano man ang naging problema n'yo, sana maayos n'yo pa." An image of a burning building flashed in her mind. She shook her head to drive that thought away. Pero mukhang mali ang pagkakaintindi ni Eura sa pag-iling niya dahil nalungkot nang husto ang mukha nito. "Oh. I see. Pasensiya na sa pakikialam ko," dispensa ng dalaga sa malungkot na tinig. "Eura, you're wrong—" "Eura, don't ask for the impossible." Nanigas si Genna sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Pigil niya ang hininga nang sumulpot si Seigo mula sa likuran ni Eura. Halos ganoon pa rin ang itsura ni Seigo katulad ng pagkakatanda niya noong huli niya itong makita pitong taon na ang nakararaan. He looked mature, yes, but it only made him more handsome. Malaki ang pagkakahawig ni Seigo kay Melvin, lalo na at parehong singkit ang mga mata, kaya ngayon ay mas mahahalata na ng kahit sino na magkapatid ang dalawa. Humalik si Seigo sa pisngi ni Eura. "You look very lovely, Eura. Congratulations," nakangiting sabi ng binata. Ngumiti rin si Eura. "I'm glad you came, Seigo. Thank you." Agad dumating si Stein at ipinulupot ang braso sa baywang ni Eura, pagkatapos ay bumaling sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Stein at parang ba itinatanong kung ayos lang siya. Tumango si Genna bilang sagot, saka luminga sa paligid. Akmang lalapitan siya ng iba pa nilang mga kaibigan, pero umiling siya upang pigilan iyon. "Sige na, Stein. Go and greet your guests. Iwan n'yo na kami ni Seigo." "Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ni Stein. Tumango siya. "Pero—" "Let them talk, Stein," mariing sabi ni Eura, saka hinila si Stein palayo. Nang umalis ang magkasintahan ay sinenyasan ni Genna si Seigo na sumunod sa kanya. Dinala niya ito sa balkonahe ng hall kung saan walang ibang taong naroon. Hinarap niya ang binata. It was both painful and frightening to face him alone. Ngayong nakatingin siya sa mga mata ni Seigo, sabay ding bumalik sa kanyang isipan ang masasaya at masasakit na alaala nilang magkasama. And then his eyes showed sadness and longing. She felt a painful squeeze in her heart. Gusto niyang umiyak, sapakin si Seigo... at yakapin. Pero pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. She missed him, yes, but she still could not forgive him. "Kumusta ka na, Genna?" Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. "Mabuti. Ikaw? Nag-enjoy ka ba sa p*******t sa mga kaibigan ko?" sarkastikong tanong niya. Kinompronta niya si Melvin noong nakaraan at tinanong kung kailan pa nalaman ng mga kaibigan niya ang pagbabalik ni Seigo. At mula sa komprontasyon ay napag-alaman niya ang lahat ng pinaggagagawang kalokohan ni Seigo mula nang bumalik ito sa Pilipinas. "No, it's not enough to satisfy me. Kulang pa 'yon bilang ganti sa ginawa n'yo sa 'kin," ani Seigo sa malamig na tinig. Ikinuyom ni Genna ang mga kamay. "So, after so many years, we still stand as enemies, huh? Stop messing with my friends, Seigo." Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito. "You've changed, Gen." Tumango siya. "Oo. Hindi na ako ang batang kayang-kaya mong saktan. Kaya na kitang labanan, Seigo. So stay away from us." Malungkot na ngumiti ang binata. "I can see that." Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makita ang mukhang iyon. "Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Magandang gabi." Tumalikod na siya. "I've missed you, Gen," malakas na sabi ni Seigo sa parang desperadong boses. Natigilan siya. Subalit agad din siyang naglakad palayo. Kahit ano pa ang sabihin ni Seigo, kahit gaano man kasakit para sa kanya na paulit-ulit itong talikuran, wala na siyang magagawa. Hindi na sila makakabalik sa kung ano man sila noon. Thus, those four words he said to her broke her heart that night. *** MABILIS na hinubad ni Melvin ang helmet pagkaparada niya ng BMW bike sa parking lot ng Enix Hotel. "Damn! I'm late!" Isinukbit niya ang mailman bag, saka siya bumaba ng big bike. Sumakay siya sa elevator pagpasok niya sa lobby at nagulat siya nang sa pagbukas ng pinto ay sumalubong sa kanya si Seigo, na hindi na nagulat nang makita siya at kung titingnan ay mukhang kanina pa siya hinihintay. "Kuya," sambit ni Melvin. Natutop niya ang bibig. Ayaw nga pala nitong magpapatawag ng "kuya" kahit mas matanda ito sa kanya nang tatlong taon, pero dala ng pagkabigla ay iyon ang nasabi niya. Ngumiwi si Seigo, halatang hindi nagustuhan ang itinawag niya. "You're late." Nanlaki nang bahagya ang kanyang mga mata. "Hinihintay mo ba 'ko, Seigo?" Tumaas ang kilay nito. "Wala akong pakialam kung hindi man kita makita kahit kailan. Si Genna ang inaalala ko. She's been looking for you the whole time, and she looks worried. Sana man lang, tinawagan mo siya." Awtomatikong kinapa niya ang bulsa para sa kanyang phone. "Shoot! I forgot my phone in my office!" Iniwan niya ang kanyang phone dahil may iniiwasan siyang tawag na ilang beses nang nangungulit. It seemed like a ghost from his past had come back to haunt him. A ghost in her form. "You're really stupid. What does she even see in you?" halos pabulong na tanong ni Seigo. "What do you mean?" "Kanina pa nagsimula ang party." Humalukipkip ito. "Saan ka ba galing?" Nakangising dinukot ni Melvin mula sa bulsa ang kuwintas na ipinagawa niya. Ang pendant niyon ay isang maliit na botelya kung saan nakalagay nang maayos ang golden flower na nakuha nila ni Genna noong nakaraang gabi sa Luna Ville flower-bed. Kasinlaki lang iyon ng isang clover leaf. Ipinalagay niya ang golden flower sa botelya para mas maingatan ang dahon dahil naniniwala siyang may magic ang bulaklak. At matutupad niyon ang mga kahilingan niya para sa ikabubuti ni Genna. "Ipinagawa ko kasi 'to para kay Genna," nakangiting sagot niya. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Seigo. "Are you planning to make Genna wear that piece of trash? Are you out of your mind?" Ngumiti lang siya. "Seigo, malapit na ang memorial service ni Lolo. Pumunta ka. I'm sure Dad will be happy to see you." Mapait itong ngumiti. "I refuse. Pupunta lang ako kapag ililibing na ang ama mo." He balled his hands into fists. "Seigo!" "Hindi ba nagpunta lang din naman siya no'ng inilibing ang mama ko kahit ilang beses akong nagmakaawa sa kanya na tulungan kami noon? Ibabalik ko lang kung ano'ng ginawa niya sa 'min," anito sa boses na punong-puno ng galit. Biglang kumalma si Melvin. Muli na namang bumalik sa kanya kung ano nga ba ang kasalanan ng pamilya Wu kay Seigo at sa ina nito. Iniwan ng kanilang Chinese father ang Filipina mother ni Seigo—kahit ipinanganak na si Seigo—para pakasalan ang kanyang ina na isang Chinese. They were not a traditional Chinese family. Pinapayagan naman silang mag-asawa ng Filipina o ibang lahi, subalit ang ina ni Seigo ay nagmula sa mahirap na pamilya at iyon ang hindi natanggap ng mga Wu. Kinilala naman ng kanilang ama si Seigo bilang anak at binigyan ng bahagi ng kayamanan ng pamilya Wu na nararapat dito, subalit hindi pinahintulutan ng kanilang ama ang