Sina Rosie at Roché ang sumalubong sa tita Cherry nila sa labas. Mabilis nilang pinagbuksan ang gate nang marinig ang doorbell. "Rosie! Ikaw na 'yan? Grabe, ilang taon rin tayong hindi nagkita, ah. Gumaganda ka lalo," anang tita Cherry niya. She blushed with that compliment. "Salamat, Tita! Na-miss ko po kayo," sagot ng dalaga. "Same here, Tita Cherry!" Si Roché. "Kay gagandang mga bata ng mga anak mo, mare!" anito sa mommy nina Rosie at Roché habang inaakay siya ng dalawa papasok. Naging maingay ang pagdating ng mommy ni Rich na si aling Cherry sa tahanan ng mga Lim. Sandamakmak ba namang chismis ang baon nito para sa amiga niya. Matagal na silang magkaibigan ng mommy ni Rosie at mukhang hindi na yata matitinag 'yon. "Kanino pa ba 'yan magmamana, mare? Tingnan mo na lang ang magi

