Kinaumagahan, marahang bumaba si Rosie sa kanilang hagdan. Nakakailang hakbang pa lang siya pababa nang marinig ang pakikipag-usap ng mommy niya sa amiga nito. Hindi na niya kailangang hulaan iyon dahil kilala naman niya agad. It's Rich's mother. Paniguradong nagkayayaan na naman silang magkita at maglaro ng majong. Sinadya niyang mag-tiptoe nang mapakinggan ang pag-uusap nilang dalawa. Nang banggitin pa lang ng mommy niya ang pangalan ni Rich ay nag-iba na agad ang ihip ng hangin. Umagang-umaga ay nawala siya sa mood. Sana hindi na lang ako nakinig. Aniya sa isipan saka tuluyang bumaba. Her mom heard her footsteps kaya napalingon ito sa kanya. "Rosie, anak. Maghanda ka at dadalaw rito ang Tita Cherry mo," bungad ng mommy niya. Para namang ang layo ni Tita Cherry? E, sa kabilang subdi