kapatid niya na maging bahagi ng kanilang buhay. Their father pushed Seigo and his mother away. Mabilis naubos ang kayamanang iniwan ng mga Wu kina Seigo dahil nagamit iyon sa pampagamot sa ina ni Seigo na may cancer. Nang lumapit si Seigo sa kanilang pamilya upang humingi ng tulong, tumanggi ang kanilang ama. Then, a few weeks later, Seigo's mother died. Ganoon kalaki ang sugat na naiwan marahil sa puso ni Seigo kaya ganoon na lamang kalaki ang galit nito sa kanya at sa pamilya Wu. "Hindi ka ba napapagod sa paghihiganti, Seigo?" Hindi na naitago ni Melvin ang kalungkutan sa kanyang boses. A huge image of fire flashed in his mind. Muli niyang ikinuyom ang mga kamay. "Alam kong kaya mo kaming saktan lahat, maliban kay Genna. Pero naisip mo ba na sa ginagawa mong p*******t sa 'min, siya pa rin ang pinakanasasaktan?" Nag-iwas ito ng tingin. "She still betrayed me, Melvin, like you all did." "I will protect my friends from you, Seigo. Especially Genna," mariing sabi niya. Sinalubong nito ang kanyang tingin. "Minsan ko na ring ipinangako kay Genna 'yan. Pero sa huli, ako pa rin ang nakapanakit sa kanya." Tinapatan ni Melvin ng ngiti ang panghahamak sa boses ng kanyang kapatid. "It's a man's duty to keep the promise the last man in his woman's life had broken, Seigo." "Is she yours?" "She's my best friend." "Screw that label." Natawa lang siya. "Bumalik na tayo sa party." Umiling-iling si Seigo, subalit umagapay rin naman sa paglalakad. Hindi na kumibo si Melvin dahil may aura sa paligid ni Seigo na nagsasabing uupakan siya nito kapag kinausap niya. Pagbukas nila ng pinto sa hall, nagulat siya nang biglang mamatay ang ilaw kaya halos wala siyang nakita. Tanging ang liwanag ng buwan na tumatagos sa mga bintana ang nagsisilbing ilaw roon. "What's happening?" tanong ni Melvin habang sinasanay ang mga mata sa dilim. He was actually trying to find Genna in the dark. Nasagot ang tanong nang may magsalita. Boses iyon ni Primo. "Good evening, ladies and gentlemen! Before we begin the last dance, let us first find partners for our single guests!" Umugong ang malakas na tawanan mula sa mga bisita. Mukhang alam na niya ang nangyayari dahil madalas iyon gawin ni Primo sa mga sariling party. "This game is simple," pagpapatuloy ni Primo. "All the single ladies should stay on the right side. Our bachelors will just have to go to them at kung sino ang unang babaeng mahahawakan nila sa kamay ay ang magiging kapareha nila. Ang kung sino mang manamantala sa dilim, ipapatapon ko sa labas ng Pilipinas. Hindi ako nagbibiro." "I will find Genna," biglang deklara ni Seigo. Hindi alam ni Melvin kung bakit pero bigla siyang naalerto. Nakaramdam din siya ng matinding pagtutol sa kalooban. "I won't lose to you," deklara din niya bago pa man magproseso ang mga salitang iyon sa kanyang isip. "Let us now begin the 'Soul Mates In The Dark Game'!" sigaw ni Primo bilang pagtatapos. Mabilis na naglakad si Melvin papasok sa gitna ng hall. Nasanay na sa dilim ang kanyang mga mata kaya medyo nakakaaninag na siya. Ang dami palang babae roon! Ginamit niya ang pang-amoy. Kilalang-kilala ng buong sistema niya ang samyo ni Genna kaya kahit matabunan iyon ng mas matatapang na pabango, no matter how faint it was, he would still find her scent. May natural na "Genna Radar" yata siya dahil ilang sandali lang ay nakita na niya si Genna. Subalit bago pa niya matawag ang dalaga, naunahan na siya ng kung sino. "Genna." Seigo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD